Chapter 22 (Unedited)

9K 203 1
                                    

(Play The Video: Better Man by 5sos)

MAWI

  Naramdaman ko ang pagbuhat sa akin ng isang matikas na bisig na mahigpit ang pagkakakapit sa akin. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang isang lalaki na maladiyos ang itsura, ngunit nababalutan ng misteryo at pagkaseryoso.  Naaamoy ko din ang pamilyar niyang pabango. 

   "N-nagkita ba ta-tayo dati?
tanong ko sa kaniya, naramdaman ko ang pagtigil niya sa paglalakad at bumaling ng tingin sa akin. 

   "Maybe yes..." sagot niya at dahan dahan akong pinatayo ng makarating kami sa gate ng bahay niya. 
Natahimik ako at tumingin sa kaniya, "..or Maybe not" bulong nito 

Umayos ako ng tayo at saka sinundan siya papasok sa loob. Paniguradong gising na si Sir Rhex,  agad aking tumakbo papunta sa luwarto niya at nang makitang bukas iyon ay pumasok na ako. Naabutan ko siyang isinusuot ang polo niya, kaya naman ay lumapit ako at inilapag ang bag sa sahig bago lumuhod. 

  "Bakit ngayon ka lang pangit?" may pagkainis na sabi nito kaya huminga ako ng malalim bago tumingin sa kaniya,  "S-sorry." sabi ko nalamang sa kaniya

Ayoko namang sabihin sa kaniya ang totoong nangyari, bata pa siya,  atsaka sinabihan niya ako dati na huwag aking lalapit sa kuya niya. Paniguradong matatanggal ako sa trabaho pag nangyari iyon atsaka nakakahiya, hindi naman namin sinasadya iyong nangyari.

  Nang maayusan ko na siya ay lumabas na kaming dalawa, "Ku-kumain ka na ba S-sir Rhex?" tanong ko

Tumango siya saka inabot sa akin ang maliit na bag niya, kaya ay sinabit ko siya sa balikat ko at lalabas na sana kami sa bahay. 

"Mawi, stay here." rinig kong sabi ni Deo mula sa liluran namin, agad na kumunot ang noo ni Sir Rhex at tumingin sa akin ng nagtataka.  

"She's coming with me." masungut na sabat ni Rhex at hinawakan ang laylayan ng damit ko at nginusuhan ang kaniyang kapatid. 
"No, she'll stay. Loreng will accompany you to school." seryosong sabad nito sa nakababatang kapatid.

"S-sir-- Ahm Deo, tr-trabaho ko po i-ito." sagot ko at akmang tatalikod na nang marinig ang mahina niyang pagmura. 

"Fvcking. Stay or I'll rip your clothes off." halatang galit ito sa tono ng kabiyang boses,  ano bang problema nito? 

  Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumingin kay Sir Rhex na nagtataka, "Okay?" alanganing sagot nito at tumingin sa akin,  "Didn't I told you to stay away from Him?  He's a Psycho. And oh--babawi ka sakin mamaya, libre mo ako ng ice-cream ." sabi nito at kinuha sa akin ang bag niya

Aangal sana ako pero mabilis itong nakaalis kaya naiwan nalang kami ni Deo.  "H-hindi mo sana si-sinabi iyon sa h-harap ng Ba-bata." sabi ko at yumuko, nakakahiya baka kung anong iisipin ni Sir Rhex. Panigurado akong naintindihan niya iyon,  matalino siyang bata. Nakakahiya. 

"Why?" tanong nito at lumapit sa akin kaya napaatras ako.

"Ba-basta nakakahiya. atsa-atsaka bata iyon..." napalunok ako ng hapitin niya akong muli sa aking baywang palapit sa kanya.  Iniwas ko ang tingin ko sa mukha niya, naramdaman ko ang pagdampi ng mainit at mabango niyang hininga sa aking pisngi. Naramdmaan ko ang pag akyat ng dugo ko sa aking mukha. Bahagya ko siyang itinulak at naglakad palayo sa kaniya. 

"He won't mind." nakangising sabi niya at tumalikod na sa akin

"Bak-bakit mo pa-pala ako pinaiwan?" pag iiba ko ng topic

"I don't know." sagot niya at umupo sa isang sofa, "Maybe to talk to you?" alanganin nitong sabi atsaka ibinalik ang tingin sa akin. 

"B-bakit? P-para saan?" tanong ko at nanatiling nakatayo sa kinatatayuan ko. 

"Let's date" walang preno prenong sabi niya sa akin. Medyo napaawang ang bibig ko dahik sa gulat

"D-date!?" gulat na tanong ko at nagtatakang tinignan siya,  lasing pa ba ito? Baka naman nantritrip lang?  Atsaka hindi ba ito papasok sa opisina? 

"Yeah, let's go." sabi nito ata agad hinila ang kamay ko. 

"Pe-pero..."

"You'll come with me. Whether you like it or not we'll have a date." seryosong saad nito at agad akong hinila pabalik sa kotse niya.

Ano bang iniisip nitong lalaking ito? 
   Habang nakasakay kami sa kotse ay iniisip ko kung talagang seryoso ito sa sinabi niya kaninang magdedate kami, bahagyang tumambol ng malakas ang puso ko at nakaramdam ako ng excitement. Bakit ba ako natutuwa?  Hindi ba dapat kabahan ako dahil sa kakaibang kinikilos nito?  O baka galito lang talaga siya sa mga babae lalo na kapag naikama niya? Baka ito ang paraan niya para magbayad.

   Agad nanikip ang dibdib ko at parang may tinik na bumara sa lalamunan ko at sa puso ko, bakit parang ang sakit sa pakiramdam ng kaisipan na iyon? Bakit masakit isipin na wala lang ako sa kaniya, isa kamang ako sa babae niya?

   Kasalanan ko naman din ito eh, hinayaan ko siya. Nagpadala ako agad sa kaniya.
   Binuksan niya ang radyo ng sasakyan niya at nakinig nalamang kami sa tugtog. 

"With your love, your love...
I'm a better better man
With your love, your love
I'm a better better man." pagsabay niya sa kanta kaya bahagya aking napangiti, nawawala na siya sa tono pero kanta parin ito ng kanta. Malalim ang boses nito at malamig, pero sa tingin ko hindi lang niya sanay kumanta. 

  Napaiking nalamang aki habang hindi parin nawawala ang ngiti sa aking labi,  "S-saan tayo pupunta?" tanong ko.
Ayoko man aminin pero nagiging komportable na ako kasama siya. Siguro dahil siya lang ang taong nakakapagtawa sa akin at talagang nagbibigay saya.

Pero kinakabahan akong mas laling mahulig ang loob ko sa kaniya, natatakot akong masaktan muli. 

Hindi siya dumagot sa akin bagkos ay kinuha niya ang kaniyang smart phone na nasa ibabaw ng dashboard at nagdial gamit ang isang kamay. 

"Cancel all my appointments for today....I'll take a break for this whole week. Call the Vice President and orient him... Just do it,  I have an important matter to handle." sabi nito sa kabilang linya habang nakatingin sa daan, kaya malaya akong napatingin ako sa kaniya.

Pinatay niya ang tawag at ibinalik ang smartphone sa kinalalagyan nito kanina at saglit niya akong tinignan bago ulit tumingin sa daan.  "Just relax, I don't want to take you into a boring date."

........
-EnEn

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now