Chapter 26 (Unedited)

7.9K 169 0
                                    

(Play the video: Waste it on me - Steve Aoki ft. BTS)

Mawi


  "Take Care..." sabi ni Deo sa akin nang mahatid na kami ng kapatid niya sa eskwelahan nito.  Tatlong araw nalamang at matatapos na ang kontrata ng trabaho ko.

  Naramdaman ko ang paghawak ni Sir Rhex sa laylayan ng damit ko kaya ay inabit ko sa kaniya ang bag niya.  " do you like my brother?" tanong niya sa akin bigla

   Napatingin ako sa mga taong inihahatid ang kanilang mga anak papasok,  tumingin ako sa kaniya at nagkibit balikat.  "H-hindi ko pa al-alam." sagot ko sa kaniya

Sa totoo lang ay may nararamdaman ako kay Deo,  oo inaamin ko gusto ko siya. Ang kaso hindi ako sigurado kung tama ba itong nararamdaman ko,  o baka naman ay nagpapadala lang ako sa emosyon. 

"What a shame." sabi nito at nauna ng maglakad kaya ay sinundan ko ito, "Kung ako sa iyo,  hindi ko na siya binigyan ng dahilan para umasa. " mariing bulong nito sa akin kaya natigilan ako.

Tumigil din ito sa paglalakad at humarap sa akin, "Do you know what quagmire means?
  Umiling ako at lumuhod para mapantayan siya. 

"Well,  imagine yourself in a mouse trap...  Once taken the bait, there is only zero possibility chance to escape." nagkibit balikat ito at tumakbo papasok sa classroom niya. 

  Dahan dahan akong tumayo at hindi inalis ang tingin sa pinuntahan ng batang iyon, Sigurado ba talaga ang mga magulang nito na elementary palamang ito? 
  Umiling nalamang ako at hindi na inisip ang pinagsasabi ng batang iyon.

  "Sh-shane." tawag ko sa lalaking dumaan sa harapan ko,  natigil ito sa paglakad at bumaling ng tingin sa akin. 
"Mawi."  sabi lang niya,  para itong lutang at may kung anong iniisip. Nginitian niya ako matapos ang ilang segundo niyang pagtitig sa akin.

"Hinatid mo nanaman iyong kapatid mo?" tanong ko,  tumango lang siya at napatingin sa  labas nitong eskuwelahan. 

"Ahhm how about you?" tanong naman niya sa akin at nilapitan ako.

" Hinatid ko iyong alaga ko." sagot ko at inilagay sa magkabilang bulsa ng suot kong jacket ang mga kamay ko.

" you want some tea, we can go to the Tea House to kill the time.  Mamaya pa naman ang out nila, gusto mo? "  pag aaya nito sa akin, tumango naman ako agad at bahagya siyang nginitian.  "Si-sige."

  Tutal wala naman akong gagawin kundi maghintay ng matagal, atsala gusto ko ding matikman ang tsaa nila. Narinig ko sa mga kasama kong nag hahatid at sundo sa mga bata na masarap daw ito at talagang bago sa panlasa. 

Ilang minuto pa ay nakarating kami sa loob ng Tea House gamit ang kotse niya, nag order lang kami ng special tea nila at isang PancakeTea ay pumwesto kami sa isang tabi,  hawak niya ang tray ng order namin at inilapag iyon ng dahan dahan sa lamesa.  Umupo ako sa dulo at ganoon din siya. 

"Sa-salamat nga pala s-sa libre." sabi ko at nginitian siya. 

   "I didn't know you already have a boyfriend." pag open niya ng topic at inilapag ang tsaa sa tapat ko

"Sa-salamat... Ahhm Wa-wala akong boyfriend. A-amo ko iyong la-lalaking tumawag sa-sa akin noong last time n-na nagkita tayo."  paliwanag ko sa kaniya at hinawakan ang holder ng cup na inabot niya.  Hindi pa naman nanliligaw sa akin si Deo noong time na iyon,  at isa pa hindi ko pa siya kasintahan kaya totoo ang sinasabi ko.  Pero bakit parang may mali sa sagot ko? 

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now