Chapter 7 (Unedited)

10.9K 271 6
                                    

3RD PERSON'S POV


"But attorney, kailangan po kayo ng firm ngayon. May important case pong dumating kanina lamang." sabi ng isang sekretarya na nakalukot ang noo sa kaniyang amo. 

   Hindi niya aakalaing magkakansela ng isang kaso ang kaniyang amo sa unang pagakakataon, Isang importanteng kaso pa.

"Do I need to repeat myself?" walang buhay na tanong ng kaniyang amo, kaya ay natahimik nalamang siya at dahan dahang napailing.
"Ah,  sige boss sasabihin ko nalang po." sagot ng sekretarya at nagtipa sa kaniyang cellphone.

Hanggang sa matapos ang meeting sa isang Convention Center, kabilang ang mga iba't ibang business men na nanggaling pa sa ibang bansa.  Agad umalis si Rhett at nagtungo sa parking lot mag isa saka nagmaneho patungo sa company building niya na isang oras ang layo, ngunit dahil sa bilis ng kaniyang pagpapatakbo ay halos kalahating oras lamang ang itinagal niya sa kalsada. 

  Hindi niya alam kung bakit parang nagmamadali siya at kanina pang hindi mapakali dahil gusto na niya makita ang dalaga. Naguguluhan siya kung bakit ganun nalamang ang reaksyon niya kung nakikita ito, para bang gusto niyang lagi itong makita at malapitan ngunit alam niyang mali ang nararamdaman niya.

  "Fucking shit." mahinang sambit niya ng matagpuan ang sarili sa tapat ng kaniyang opisina, sa loob ng ilang araw lamang na nakita niya ang babae ay hindi na nito tinigilan ang utak nito. Masyadong nakakapanibago sa pakiramdam dahil ito ang unang beses na nakaramdam siya ng galito sa isang babae. Nang buksan niya ang pinto ay ang akala niya ay may madadatnan siya ngunit walang tao ang nakita niya sa sa loob ng kaniyang opisina. 

  "Ah, Sir? Lumabas po pala sila kanina. Sabi ni Sir Rhex, mamamasyal lang daw po sila sa Red park." biglang sumulpot ang assistant secretary niya sa  likod niya.

  Hindi nalamang siya umimik at pumasok nalamang sa opisina. Pagkaupo niya sa upuan ay agad na tumunog ang kaniyang smartphone. 
Nagpakawala ito ng hangin at sinagit ang tawag.

"What?" walang gana niyang tanong at mabilis pinasadahan ng tingin ang mga business porposals sa mga folder na nakalapag sa lamesa niya.

"My man! tonight at HN Club? " tanong ng isang lalaki sa kabilang linya

"8pm." sagot niya at pinatay na ang tawag.
Guess, he needs to freshen his mind for a while. 
He get his car key on the top of his table and went out.

On the other hand, habang abala si Mawi sa pagtanaw sa mga batang naglalaro sa parke katabi niya ang kaniyang alaga na abala sa Cellphone nito.  

"H-hindi ba tayo ha-hahanapin ng k-kuya m-mo?" tanong nito kay Rhex

"Nah,  why would he? In fact we just did him a favor. Ayaw niyang may nandidistract sa kaniya lalo na kaoag nasa trabaho. " sabi ng bata sa kaniya na nakatutok parin ang tingin sa cellphone nito. 

  Ilang minuto narin silang nakaupo sa isang swing at pinapanood ang mga naglalarong bata, 

  "Let's eat? I'm hungry. " biglang sabi ni Rhex at hinawakan ang laylayan ng suot niyang damit. 

"A-ah,  si-sige. Saan m-mo g-gustong kumain?" tanong ni Mawi sa kaniyang amo at tumayo na.

"Doon sa restaurant ni Rhett." sabi nito at tumayo na rin. 

"Res-restaurant ng k-kuya mo?" takang tanong ni Mawi at agad napalingon sa bata. Hindi nito alam na may iba pa palang business ang kuya ng alaga niya, sabagay ay mayaman ito. 

"Let's go." sabi ng bata pero bago pa man sila makaalis ay may natanaw siyang pamilyar na pigyura ng lalaki. 
Hindi nalang niya ito pinansin at sinundan nalamang ang kaniyang inaalagaan na nakalayo na sakaniya. 

Nang makadating sila sa sasakyan nila Rhex ay sumakay sila sa backseat. 

"A-ah, K-kuya do-doon daw ta-tayo sa res-restaurant ni Mr. J-Jovovich." paalam ni Mawi sa driver ngunit napakunot noo siya ng hindi sumagot ang driver at agad nanoot sa ilong niya  ang isang mabangong amoy. 

  "Aa-aamoy l-lemon?"
"What are you doing here Rhett?"

Halos sabay na tanong nilang dalawa sa lalaking nakaupo sa driver's seat.

"It's already lunch time." sagot lang nito sa kanilang dalawa at nagmaneho na, pero hindi katulad ng nakasanayan niyang bilis sa pagmamaneho. Ngayon ay sakto lamang sa normal na speed limit ang bilis. 

Nakahinga ng maluwag si Mawi at itinuon nalamang ang tanaw sa labas ng bintana para tignan ang dinadaanan nila. Ilang minuto pa ay huminto sila sa isang Malaking 2nd floor restaurant, nang maipark na ang kotsemg sinasakyan nila ay lumabas na silang tatlo at dumiretso sa loob.

  Jovovich Restaurant

Agad binati ng mga staff ang dalawang magkapatid pagpasok nila, agad silang umupo sa isang table na malapit sa glass wall at umorder.   

  Halata ang pagkailang ni Mawi at hindi alam kung saan ibabaling ang tingin dahil nasa harapan niya si Rhett na nakatitig sakaniya.  

  "Hey! Why are you looking at her? Don't tell me you also want a babysitter?" nakangising tanong ni Rhex sa kapatid para bawiin ang tingin. 

"Shut up." kalmadong sabi ni Rhett saka nag iwas ng tingin at sakto naman ang pagdating ng pagkaing in-order nila. 

Katulad ng ibang restaurant madami din ang taong nasa loob. Halatang mga mayayaman at sosyal na tao sa paligid na lalong nagpa-ilang kay Mawi.  Mamahalin din ang mga pagkain na sa tingin niya ay isang buong sahod niya ang katumbas ng mga iyon para mabili.
  Pero dahil sa gutom ay kinain niya nalamang din ang in-order nila para sa kaniyang pagkain.

"Aww, what a happy family." natigilan si Mawi sa pagkain ng marinig niya iyon sa kabilang lamesa nila na nakatingin sa kanila.

  Tinignan niya ang dalawang magkapatid ngunit parang wala silang narinig kaya nagkibit balikat nalamang ito at pinagpatuloy ang pagkain, ito ang unang beses niya nakatikim ng ibang putahe ng ibang bansa at masasabi niyang kakaiba ang lasa at sobrang sarap.

  "Bakit ka nga pala umalis sa opisina mo? Hindi ba at may sariling cafeteria ang kompanya mo?" deretsang tanong ni Rhex kay Rhett

"Is it bad to visit MY restaurant?" malamig na tanong pabalik ni Rhett sa kaniyang kapatid. 

"visit this restaurant or her?" agad na sagot ni Rhex at tinignan si Mawi na  natigil nanaman sa pagkain at tinignan silang dalawa ng nagtataka.

Tumikhim si Rhett at sinamaan ng tingin ang kaniyang kapatid na agad tumahimik.

 
 
-EnEn

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora