Chapter 19 (Unedited)

9.5K 210 1
                                    

(Play The Video: Make Me Wanna die by The Pretty Reckless)

MAWI

     Huminga ako ng malalim at dahan dahang umupo napatingin ako sa orasan at nakitang 6am na pala ng umaga, nakaramdam ako ng kaunting kirot sa mata at panggitnang bahagi. 

   'Ano nanaman itong pinasok mo Mawi?'  tanong ko sa sarili at hinawi ang buhok na humarang sa mukha ko, saka tinugnan ang katabi kong unan... mabuti nalamang at wala na ang lalaking iyon sa tabi ko. Pero may bahid ng kirot sa puso ko dahil sa pag alis niya, hindi ba at iyon naman ang gusto kong mangyari?

Ihinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko at pumunta sa CR para maghilamos at mag-tooth brush, may trabaho pa akong dapat pagtuunan. 
  Pagkatapos ay Nagsuot ako ng plain T-shirt at isang manipis na jogging pants saka bumaba na sa kusina.

  Mabuti nalang pala at 8am ang pasok ni Sir Rhex, may oras pa ako para maghanda.

  Agad na lumukot ang noo ko dahil nakarinig ako ng parang may nagluluto, kaya tumakbo ako para tignan kung sino iyon. 

"And then what?" Sabi ni Sir Rhett habang nakatuon ang tingin sa kawali at sandok na hawak nito at nakatapat sa kaniya ang cellphone nito at parang may kausap sa kabilang linya. 

"A-anong gi-ginagawa mo?" tanong ko kaya agad na napatingin ito sa akin

"Dang!" pagmumura niya nang matalsikan ng mantika ang kamay niya at agad na pinatay ang tawag. Napasinghap ako at akmang lalapitan siya pero tumalikod na ito sa akin.

  "I'll just cook you a fried rice. Fuck this Fried chicken." sabi nito at tinalikuran na ako at naging abala sa pagluluto. 

Akala ko umalis na ito, bakit pa ito andito para magluto lang?

"A-ahhmm, marunong k-ka palang magluto ng fr-fried rice." sabi ko at umupo sa isang upuan at pinagmasdan nalamang siya. 

"Yeah, this is the only fare I can cook." sagot niya sa akin kaya tumahimik nalang ako. Medyo naiilang ako sa kaniya. Paano siya nakakaakto na parang walang nangyari?  

"So ahhm, How's your sleep? Still tired?" tanong niya kaya napayuko ako para matakpan ang pag init ng pisnge ko kahit na nakatalikod ito sa akin at nagluluto. 

"O-okay lang po." sagot ko

"Can you cut that word? It irritates me." Masungit at seryoso nitong sabi kaya napatango nalamang ako. 

"O-okay Sir R-rhett." bulong ko naramdaman ko ang pagharap nito sa akin kaya nag angat ako ng tingin sa kaniya. 

"Deo." pagtatama niya at sumandok ng niluto niya sa isang pinggan pagkatapos niyang magluto at inilapag iyon sa harap ko.  Tinignan ko ito at bahagyang ngumiti dahil sa bango ng amoy nito. 

"Eat." utos niya sa akin, kumuha ako ng kutsara at aktong kakain na sana pero napatingin ako sa kaniya.

"S-sabay na ta-tayo?" alok ko, nakakahiya naman kung mauuna akong kakain sa kaniya eh siya itong nagluto. 

Nakita kong tumaas ang mga sulok ng kaniyang labi, In-off niya ang electric stove at agad na umupo sa tapat ko.  Nagsandok din siya ng pagkain niya at kumuha ng kutsara, "Sure, By the way... You look good without an eyeglass on" nakangising saad niya at inunahan pa akong sumubo. Napahawak ako sa mata ko, kaya pala medyo sumasakit ang mata ko kanina hindi ko suot iyong eyeglass.

  Napakagat ako sa ibabang labi at walang imik na kumain.  "So.. Ahmm." tumikhim ito kaya napatingin ako sakaniya.  His green eyes fixed on mine, may kakaibang kislap dito pero andoon parin ang pagkaseryoso.  "Have a dinner with me later." sabi niya, aangal sana ako kaso nakita ko ang nakakatunaw niyang tingin na kahit tumanggi ako ay pipilitin niya parin ako.  

"S-sige." sabi ko nalang at kumain na, ganoon din naman siya. 

  Pagkatapos kung kumain ay nagpaalam ako sa kaniya na mag aayos at maligo na ako para sa trabaho,  ilang minuto pa ay lumabas ako agad sa kuwarto at nadatnan si Rhe-- Deo na nakasandal sa may pintuan habang nakahalukipkip, siguro ay lumabas ito kanina o kaya ay nagpahatid ng damit
   nakasuot na kasi ito ng pang-opisina niyang kasuotan. Bagay na bagay ito sa matipuno niyang katawan, napaiwas ako ng tingin nang maalala ko ang napakatikas na katawan at may..ahmm abs.

  Ipinilig ko ang ulo at iwinaglit ang kaisipan na iyon,  Ang bastos ko na. Lumunok ako at hinarap siya ulit.  Inayos ko ang pagakaksuot ng salamin sa aking mata.

  "A-ahmm.. Deo?" tawag ko sa kaniya, iminulat niya naman ang kaniyang Kulay Berdeng mata. Huminga ako ng malalim at napaawang ang aking labi saka tinuon ang tingin sa suot kong sapatos, pakiramdam ko kapag tumitig pa ako sa kaniya ay mawawala ako sa aking sarili. Medyo lumayo ako sa kaniya nang humakbang ito palapit, naramdaman ko nanaman ang hindi normal na pagtibok ng puso ko. 

  "S-sasama ka ba sa aki-akin?" tanong ko, pero nginisihan niya lang ako. Muntik na akong mapasigaw nang hapitin niya ako palapit sa kaniya at sinubsob ang mukha sa aking leeg.

"Always, Baby... Always." bulong niya at hinalikan ako sa noo bago ako inakay palabas. 

"A-ang ibig kong sa-sabihin, Sabay tayo pumunta sa Ba-bahay mo."  naiilang kong sabi, tinawanan niya ako at pinatong niya ang kaniyang braso sa aking balikat.  Dahil sa mas matangkad ito sa akin ay satingin ko ay nahihirapan ito pero hindi niya iyon pinahalata at nagpatuloy lang kami sa paglalakad. 

"Of course baby, Let's go to our house." sabi niya at kinindatan ako. Napalunok nalang ako ng laway at umiwas ng tingin, sinubukan ko ding alisin ang kamay niya sa braso ko dahil baka may makakita sa amin. Lalo na ng mga kaibigan ko, siguradong gigisahin nila ako sa mga tanong kapag nagkataon. 
Akala ko ay aakayin niya ako patungo sa elevator ngunit sa hagdan kami dumaan.

"Paano m-mo pala nalaman n-na dito ak-ako nakarita?" tanong ko sa kaniya, naramdaman ko naman na natigilan siya kaya itinikom ko nalang bibig ko. 
Dapat pala hindi na ako nagtanong. 

  Tinanggal niya ang braso niya sa akin at pumamulsa, "Hmm,  that's my secret." sabi nalang niya at nang makarating kami sa parking lot ay inalalayan niya akong sumakay sa passenger's seat ng sasakyan niya at umikot siya patungo sa driver's seat. 

Nagaalangin pa ako kung tama bang sumabay sa kaniya o hindi, nakakahiya naman baka mapagchismisan pa kami. Siguradong mapapahiya lamang siya dahil sa akin. 

.......
-EnEn

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now