CHAPTER 18

2.9K 83 1
                                    

Ria Crystal POV

Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak ni ZL sa kamay ko.

"Ano ba ang problema mo ha?!!" Inis na sabi ko at hinatak ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Umayos siya ng tayo at hinarap ako saka bumuntong hininga.

"Wala. Umuwi nalang tayo." Kalmadong sambit niya at agad na umiwas.

I sighed at hinarap siya. "You don't need to drag me, ZL! Kaya kong mag lakad!" Kunot noong sabi ko pa.

"Alright! Okay." Sabi niya at itinaas ang dalawang kamay niya na para bang sumusuko.

Tiningnan ko siya sa mata na ngayon ay pilit siyang umiiwas sa mga tingin ko. "You should not leave her like that." Mahinahon kong sambit.

"Who??" Takang tanong niya.

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Si Cindy. Ano ka ba, ZL??"

"Umuwi nalang tayo. Tara na." Pag iiwas niya pa.

"Aish! ZL!! Balikan mo doon si Cindy! Ako na uuwi mag isa." Saad ko.


"P-pero..." hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya ng tawagin ko sila Gino.

Dali dali akong lumapit sa pwesto nila Gino. "Uwi na tayo." Pag aaya ko sa kanila.

"Ihatid na kita sa inyo, Ria. Baka magalit pa Kuya mo. Alam mo naman 'yon."

"Sama na rin ako sa inyo." Napalingon kami kay Jaspher ng mag salita siya.

"Hindi na. Umuwi ka na rin baka hinahanap ka na." Saad ko.

"Oo nga pre." Pag sang ayon pa ni Dexter.

"Kayo din umuwi na kayo!" Saad ko at isa isa silang pinanliitan ng mata.

"Kita kits nalang bukas." Paalam ni Gino saka kami umalis.

"Akala ko pa naman din ihahatid ka ni Zayne." Dismayado niyang sambit.

"Pina balik ko siya kay Cindy. Mukhang ayaw niya pa nga eh kaya pumunta ako ka agad sa inyo." Saad ko't napalingon siya sa 'kin saka bahagyang natawa.

"Bakit mo ginawa 'yon? Tss. Tara na nga." Sabi niya at ginulo ang buhok ko.

Tumungo kami sa may sakayan dahil sasakyan ni  ZL at Dexter ang dala namin. Kaya wala kaming choice kung hindi mag commute.

Dali dali kong kinapa sa bag ko ang cellphone ng mag vibrate ito.

1 message recieved

Kanino kaya? I clicked the message box at bumungad sa 'kin ang pangalan ni Zayne.


From: Zayne Kupal

Ingat ka.


I just sighed.


♡♡♡


Narito ako ngayon sa classroom. At ina assign kami sa aming mga magiging ka grupo. Para sa  darating na outreach program.

"Trina, Pia, Tinga, Popoy, Tina at Cindy. Article ang kailangan maipasa niyo. Bahala na kayo magdagdag pa ng tao na mag papasa ng article."

My Senior Highschool LifeWhere stories live. Discover now