Chapter 21: FlashBack P2 (Unedited)

8.7K 204 0
                                    

(Play the video: Just tonight by The Pretty Reckless)

FORGOTTEN MEMORIES

A/N:  This chapter is about Mawi's forgotten Memories, Para bang nagka-trauma siya dito sa nangyari,  nadagdagan iyong pagka-depressed ng mental stability niya kaya bahagyang nabura iyong mga alaala niya.  Kumbaga Selective Amnesia. And again just like the past chapter, base po ito sa Point of View lang niya hindi siya general narration. Thanks!

MAWI

"Hey." Bati niya sa akin at hinalikan ako sa aking labi, napangiti naman ako dahil doon. "H-hello." bati ko pabalik at napatingin sa hawak niyang kahon. 

"Babe, I bought this for you." bulong niya at binuksana ng kahon na iyon na nababalutan ng ribbon, inilibot ko ang tingin ko sa restaurant na pinuntahan namin. Mabuti nalamang at unti lang ang tao. Sabado na ng gabi ngayon at ito lang ang araw na malaya kaming lumabas ng kami lang dalawa, mabuti na nga lang at hindi niya ako pinipilit makipagkita sa kaniya tuwing weekdays dahil alam kong alam niyang abala ako sa pag aaral.  

"A-ano iyan?" tanong ko

"Here, new cellphone. I'm sorry if I destroyed your old phone." sabi nito at inilapag sa lamesa ang cellphone. Isang IPhone.

"H-hindi ko naman na ka-kailangan iyan..." sabi ko at inilayo ang cellphone, ayokong tanggapin iyon. Ayoko nanamang pagchismissan kami ng mga tao, kesyo gold digger daw ako at hindi kami bagay. Ayokong... Ayokong masira ang imahe niya dahil sa akin.

"Why?" napansin ko ang pagdilim ng kaniyang mukha,  "Did he bought you already? Mas mahal ba?" tanong niya

  Huminga ako ng malalim, heto nanaman kami, kahit ilang beses kong sabihin na wala akong ibang katext na lalaki ay hindi ito naniniwala.
"Hindi, o-okay? Ay-ayoko lang na pag usapan tayo ng mga ta-tao." paliwanag ko sa kaniya at tinuon ang pansin sa pagkain.

"Don't fucking care about them." sabi nito na halatang naiinis na kaya hinawakan ko nalang ang kaniyang nakakuyom na kamay. 

"S-sorry." sabi ko nalamang,  nginitian niya naman ako at hinalikan ako sa labi.

  Naramdaman ko ang pag init ng aking pisnge dahil sa hiya. Tumawa lang siya at pinagpatuloy na namin ang pagkain, habang nagkukuwentuhan. 

    Highschool palang ako noong una kaming magkita, nakakatawa nga dahil kung hindi sana ako inimbita ng mga kaibigan kong mamasyal ay hindi kami magkikita. Noong una ay natakot akong mapalapit sa kaniya dahil galing ito sa mayamang angkan,  habang ako ay isang ordinaryong sekondarya palamang. Halos anim na taon ang agwat niya sa akin pero wala itong paki alam, then he courted me. 

   "what are you thinking, hmm?" tanong niya at niyakap ako mula sa likuran, hinalikan nito ang aking leeg papunta sa aking pisnge. 

  "A-ahhm wala naman." sabi ko,  after I graduated College inimbita niya akong magtrabaho sa kompanya niya bilang sekretarya niya pero tumanggi ako. 

  Medyo lumayo ako sa kaniya saglit dahil sa pagkailang at sa kakaibang pakiramdam na dulot ng ginagawa niya.
Mahina itong tumawa at ginulo ang aking buhok.

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)Место, где живут истории. Откройте их для себя