Chapter 23 (Unedited)

8.7K 193 2
                                    

(Play The Video: Only you by Cheat Codes,  Little Mix)

MAWI

"Na-nasaan tayo?" kinakabahang tanong ko nang huminto na ang sasakyan na sinakyan namin.  Halos limang oras ang binyahe namin bago na ito huminto sa isang small parking area, medyo masakit narin ang pang upo ko sa kakaupo. 
Bubuksan ko na sana iyong pinto ng kotse ng pigilan niya ako. 

"Remove your jacket." seryosong utos niya kaya napalunok ako ng laway at tinignan diya ng nagtataka. 

"B-bakit? "

"We're on Pangasinan, not on Baguio."
anito na para bang nandoon na ang kasagutan sa tanong ko. Sinunod ko nalang ang sinabi niya at tinanggal ang suot kong jacket, nauna siyang lumabas at umikot patungo sa pinto na nasa tabi ko saka ako pinagbuksan.  Agad tumambad sa akin ang mainit ngunit preskong na simoy ng hangin, tamang tama lang na pinatanggal niya ang jacket ko dahil baka maluto ako sa init. Makapal pa naman ito.  Tinanggal niya ang kaniyang Formal Suit at ipinayong sa akin pagkalabas ko ng sadakyan niya. Inalalayan niya ako, agad akong napangiti ng matanaw ko ang baybayin ng dagat. May mga taong nagkalat sa paligid at karamihan sa kanila ay mapapabsin mong dayo lang din dito.  

"B-bakit tayo an-andito?" tanong ko sa kaniya,  naglakad kami patungo sa resort na malapit.  Para itong isang malaking barko sa hugis nito,  pinapasok kami agad ng guwardiya. Halos mamilog ang mata ko sa ganda ng paligid, tanaw na tanaw ang magandang repleksyon ng araw sa karagatan na nasa gilid lamang nitong resort, Sa gitna naman ay may isang pool area na napapalibutan ng water fountains.  At nasa Limang palapag ang taas nitong parang barkong resort sa tabi ng dagat.

  "You like it?" tanong ni Deo sa akin at inakay ako sa isang silong malapit sa railings na kung saan makikita mi ang kabuuan ng baybayin. 

"O-oo" napatango ako at napangiti, nagtataka lang ako dahil walang katao tao sa resort na ito. Tanging ang guwardiya na nalagpasan namin at ang mga taong naka-uniporme na satingin ko ay trabahador dito. 
"Good, I actually hate Beaches. But I think I'm starting to love this place because of you." sabi nito at iniyakap ang braso sa aking bewang. 

Napalunok ako at nagbaba ng tingin lalo na nang maramdaman ko ang init ng hininga niya sa batok ko. Naramdaman ko ang init ng araw na unti unting tumama sa mukha ko at ang pantanggal stress na hangin na nanggagaling sa dagat.

Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin papunta sa isang open cottage, gawa sa glass ang walls nito at mayroon ding nakainstall na Air-con kaya medyo malamig sa loob.  

  Inalalayan niya ako paupo sa iaang lamesa,  natatakpan ito ng pulang tela. Nakakapagtaka kung bakit ba ginagawa niya ito sa akin. Dahil ba ibinigay ko sa kaniya ang sarili ko?  Ito ba ang kapalit niyon?

   Nakaramdam ako ng parang may kumurot sa aking dibdib, hindi naman sa gusto kong umaasa na may iba pang dahilan. Alam kong masakit umasa, atsaka impossibleng may iba pang dahilan. 

Tinanggal niya ang takip sa lamesa at bumungad sa akin ang mga pagkain na natatakpan ng Silver covering. Naamoy ko ang iba't ibang putahe ng pagkain, mukhang masarap. 

"These foods are the latest cuisines on my restaurant." sabi nito at inayos ang pagkainan ko
"You should taste it."

   Pinanood ko siyang umupo sa may tapat ko at saka dahan dahan kong inabot ang kutsara saka sumandok ng pagkain. Pagkasubo ko ng pagkain ay napangiti ako dahil sa lasa. Inaasahan kong masarap ito pero, hindi ko alam na mas sasarap pa pala ito sa naiiisip ko kanina.  

"Ma-masarap siya... Si-sino nagluto? " nakangiting tanong ko at sumubo ulit bago tumingin sa kaniya. 

Nakita ko ang pag iba ng aura niya, medyo nandilim ang mukha nito at nahigit niya ang pagkakahawak sa hawak niyang glass wine na sinalinan niya ng alak. "None of your business." sabi nito, napayuko ako at humingi ng tawad sa kaniya. 

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito,  "I don't want to talk about him, Why are you interested? Do you like him?"

Napakunot ako ng noo pero agad kong inalis ang ekspresyong iyon bago siya harapin, "Hi-hindi, nag-nagtatanong lang naman ako."  sagot ko at nginitian siya

"Okay." sabi nito pero ganoon parin ang aura niya kaya medyo nalungkot ako, may nagawa ba akong mali?

Tahimik lang kami habang kumakain, tanging ang ingay ng pagbuhos ng tubig sa pool at ang paghampas ng dagat sa dalampasigan ang maririnig bukod sa pagkaluskos ng tinidor at kutsara sa plato.

"I'm sorry, I shouldn't acted that way." sabi nito

Ano bang iniisip nito? Hindi ko siya maintindihan. He's nice.. Sometimes not. 

Pagkatapos naming kumain ay tahimik lang kaming nakaupo hanggang sa sinaya niya akong magtungo sa tabing dagat para maglakad lakad.  Pumayag naman ako tutal medyo palubog na ang araw kahit pa pasado 4pm palamang. 

"Bakit m-mo pala ak-ako dinala d-dito?" pag uulit ko sa tanong ko kanina, iyan din ang kataningang bumabagabag sa akin mula pa nang makarating kami dito.   

"I honestly don't know... Probably because I want to make our date special?" alanganin nitong sagot at medyo may hiyang tinignan ako.
"It's your fault, I shouldn't waste time with this kind of things other than my work.  I had put aside all of my plans for you Mawi, Now tell me... Am I thinking straight?" Tanong nito at huminto kami sa paglalakad ng may madaanan kaming port.

Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko, naramdmaan ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa pinahihiwatig niya. Pero Hindi ko dapat ito maramdaman.

"Okay then... I'm now a crazy man." sabi nito at hinila ako palapit sa isang two-deck boat 

   "Sa-sasakay tayo?" gulat na tanong ko at napatingin muli dito, sa totoo lang ay first time kong makakita ng boat.

"Yes." sagot niya sa akin at inalalayan ako pasakay, medyo nagtatas baba ito dahil sa pag alon ng tubig kaya para aking dinuduyan.  
Napangiti ako at humawak sa railings nitong barko.

"I'll do anything for you."

  Hindi ko alam kung guni guni ko lang iyon o talagang sinabi niya mula sa likuran ko, siguro guni guni ko lang iyon. Medyo nakakabingi kasi ang malakas na hanging sumasalubong sa amin at ang tunog ng pag hampas ng tubig dito sa sinasakyan namin.  

......
-EnEn

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now