CHAPTER 36

2.1K 50 1
                                    

Jennifer Mariel POV

Nakaupo ako dito sa gilid habang pinag mamasdan ang mga tao na nasa pool.

"Why don't you join them?" Natauhan ako ng marinig ko ang boses ni Zayne at naupo sa tabi ko habang may hawak hawak siyang isang baso.

"Woah. Kailan ka pa natutong uminom, mister??" Nanlalaking mga matang tanong ko.

Napa 'tsk' lang siya at inubos ang laman nang basong hawak hawak niya.

Napa iling lang ako sa ginawang 'yon ni Zayne. Tss. Napa buntong hininga ako at saktong nagsalubong ang paningin namin ni JM. Agad rin siyang umiwas.

"Tss. Lapitan mo na." Pag pupumilit ni Zayne.

"Tse. Doon ka na nga." Pag tataboy ko sa kanya at bahagyang natawa.

"Ewan ko sa inyo. Walang mangyayari kung puro kayo titigan." Pailing iling niya pang sabi saka umalis.

I sighed. Tumungo ako sa may parapet wall saka sumandal doon ng mahagip na naman ng paningin ko si JM. Aakmang lalapit ako ng mapansin kong may kausap siyang babae.










Mukhang may bago na siya.

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang sumulpot si Ria sa harap ko kasama si Chloe.

"What are you doing here alone??" Tanong ni Chloe.

"Kuya!!" Agad akong napalingon kay Ria ng marinig ko siyang sumigaw.


What the???


Bumaling ako kay JM na nakatingin ngayon sa gawi namin. Sumenyas si Ria na lumapit at agad rin sumunod ang Kuya.

"What??" Kalmadong sabi niya habang deretsyong nakatingin kay Ria. Sumulyap ako sa babaeng kasama niya kanina na naka tingin rin kay JM.

"Who's that?"  Hindi ko namalayang nasabi ko ang mga salitang yon na dapat ay nasa isip ko lang. 

Damn it!

Pansin kong bumaling ang tingin nila sa 'kin pati na rin si JM na ngayon ay nagtataka.

"Sino?" Tanong ni JM na deretsyong naka tingin sa 'kin. Sheeez! Stop staring!

"W-wala don't m-----" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita si Ria.

"Dito muna kayo, kukunin ko lang purse ko."  Singit ni Ria at umalis.

Mag sasalita pa sana si JM nang biglang dumating ang babaeng kausap niya. "Uhm... JM.." sabay kaming napalingon sa babaeng 'yon.

Tiningnan lang siya ni JM at hinihintay ang susunod na sasabihin. "You forgot this." Aniya. Sandali akong natigilan ng iniabot niya kay JM ang isang keychain.

That was the key chain I gave him.

"S-salamat." Rinig kong sabi ni JM at agad kinuha ang keychain.

Nasa sayo pa pala 'yan.

Bahagya akong napangiti.

Bumaling ako sa kanya nang marinig siyang  tumikhim.

"I'll get some drinks."  Aniya at agad umalis.

What was that?

"Matunaw si Kuya JM." Rinig kong usal ni Ria na kararating lang at dahilan para mapalingon ako sa kanya na ngayon ay nakangiti ng nakakaloko.

"Ria!" Sita ko.

"What? I didn't say anything." Mapang asar niyang sabi.

Para kang ewan, Jen. Tsssk.







♡♡♡

"Huy, Ate!! Papasukan nang langaw 'yan" Rinig kong sabi ni Ria habang patuloy lang siyang kumakain.

Napaka takaw niya. Naka ilang balik na siya sa table namin at mukhang hindi pa siya busog.

"Why? You didn't expect me to eat like this?" Hindi ko siya pinansin at kumain nalang rin.


"Isa pa nga. Hahaha! Dali na!"

"Ayoko sabi eh."

Sandali akong natigilan nang marinig ko ang boses ni JM pati na rin ang boses nang babae. Kusang hinanap nang paningin ko sila JM.

"Ako nasasaktan para sayo, Ate. Ikain mo nalang yan." Singit ni Ria.

"Sila ba ni JM?" Tanong ko dala ng curiousity habang nakitingin sa gawi ni JM.

"Hindi pala kwento si Kuya sa'kin this past few days eh. Kaya, hindi ko masasagot ang tanong mo Ate."  Saad niya. Agad akong umiwas at nag patuloy sa pag kain nang mapansin kong muling tumingin sa'kin si JM.

JM's POV

"Who is she??" Napabuntong hininga ako ng marinig kong mag salita ang babaeng kasama ko ngayon.

Narito kami ngayon sa labas at mula sa pwesto ko ngayon ay tanaw na tanaw ko ang pwesto ni Jen kasama si Ria.

"Sino?"

"Duh. Yung babaeng kanina mo pa tinitingnan." Aniya at napa cross arms pa.

Hindi ko sinagot at tumingin sa basong hawak hawak ko at bahagyang nilaro ito.

"Let me guess, your girlfriend?" Sandali akong natigilan at nilingon ang babaeng nasa tabi ko ngayon.

"Look, hindi ako manhid, sa tingin niyo palang kanina alam kong may something sa inyo. Tsss." Saad niya at tumingin sa kalangitan.

"She's not my 'girlfriend' anymore." Muli niya akong tiningnan.

"But, You still love her??"  Seryosong sambit niya.

"Its not that I-------------"

"If you still love her, why don't you give it a try? Ask her for a second chance? I know that may hindi magandang nangyari sa inyo. Maayos niyo yan kapag pinakinggan niyo rin ang isa't isa." Saad niya habang nakatingin sa mga mata ko. Mag sasalita pa sana ako ng mag salita pa ulit siya.

"I need to go. I'm Joanna Fuentes by the way. Nice meeting you, John Michael Salvador." Paalam niya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mag laho sa paningin ko habang hindi pa rin maka paniwala. 










Joanna Fuentes??

She's the only girl I loved back then in Junior High...






















My Senior Highschool LifeWhere stories live. Discover now