Chapter 2 (Unedited)

15.8K 284 4
                                    

(Play the Video: Scared to Be lonely-Martin & Dua)

MAWI

"Now, pack all your things and leave," sabi ng manager namin sa akin. Napayuko ako at humikbi ng palihim.

Bakit ngayon pa?

"What? What are you still standing there? Alis na." Pagtataboy niya sa akin kaya ay lumabas na ako ng opisina niya.

Huminga ako ng malalim at hinigpitan ang kapit sa laylayan ng damit ko, pang-ilang beses na ba akong natanggal sa trabaho ko?

"Buti nga sakaniya."
"Kaya nga eh."
Narinig kong nagbubulungan ang mga kasamahan ko sa trabaho habang patungo ako sa locker namin at kunin ang bag ko.

Hindi naman ako tanga para hindi malaman na ako iyong pinag uusapan nila, bahala na sila sa buhay nila wala lang sigurong magasa. Pagkakuha ko sa bag ko ay nagbihis na ako ng casual attire at inayos ang suot kong salamin sa mata.

Ilang minuto din ang tinagal ko sa locker room bago ako umalis ng restaurant.

Sa labas ay nabalutan ako ng maginaw na simoy ng hangin, malapit na palang mag alas syete ng gabi. Niyakap ko ang sarili at nagsimulang maglakad.

Ang malas talaga ng buhay ko. Saan na ako kukuha ng pambayad sa apartment na tinitirhan ko?

Habang naglalakad ako pauwi ay naalala ko bigla ang binigay sa akin ng babae na calling card. Agad ko iyong kinapa sa uniform na suot ko kanina na nasa bag ko.
Nang makuha ko na ito ay inayos ko ang bag at sinabit ulit ang strap sa balikat ko.

Amira Jovovich

Nanlaki ang mata ko nang makita ang pangalan ng isang sikat na tao, isa siyang magaling na surgeon. Wala atang tao ang hindi nakakakilala sakaniya kahit pa isa siyang Doctor, dahil na rin ang mga Jovovich ay kilalang kilala sa buong Asya at maging buong mundo. Isa ang pamilyang Jovovich sa mga successful na Bilyonaryo.

Nakita ko din ang numero at gmail contact niya na nasa baba ng pangalan niya.

Tatawagan ko ba? Mamaya nalang siguro.
Agad akong dumiretso sa apartment ko at nagbihis pambahay, inayos ko ang mga gamit ko at nagluto ng pagkain para sa hapunan.

Nang matapos na ay agad kong kinuha ang calling card at sinubukan iyong tawagan.

"this is Ms. Katarina, The assistant of Mrs. Jovovich. How can I help you? "

Huminga ako ng malalim, "A-ah This is
Ma-mawi Danwiel Cabradilla, B-binigay po s-sa akin ni M-miss Mira i-itong ca-calling card."

"Okay, just wait for a minute... " nakatayo lamang ako habang hinintay ulit na magsalita ang kausap ko sa telepono.
"Do you want to apply for work? " agad na tanong niya

"Ye-yes po." sagot habang tumatango, unti- unting nabubuhay ang pag-asa sa puso ko.

"Okay, please bring your biodata tomorrow on the Jovovich Imperial. 6am. Have a good night." pagkapatay na pagkapatay ng tawag ay agad akong napatalon sa tuwa.

"Thank God! " nakangiting sabi ko.

Kinabukasan ay inayos ko ang sarili ko, hinarap ko ang salamin sa pader at tinignan ang suot kong damit. Naka suot ako ng blouse na puti at mahabang paldang mabulaklak na hanggang paa. Inayos ko ang suot kong eyeglass at sinuklay saglit ang buhok gamit ang kamay, hindi na ako gumamit ng suklay dahil gindi ako sanay. Meron akong kakaibang kating nararamdaman sa mukha kung nagpupulbos at naglalagay ng kolorete sa labi kaya ayos na ang hilamos. Hindi naman siguro kailangan ng bonggang ayos dahil mag aapply palang naman ako, tinapik ko ang balikat at tumango.

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon