Special Chapter (Unedited)

9K 192 0
                                    

MAWI

"What's wrong?" tanong sa akin ni Deo habang pinagmamasdan naming dalawa si Bella sa Kiddie Rides dito sa isang park.

"Hmm?" nagtatakang tanong ko at hindi inalis ang tingin sa anak ko na mukhang nag-eenjoy kasama ang ibang bata.

"You look bothered." sabi niya at lumapit sa akin, huminga ako ng malalim at napa-iling.

"Wala naman... May naisip lang ako." pag aamin ko dito. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, pero baka pagod lang ako.

"Like?" tanong niya at inabutan ako ng bottled water.

Like... You and Kirsten. Gusto ko iyong sabihin pero pinigilan ko ang aking sarili. Sino nga ba ako sa buhay ni Deo? Ako lang naman ang makasariling babaeng nakilala niya, iyon lang at wala na. Hindi ko naman maaaring panghawakan ang role niya bilang ama ng anak ko dahil sa anak ko lang siya may responsibilidad at wala sa akin.

Hinigpitan ko ang hawak sa binigay niyang bottled water. Siguro nga karma ko na ito.

Tumikhim ito kaya agad akong napatingin sa kaniya, "You don't seem fine to me. What are you thinking" tanong niya ulit

Kinagat ko ang ibabang labi at napatingin muli kay Bella na tumakbo palapit sa amin. "Angel.. Don't run" sabi ko at kinarga siya nang makalapit na ito.

"Mommy Ice-cream!" sabi nito at tinuro ang Ice cream parlor sa kabilang kalsada. Well what do you expect? It's hot on Miami, paniguradong naiinitan na ang anak niya. Pero hindi niya gustong pakainin ng ice cream si Bella dahil kagagaling palang nito sa sakit na ubo.

"Angel, Tubig ka nalang muna okay? You don't want your throat to get hurt again right?" sabi ko at pinakita sa kaniya ang bottle water na hindi ganoon kalamig.

"Ok po." sagot niya at tumango kaya napangiti ako. At least she understood. Pilit kong binuksan ang bottle water dahil hawak ng kamay ko si Bella nang kunin sa akin ni Deo si Bella.

"Let me carry her, I don't want you to exceed your efforts today. Just relax and enjoy." aniya kaya naoatango nalamang ako dahil agad namang inilibot ni Bella ang kamay sa kaniyang ama.

Binuksan ko ang tubigan at pina-inom na si Bella na panay turo sa mga makukulay na nasapaligid niya.

"And please don't think of anything... Just me, yourself and our daughter." mariing sabi niya at inilipat ng buhat si Bella sa kabilang kamay niya at hinawakan naman ang aking kanang kamay gamit ang kaliwang kamay niya.

Sumakay kaming muli sa kaniyang sasakyan at nagmaneho siya patungo sa isang kilalang restaurant dito sa lugar.

Pagkapasok namin ay pumwesto kami sa tabi ng veranda na kung saan matatanaw agad ang dagat na punong puno ng tao. Ang iba ay nagsusurfing, nag tatawanan at kumukuha ng litrato.

"Woooo." natutuwang sabi ng anak ko dahil nakakita siya ng mga starfish na nakadisplay sa ding ding.

"That's Starfish" sabi ni Deo sa kaniya at kinuha ang maliit na kamay ni Bella para ituro ang starfish.

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now