Chapter 30 (Unedited)

7.9K 173 0
                                    

(Play the Video: 8 letters - Why don't we)

MAWI


   "Please..." sabi sa akin ni Deo at ini-abot ang isang peraso ng mansanas.
Dahan dahan ko iyong tinanggap at kinain. Nang may maalala ako. 

   "Please... Stay." malungkot ang kaniyang mga mata, ngayon ko lamang ito makutang malungkot.  Kadalasan ay walang emosyon ang kaniyang mata tuwing nakikita ko sa mga magazine at maging sa ibang interview niya sa telebisyon. 

  Huminga ako ng malalim saka umupo muli sa tabi niya, "Si-sige po."
nakakagulat nga at bigla nalang itong susulpot sa labas ng paaralan namin at magiimbetang kumain sa labas. Sa pagkakatanda ko kahapon ko lang siya nakilala at nakita, at sa trabaho ko pa iyon.  

"Good, I just want to talk to you for a moment." sabi niya sa akin at tinawag ang waitress na dumaan saka umorder ng dalawang coffee.  

"Tu-tungkol p-po saan?" tanong ko saka nahihiyang yumuko dahil sa tingin sa amin ng mga tao sa paligid. Bakit nga ba ako sumama dito?  Ah oo nga pala,  pinilit niya akong sumama. Medyo naiinis ako dahil baka kung ano nanamang sasabihin sa akin ng mga kaklase ko,  pero wala na akong nagawa nang binuhat niya ako papasok sa kotse niya. 

  Dumating ang coffee na in-order niya, isang plain native coffee and brown coffee na may topping na cream sa ibabaw. Binigay niya sa akin ang may topping at kinuha niya ang plain bago
nagsalita. Itinuon ko naman ang tingin sa cup at hinawakan iyon.

  "About us."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at wala sa sariling tinignan siya. Anong us? 

"Fuck,  I can't even think straight."  bulong nito at mataman akong tinignan. 

"I don't know what's happening to me. And all I know, I woke up looking for you. I tried... I tried not to think about you so damn hard, but ever since that day I laid my eyes on you. A year and 5 months ago. You're all I ever want." sabi nito na nagpatulala sa akin. 

    Impossible-- hindi ko siya kilala.  I mean kakikilala ko palang sa kaniya kahapon, iyon ang first time na nakita ko siya.  Kaya nga sobra sobra ang kaba ko kanina ng pinilit niya akong ipasakay sa kotse niya.

Nang makabalik ako sa wisyo ay umiwas ako ng tingin sa kaniya
   "A-ahhmm.. Sa-satingin ko ho, ba-baka nagkakamali lang k-kayo." sabi ko at aktong aalis na sana nang hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. 

"No,  you will stay. If you don't like my company,  then don't mind me. I Just.. I just need you near me. I  promise,  I won't bother you.  Please... Just let me...  Just let me stay here beside you. I need your presence.

    Nabalik ako sa sarili ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan,  "Mawi!!" tili ni Miss Rhen na hinihingal pa. 

"Omygosh, gising ka na." nagbuga siya ng hangin at lumapit sa akin ng may ngiti sa labi.  

  Napangiti nalang din ako dahil sa nakakahawa nitong ngiti, "Ahy,  nakakaisturbo ba ako?" tanong niya sa amin.  Napailing naman ako bilang sagot. 

   "H-hindi naman." sagot ko

"Okay, buti naoang pala nadala ka ni kuya agad dito sa ospital." sabi niya at agad namang natahimik ng tumikhim si Deo para kunin ang atensyon naming dalawa. 

"Will you shut up and let her rest? You're disturbing." sabi niya at inabit ulit sa akin ang isang hiwang mansanas.  "But it may be better if you'll leave." dagdag nito

"Para masolo mo siya?  Tsk,  lame excuse. I had watched that on a movie before." natatawang sabi ni Miss Rhen at kinindatan ako "Corny nya noh?" tanong nito at nagmadaling tumakbo palabas na natatawa dahil halos nakahanda nang bigwasan ni deo ang kapatid sa tingin nitong napakaseryoso at nakakatakot. 

  Nang matapos king maubos ang mansanas ay naglakad siya sa pintuan at may pinindot na button doon oara tawagin ang nurse.  "Are you dizzy or what?" tanong niya sa akin. 

  Umiling naman ako,  medyo nanghihina lang ako pero hindi nahihilo. 
"You sure?" paniniguro niya at lumapit sa akin.  Napalunok ako dahil halos magkalapit na ang mga mukha namin,  sana naman hindi niya naririnig ang lakas ng tibok ng puso ko.  Nakakahiya. 

"Okay." sabi niya at umayos ng tayo dahil dumating ang isang nurse. Lumapit ito sa akin at agad akong inasikaso. Nakita ko na inilabas ni Deo ang kaniyang cellphone at tumanggap ng isang tawag,  bahagya itong lumayo at tumalikod sa akin. 

"Ano pong nararamdaman mo ngayon ma'am?" sabi ng nurse habang chinecheck ang body temperature ko.

"Medyo nanghihina po." sagot ko, tumango naman ito at tumingin sa relo niya. 

"Mamaya, after you eat your lunch. Inumin mo iyong gamot na nireseta ni doctora Sa iyo. Then take it thrice a day,  4 hours bago mo ulit inumin ang isa." sabi niya kaya naman ay tumango ako. 

"Maari ka ng madischarge mamayang 10am. Have a good day ma'am. " sabi niya at umalis na, napatingin naman ako kay Deo na may kauspa parin sa Cellphone niya. Mukhang marami pa itong dapat asikasuhin, hindi naman kasi niyang kailangan na bantayan o samahan ako dito. Nakakahiya,  hindi ko nga alam kung paano ito babayaran sa lahat ng ginawa niya. 

   Natigil ako sa pag iisip kung paano siya babayaran ng napatitig ako sa mukha niya na nasa malayo sa akin. 

  Siya... 

   Siya iyong lalaki sa mga panaginip at mga aalala ko. 

  siyang siya iyon, hindi ako puwedeng magkamali.

............
-EnEn

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now