CHAPTER 20

2.8K 70 4
                                    

Ria Crystal POV

"Seryoso?! Nandito sa Univeristy ang Ex ng Kuya mo??" Hindi makapaniwalang tanong ni Chloe.

Tumango tango ako bilang sagot.

Hapon na at nandito kami sa Cafeteria ngayon. Halos mag iisang oras na kami dito. Wala rin naman kaming klase dahil halos lahat sila ay nag aayos para sa outreach na pupuntahan namin bukas.

Biglang sumama ang ihip ng hangin. Dahil nakita ko na naman ang mukha ni Cindy. Sa totoo lang minsan ay nag sasawa na ako sa ganito kong ugali kapag nakikita ko si Cindy. Kaya minsan ay hindi ko nalang siya pinapansin.

"Ikuha mo nga ako ng tubig, Ria." Utos ni Cindy na ikinakunot ng noo ko.

"Ay aba! Baki-----" sumenyas ako kay Chloe na manahimik nalang at sinunod niya naman.

"Since nandito ka nalang rin naman, bakit hindi ikaw ang kumuha??" Sarkastiko kong sabi at tumayo. Aakmang aalis na ako ng mag salita si Cindy.

"Since kami na rin naman ni Zayne. Bakit hindi mo na rin sundin ang mga utos ko??" Bahagya akong natawa at hinarap siya.

"Sorry Cindy. Pero, wala kasi 'yon sa na pag kasunduan namin ni Zayne." Sabi ko pa at ngumiti ng nakaka asar. Sumenyas ako kay Chloe na umalis na kami doon.

Narito kami ngayon sa may field ng University ng mag salita si Chloe.

"Grabe naman 'yon, Ria!!" Manghang mangha na sabi niya at tinusok tusok pa ang tagiliran ko.

"Bakit? totoo naman kasi." Sabi ko pa.

Mag sasalita pa sana siya ng mahagip ng paningin ko sa hindi kalayuan si Gino na tumatakbo papalapit sa 'min.

"Anong meron??" Tanong ko ng makalapit siya.

"S-si.... J-jm...." sambit niya habang hinahabol ang paghinga.

"Anong nangyari kay Kuya?!"

"Sandali, Gino. Take a deep breath muna." Sambit naman ni Chloe.

"Anong nangyari kay Kuya, Gino??" Pag uulit ko pa.

"Nandoon na naman sa Bar nag text sa 'kin ang staff..." napa buntong hininga ako ng sabihin 'yon ni Gino. Hapon na hapon umiinom.

Dali dali kaming lumabas ng University at pumunta sa kung saang Bar man 'yon.

Hindi ganoon ka rami ang tao kaya hindi kami nahirapang mahanap si kuya. Inalalayan namin ni Gino si Kuya.

"Ano ba ang nangyari dito at uminom na naman??" Tanong ni Gino.

Napa buntong hininga ako. Hindi ka pa rin siguro nakaka move on kay Ate Jenifer.

Dinala namin siya ngayon sa kotse niya. Si Gino ang nag drive papunta sa bahay.

"Hala! Anak anong nangyari??" Nag aalalang tanong ni Nanay Rosita nang makitang buhat ni Gino si Kuya.

Inilapag ni Gino si Kuya sa sofa sa living room namin.

"Uminom na naman siya??" Napalingon ako ng marinig ang boses na 'yon.

"Dad!!" Masayang sambit ko at niyakap siya. Ngayon ko lang ulit siya nakita after ilang months dahil sa trabaho niya sa kumpanya.

"Ngayon na nga lang ako ulit umuwi. Ito pa ang sasalubong sa 'kin!" Seryosong sabi ni Dad.

My Senior Highschool LifeWhere stories live. Discover now