Chapter 20: FlashBack P1(Unedited)

9.3K 186 5
                                    

(Play The Video: Undone by Haley Reinhart)

A/N: Hi guys! Itong chapter na ito ay nagpapakita ng Past ni Mawi... Pero it's on her owm version. Ibig sabihin ang content nito ay ayon sa kaniyang Point of view, hindi sakop lahat ng katotohanan. Kumbaga iyong nalalaman niya lang tungkol sa kaniyang nakaraan hindi siya pang general. Hope you get it, para di kayo malito masyado hehe thank you!

Kung may mali man, just comment down para maayos ko po hehe thanks!

.........

MAWI


"Mawi."

Rinig kong tawag sa akin ng ate Melin ko pero hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lamang sa pagiyak. Naramdaman kong tumabi siya sa akin sa higaan at niyakap ako mula sa likod.

"Shhh. Huwag ka ng umiyak, andito naman si ate eh." Sabi niya pero hindi parin ako huminto sa pag iyak at umupo mula sa pagkakahiga at nilingon siya.

"Alam kong mahirap, pero andito pa naman ako Mawi. Aalagaan naman kita
T-tulad ng ginagawa nila Mama at papa sayo... Sa atin." sabi niya at umupo para tapatan ako, tinitigan ko lang siya at pinunasan ang basa kong pisngi.

"Magsalita ka naman oh, Ilang buwan ka ng tahimik. Nag aalala na ako." sabi niya at nagpakawala ng malalim na hininga.

"Alam kong mahirap kalimutan iyang napagdaanan mo, andito lang ako Mawi." bulong niya ay niyakap ako ng mahigpit, gusto kong sabihin sa kaniya ang mga bagay na nasa isipan ko. Gusto ko siyang kausapin... Gagawin ko iyon kung kaya ko. Sinusubukan ko siyang tawagin sa pangalan niya pero walang boses na lumalabas sa aking bunganga. Wala akong silbi... Wala akong pakinabang.

Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak sa kaniyang bisig. "Ate tulongan mo ako" Gusto kp itong sabihin sa kaniya pero sa tuwing susubukan ko ay may kung anong kirot akong nararamdaman sa puso ko hanggang sa aking lalamunan. Walang tinig na kumakawala sa aking mga labi.

Hinigpitan ko ang kapit sa kaniya ng maalala ang nangyari.

Ako... Sila mama at papa sa isang sasakyan noong gabing iyon. Masaya kaming nag uusap usap. Nagmamaneho si Papa at may ngiti sa kaniyang labi habang pinapakinggan ang pagkuwento ni mama. Pinaamasdan ko lang silang dalawa, para sa akin sa taon kong pito ay sila na ang may pinaka nakakakilig na kuwento. Kung paano sila magmahalan, magusap, magdamayan at magtulungan. Pag laki ko gusto ko maging katulad nilang dalawa. Masaya sa pakiramdam, mayroon akong mabait na ate at mapagmahal na magulang. Napaka ganda at payapa ng galitong buhay.

Hanggang sa...

"Mawi, anak? Maglaro tayo." rinig kong sabi ni papa sa akin nang hininto niya ang sasakyan sa isang tabi.

"Talaga papa!?" Nakangiting sabi ko "Sige sige!" sagot ko at hinigpitan ang hawak sa barbie doll na hawak ko dahil sa pagkasabik.

Tumingin ako sa kanilang dalawa ng may ngiti, napansin ko ang kakaibang pagtinginan nilang dalawa at tumingin sa akin. Hinalikan ako sa noo ni Mama at ganoon din si Papa sa akin.

"Alam mo naman kung paano laruin ang habulan hindi ba?" tanong sa akin ni papa kaya napatango ako agad.

"Good." sabi niya na may bakas na lungkot sa kaniyang mata, ngayon ko lamang iyon nakita sa kaniya. Pero kahit na kinukutuban ako ay hindi ko isinawalang bahala ko nalang iyon.

"Pero, dalhin mo itong cellphone at tawagin mo si ate mo para tulungan ka. Okay ba iyon?" sabi niya, tinanguan ko naman siya at nilagay ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko.

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant