Chapter 34 (Unedited)

7.3K 164 1
                                    

(Play The Video: I would Like by Zara Larsson)

MAWI

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang isang mabigat na brasong nakayakap sa beywang ko.

Nilingon ko ang lalaking nasa tabi ko at naramdaman ang pag init ng aking pisnge. Hindi na nakakapagtaka, Napakaguwapo nga nito.

Wala sa sariling hinaplos ko ang may kahabaan niyang buhok. Unti unti itong nagmulat ng mata kaya nakita ko ang kaakit akit nitong kulay berdeng mga mata.

"Hey. Good morning" paos na bati nito sa akin at pumikit muli.

Nanlaki ang mga mata ko at binawi ang kamay ko sa paghaplos sa buhok niya.

" I love you."

Medyo lumayo ako sa kaniya nang maalala ko ang huling sinabi niya bago ako makatulog kagabi.
Tatayo na sana ako pero lalo niyang hinigpitan ang pagkayakap sa akin kaya hindi ako makakilos.

"Ahmm.. A-aalis na ako." Sabi ko

Iminulat niya ang mata niya at siniksik ang mukha sa aking leeg. At natulog muli.

"De-deo." pilit kong inilayo ang kaniyang mukha sa leeg ko dahil nakikiliti ako.

"Hmmm. Let's sleep, Baby." bulong niya at hinalikan ako sa aking balikat.

"Pe-pero Deo... Gusto k-ko ng ku-kumain." sabi ko para makatakas sa pagkakalingkis niya sa akin. Hindi ako mapakali, nakakaramdam ako ng kiliti sa tiyan at pagbilis ng pagtambol ng puso ko.

Napabuntong hininga ito, "Alright, Alright..." sabi niya at pinakawalan ako.
Hindi ko alam kung bakit ako nanghinayang, huminga ako ng malalim at tumayo patungo sa bathroom.

Hinigpitan ko ang kapit sa suot kong malaking polo na satingin ko ay pinasuot niya sa akin nang natutulog ako.

Tinanggal ko ito at saka tiniklop bago ipatong ang polo sa lababo ng tiles. Naglakad ako patungo sa shower corner at tinignan doon ang repleksyon ko sa malaking salamin.

Napakagat ako ng labi at hinawakan ang leeg ko na punong puno ng pulang marka maging ang ibang parte ng katawan ko.

Binuksan ko ang shower at hinayaang laminin ng tubig ang aking katawan.
Inabot ko ang bagong sabon at sinabon ang katawan ko maging ang aking mukha.

Nalilito pa ako sa ngayon, natatakot akong masaktan. Lalo pa na may nararamdaman ako para sa kaniya. Paano kung sasaktan niya rin ako sa huli? Nakakasawa na...

Ayoko ng umiyak ulit.
Hinilamos ko ang mukha ko.

Kailangan kong makalayo sa kaniya, gusto ko munang mag-isip at linawin ang mga bagay na tumatakbo sa aking isipan. Walang mangyayari kung nasa tabi niya ako dahil paniguradong malilito at mahihirapan lamang ako, ayokong magpadalos dalos sa desisyon.

Pagkatapos kong maligo ay sinilip ko kung mayroon pa siya sa loob, nang makita kong walang tao ay lumabas ako ng bathroom. Nakita kong may nakahandang puting dress, itim na cycling at pares ng underwear para sa akin na nakalatag sa ibabaw ng higaan.

Nagmamadali kong sinuot iyon at nang
Maayos na ay lumabas ako ng kaniyang kuwarto.

Pagkalabas ko ay dahan dahan akong bumaba ng hagdan at nakita siya sa sala na umiinom ng kape at nagbabasa ng diyaryo, nakasuot lamang ito ng Jogging pants at waoang suot na pang itaas saka nakapatong ang mga paa sa lamesa.

"I have a hearing today..." sabi nito at nag angat ng tingin sa akin. "And I want you to stay here at my house. Don't worry I'll be back exactly at 6pm for dinner." dagdag niya at humigop ng kape.

Sa tapat niya ay nakahanda ang pagkain. "Eat."
Tumango nalamang ako at sinimulang kumain dahil sa gutom.

Pagkaraan ng ilang minuto ay bumaba ito mula sa kuwarto niya na nakasuot ng ng pormal na kasuotan. May hawak din itong attache case at nalalanghap ko rin ang pabango niyang hindi ko makakalimutan.

"Baby I'll go now." sabi niya at nilapitan ako sa pagkakaupo sa sala habang nanonood ng Television at hinalikan ako sa labi at sa noo.

Tumango ako at nginitian siya...

Nakita ko ang pagliwanag ng kaniyang mukha, patawad.
Sa ngayon... Alam kong luma na itong dahilan na ito pero, gusto ko munang hanapin ang sarili ko.

"Si-sige... Bye." sabi ko sa kaniya at nilapitan siya saka hinalikan siya sa labi.

I'm sorry... Deo, I'm sorry.

" I love you." natigilan ako ng sinabi niya iyon sa harapan ko. Hinaplos niya ang aking ulo.

Nginitian ko lang siya hanggang sa mawala na siya sa harapan ko at makaalis.

"Deo.. I'm sorry."

...........
-EnEn

Mamamasko po!!

Huhuhu pasensiya na
Malapit na po tayong matapos-- Charot!! I mean itong story, malapit ng matapos. Haha, salamat sa pagbabasa.
At maligayang pasko sa ating lahat.

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now