Chapter 25 (Unedited)

8.1K 178 1
                                    

(Play the Video: Young and Rude by ABIR)

MAWI

"M-miss?" tawag kong muli sa kasama ko kaninang babae. Dahan dahan kong inilakad ang mga paa ko habang pilit kong inaaninag ang dadaanan ko.

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang umilaw dulot ng fireworks display sa kalangitan, kasabay naman niyon ay ang hiyawan ng mga tao dahil sa ganda ng fireworks. Napangiti naman ako at tumingala, ang ganda ng puwesto ko. Kitang kita ko ito ng mabuti.

Nahagip ng mata ko ang paiba ibang kulay ng mga bulaklak na nakapalibot sa buong rooftop na kasabay umilaw ng fireworks at ang fountain sa pinakagitna nitong malawak rooftop. Napakaganda.

Lumapit ako sa fountain at napangiti ng makita ang mga lumulutang na petals sa paligid. Ang pag agos ng tubig, hiyawan ng tao, at ang pagputok ng fireworks ang tanging maririnig. Huminga ako ng malalim saka umupo sa isang bench sa gilid ng fountain at tumingala sa kalangitan, tamang tama din dahil may mga bituin na nagkalat na lalong nagbigay kagandahan.  

  "Hey." nagulat ako nang may isang boses ng lalaki ang sumulpot sa likuran ko,  agad aking napangiti nang makilala ko kung sino iyon at hinarap siya. 

"Anong gi-ginagawa m-mo dito?" tanong ko sa kaniya

  Lumapit naman siya sa akin at umulo sa tabi ko, tumingala ito at huminga ng malalim.  "To continue our date? I'll tell you, I am not a romantic man. And I don't fucking care if you found me too boring and serious, I don't care if you don't like my company but I'll do anything for you..."  napatingin ako sa kaniya, nararamdaman ko nanaman itong kakaibang pagtibok ng puso ko. Nilipat niya ang tingin sa akin.
  "I'm willing to give everything you want. Just... Just don't leave me."

Napaawang ang labi ko sa narinug ko sa kaniya, A-anong... Anong ibig niyang sabihin?

   Napaangat ako ng tingin ng magkaroon muli ng panibagong pagputok ng fireworks. Ilang segundo pa bago humupa ang malabulaklak na imaheng nabuo ng firework ay may mga letrang nabubuo.  Hanggang sa ito ay maging apat na salita.  

    Napasinghap ako nang mabasa kung anong meron doon kasabay ng pagtayo ni Deo para harapin ako.  

"I will court you." sabi nito at inilahad ang kamay sa harapan ko. 

   Tumingala ako sa kaniya at hindi makapaniwalang tinignan siya. H-hindi.  Nagbibiro lamang ito. Napailing ako at tumayo nalamang.
   Impossibleng gawin nito sa akin ang bagay na iyon, baka wala lamang itong magawa kaya gusto niya akong ligawan.  Hindi naman siguro siya seryoso. 

   Kahit pa gusto kong matuwa sa pinapakita niyang aksyon, Ayaw itong tanggapin ng utak ko. Ang kaninang mabilis na pagtibok ng puso ko ay biglang huminto kasabay ng paghinto ng pagputok ng fireworks. Para bang may kung anong tinik ang nakabara sa lalamunan ko dahil sa mga bagay bagay na pumapasok sa isipan ko. Baka talagang nagbibiro lang siya,  Baka hindi totoo itong pinaparamdam niya sa akin at baka palabas lang itong pahat.

  Kusang naglakad palayo ang mga paa ko palayo sa kaniya. Lumulutang ang utak ko at ang tanging naririnig ko lamang ay ang pag agos ng tubig sa fountain at hiyawan ng mga tao na nagkakasiyahan sa tabing dagat.

   At ang salitang lumabas sa kaniyang bibig... 

   "No, you will never leave me again. "

Kasabay niyon ay ang paghawak niya sa braso ko at ipinaharap sa kaniya,  agad kong iwinasik ang kamay niya dahil nakaramdam ako ng takot.  Nakita ko ang pagseryoso ng aura nito at pagdilim ng kaniyang mukha.  Ang panga nito ay sumikip at ramdam ko ang mabigat nitong paghinga. 

  Dahan dahang bumaba ang hawak nito sa kamay ko at pinagsiklop ang mga kamay namin, hinila niya ako palapit at ikinulong sa kaniyang mga bisig. 

   Hindi ako makagalaw at para bang nawala lahat ng pagkabahala sa isipan ko.  

"I guaranteed myself not please people but..." bulong nito at hinalikan ako sa noo.  "Please... Stay with me."

   Bahagya itong tumawa ngunit halatang hindi ito masaya, " Shit... I  don't know what I'm feeling. And I blame you for making me feel this..."  huminga siya ng malalim at hinuli ang tingin ko.
    " Years ago... Until now Mawi, until now.  My feelings never change. It's still the same. I'll be a better man for you, damn! I want you so badly. " natahimik siya at napamura saka lalong hinigpitan ang yakap sa akin.  Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya, maniniwala ba ako?

   Bakit parang kinakausap niya ako na para bang nagkita na kami dati? Na kilala niya na ako? 

"Just say yes Mawi, You'll stay with me and let me court you." tanong niya

   ....parte ba siya ng nakaraan ko? 

Paano kung siya pala iyong taong matagal ko ng hinihintay? Iyong taong bubuo sa puwang sa puso ko? Iyong taong laging napapanaginipan ko?

   Oo nararamdaman kong may malaking halaga siya sa buhay ko, pero bilang ano? 

Paano kung isa pala siya sa mga taong nagbigay pasakit sa akin noon?  Natatakot ako... Natatakot akong malaman ang totoo.

   Masaya ako kapag andiyan siya, saglit kong nakakalimutan ang mga problema ko kapag nagtatama ang mga mata namin.

Paano kung nagbibiro lang pala siya? 

Huminga ako ng malalim at unti unting itinango ang aking ulo bilang pagsang ayon. 

  Lahat ng katanungan,  lahat ng bumabagabag sa akin... Hindi ko iyon mabibigyang kasagutan kung hindi ko susubukan.  Nakakatakot. Oo sobrang nakakatakot,  pero naisip ko na mas nakakatakot kapag may isang bagay kang hindi sinubukan na baka magpabago ng buhay mo tungo sa kabutihan.  Tungo sa ikaliligaya mo. 

  "Thank you." sagot niya at hinalikan akong muli sa aking noo. 

Ramdam ko ang kasiyahan niya, muli kong tinignan ang berde nitong mga mata at nakita ang halo halong emosyon na minsan ko ng nakita sa kaniyang mga mata.  Mga emosyon na gusto ko pang makita. 

   Sana tama itong desisyon ko, sana... Sana tama ako sa pagkakataong ito. 

  
   
  .......
-EnEn

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon