EPILOGUE (Unedited)

11.2K 215 2
                                    

(Play the video: Chasing Fire by Lauv)

MAWI

  Huminga ako ng malalim at sumabdal sa upuan habang tumitingin sa labas ng bintana nitong eroplanong kinasasakyan namin. 

  For 3 years, nakakamiss din ang Pilipinas. Kahit na maraming masasakit na alaala ang nangyari doon. 

Napatingin ako kay Bella na nasa tabi ko at natutulog. "I hope my decision is right." bulong ko at hinaplos ang buhok niya. 

Hindi namin kasama si Deo sa biyahe dahil mahuhuli daw ito at susunod mamaya, may aasikasuhin lang daw ito saglit.    

Kinuha ang ko ang cellphone sa bulsa at tinignan ang mga messages galing sa katrabaho ko.  Napailing nalamang ako at napangiti, I will surely miss them. 
Ipinikit ko nalamang ulit ang mata ko at umidlip saglit.

"Ma'am?"

Mabilis kong imimulat ang mga mata ko at napalingon sa tumawag sa akin.  Agad naman akong napatingin sa tabi ko... 

"Bella!?" tawag ko sa anak ko at tumingin sa aisle ng mga upuan

"Ahhmm... Ma'am, nandito na po tayo kanina pa." anito kaya napasinghap ako. 

"P-pero.. Bakit hindi ninyo ako ginising agad? At nasaan ang anak ko? " natataranta na ako habang lumilingon lingon sa paligid. 

"Bata ma'am?  Wala naman po akong napansin. Kaaalis palang ng mga tao ma'am baka sumingit siya sa mga nagkumpulan kanina." sabi niya

Tinanggal ko ang seatbelt ko at tumayo,  "She's just 2 years old! Paanong maglalakad iyon paalis? Ni hindi niya nga maabot iyong floor." hindi ko mapigilang magalit at agad na umalis. 

Naglakad ako papunta sa may guard,  "Kuya?  May nakita ka po bang batang babae?  Nakalugay iyong buhok niyang itim,  hanggang balikat. Matangos ang ilong at maputi...galito ho." sabi ko at inilabas ang cellphone mula sa bulsa at ipinakita sa kaniya ang picture namin ni Bella. 
"Naka Violet na dress ho iyong bata." sabi ko habang lumilinga linga. 

"Ahy Opo ma'am, nakita ko kanina buhat ng isang babae. Naka pulang damit at maong na pantalon." anito kaya lalo akong kinabahan. 

"Saan pumunta?" tanong ko
Itinuro naman nito ang direksyon kaya tumakbo ako agad. Kumakalabog ang puso ko sa sobrang nerbyos at parang mangiyak ngiyak narin ako.

"Bella!?" sabi ko at ipinalibot ang tingin,  wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng maraming tao habang sumisigaw. 

"Mommy!" narinig ko ang boses ng anak ko kaya lumingon ako sa likod

"Omy god, Bella! Where did you came from? Nag alala ako ng sobra" sabi ko at hinigpitan ang yakap sa kaniya. 

"Mommy. Mamits." sabi niya kaya napakunot ako ng noo, 
"Huh?"

Binuhat ko na siya at maglalakad na sana paalis ng makarinig ako ng tugtog. 

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now