Chapter 35 (Unedited)

7.5K 172 1
                                    

(Play the video: Sue Me by Sabrina Carpenter)

MAWI

"Miss Cabradilla!"

Napaigtad ako nang tawagin ako ng aking amo. Huminga nalamang ako ng malalim at nakangiting hinarap siya. 

"Yes sir?" sagot ko at tumayo mula sa pagkakaupo sa office chair ko. 
Nginitian ko lang siya ng makitang nag pupuyos ito sa galit. 

"Don't smile at me,  Miss Cabradilla.  Wala ako sa mood makipag ngitian ngayon.  Cancel all my appointments today." masungit na sabi nito at nagpatuloy sa pagpasok sa opisina niya na nakakonekta sa opisina ko.  
Umupo akong muli at tumutok sa laptop na nasa harap ko para gawin ang pinaguutos nito sa akin.

Nakakapagtaka, ngayon ko lang siya nakitang ganoon kaseryoso. Kadalasan naman ay nakangiti ito at pa-easy easy lang.

"Where's Abraham?"

Napaangat ako ng tingin at napatulala sa mukha ng isang babae. Maganda ito ngunit nakakatakot ang pagkaputla ng kulay at bakakatakot ang mga mata nito. 

"Ahh..Ehh... You mean, Sir Martinez? Okay wait a second... May I ask your name ma'am? " tanong ko sa kaniya at tinawag si Sir Martinez gamit ang intercom na nakakabit sa opisina ko at sa opisina niya.  

Pero pinagtaasan lang ako nito ng kilay at walang buhay na tinignan. Huminga nalamang ako ng malalim.

"Sir?  May naghahanap po sa inyo.... Ahm.. Babae, mahaba ang buhok---"

"Let her in." sabi nito agad. Lihim akong napangiti at ibinalik ang tingin sa babaeng kaharap ko. 

"This way ma'am." sabi ko at tinuro ang pintuan na papasukan niya. 

Hindi niya naman ako sinagot at agad pumasok sa loob, napailing nalamang ako. Sa tatlong taon na pagtatrabaho ko kay Sir Martinez ngayon lang siya nagpapasok ng tao sa opisina nito... At babae pa. 

  "Miss Cabradilla? You can go now. It's already pass 9pm." narinig kong pahabol ni Sir Abraham kaya napangiti ako. 

"Okay, salamat po sir." sabi ko at agad na kinuha ang laptop saka inayos iyon sa loob ng bag. Isinabit ko ang bag ko sa balikat ko at umalis na ng kompany building.

For three years, I tried to settle here on Miami... And so far I think it is great to be here.  

Kinuha ko ang kotse na nakaparada at nagpaalam ako sa mga kasamahan ko na kasabay kong nagtungo dito sa parking lot area.  

Napatunganga ako sa manibela pagkapasok ko. It's been three years... Kamusta na kaya siya? 

Ipinilig ko ang ulo ko at pinaandar na ang kotse. Somehow I felt guilty for what I've done,  Nanghihinayang din ako at nasasaktan at the same time.  I'm a coward and selfish, I admit it.  

  Nadaanan ko ang The Salty Donut Coffee Shoppe na nasa tabing kalsada, at gaya ng nakagawian ay nagpark ako sa open space sa tabi ng shop  para bumili ng donut at special coffee nila.   

Hawak ko ang isang kahong donut ay sumakay akong muli sa driver's sdat at inilagay ang coffee sa Cup holder na nakasabit sa may gilid ng dashboard. 

Nang mahanda na ay umuwi na ako sa Condominium na tinitirhan ko.  Sa simula ay todo todo adjustment ang ginawa ko para makihalubilo sa mga tao dito. And luckily I succeeded. 

Pagkarating ko sa tapat ng pintuan ay napangiti ako ng mapansin ang nakasabit na rosas sa doorknob.

"Sweet." Bulong ko at kinuha iyon bago binuksan ang pinto para pumasok.  

"Hey." bati ko sa kaniya at tumingakayad para maabot ang kaniyang pisnge at hinalikan siya doon. 

"Welcome home Mawi." bati niya at niyakap ako bago kinuha ang box at coffee cup sa kamay ko. 

"Tulog na ba siya?" tanong ko,  umiling naman siya agad at napakamot sa batok. 

"Shane..." pinaningkitan ko siya ng tingin.  "Hindi ba sabi ko maaga mo siyang patulugin? Mahirap na pag mapuyat--"

Hindi pa man natatapos ang sasabihin ko ng may lumundag sa akin at niyakap ako sa hita. "Mommy!"

Napangiti ako sa batang yumakap sa hita ko. Lumuhod naman ako at niyakap siya,  "Hello My Angel... How's your day?" taning ko at hinalikan siya sa kaniyang noo.

   I am happily contented with my daughter to live here. Mabuti nga at hindi kami pinapabayaan ni Shane.

"Bella, sabihin mo na kay Mommy kung ano iyong sinasabi mo kanina." bulong sa kaniya ni Shane.  Napangiti nalang ako at hinaplos ang buhok niya, binuhat ko siya sa bisig ko dahilan oara makita niya ang box ng donut na hawak ni Shane.

"Dada! donuts please???" nakangusong sabi nito at in-extend ang kamay para kunin ang box ng donut. 

Agad ko naman siyang inilayo, "One donut only, then you'll go to sleep." Paalala ko na ikinanguso naman niya pero tumango.  Napangiti nalamang ako at tinanguan si Shane para bigyan ng donut ang anak ko.  

Because of my Bella I managed to survive and live my life normally. At laking pasasalamat ko kay Shane dahil sa paggabay at pag-alaga nito sa amin.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta dati, wala naman akong kakilalang malalapitan bukod kila Carol at Jollan na may kanya kanyang buhay din. Ayokong maging pabigat sa kanila dati lalo na ng malaman kong... 

"Mommy?" napatingin ako kay Bella na dalawang taong gulang palamang.  "Yes angel?" tanong ko 

"Ahhmm, Mawi?  Uwi na ako... Balik nalang ako bukas ng umaga." sabi niya at hinalilan sa noo si Bella at tumingin naman sa akin. Nginitian ko siya at tumango. "Sige,  Salamat... Ingat ka sa pag-drive baka makabangga la na talaga,  Uwi agad ahh." sabi ko na ikinatawa niya. 

"Opo Mommy." nakangising sabi niya kaya natawa ako.  "Sira." I mouthed at hinatid na namin siya sa may pintuan. 

"Bye Dada!!" sigaw ni Bella at ikinaway ang kanang kamay dahil sa kaliwa ay hawak niya ang donut. 

"Bye princess" Paalam niya

   Naalala ko dati kung paano muli kaming nagkita ni Shane, I was 2 months pregnant with Bella that time. At ang loko,  muntik pa akong sagasahan. And from that he never leave my side, tinulungan niya akong mabigyan ng trabaho... Hanggang sa andito na ako ngayon. Kaya malaki talaga ang utang ko sa kaniya.

Nang isinara ko na ang pinto ay nagtungo na kami sa kuwarto. "Ano pala ang sasabihin mo sa akin Angel?" tanong ko sa anak ko at nilinis ang mga laruan na nakakalat sa sahig. 

  Pumunta ako sa isang table na kung saan nakaready ang gatas niya,  at nagtimpla.

"Mommy?? Si Dada daddy ko?"

Natigil ako sa paghalo ng gatas sa baso at huminga ng malalim.  Heto na nga ba ang kinakatakot ko, kung sana hindi ako nagpakatanga dati... 

"Angel,  here's your milk." sabi ko at binilisan ang pagtimpla at inabot iyon sa kaniya, nakita ko ang tsokolate na nakakalat sa bibig niya dahil sa naubos niyang donut.

Kumuha ako ng baby wipes sa nightstand at ipinunas iyon sa paligid ng bunganga niya. Napatitig naman ito sa akin. Iniwasan kong tumingin sa mga mata nito pero hindi ako nagtagumpay.

  Her eyes... It's His eyes, Kulay berde ito at tuwing tumititig ako sa kaniya ay bumabalik lahat ng alaala sa nakaraan. Hinaplos ko ang kilay niya dahilan para mapapikit ito. "Mommy?"

"Yes?" I ask

"Dada is not Daddy..." bulong niya

Tumitig ako sa mukha niya, I actually envy That man for dominating my daughter's feature... Tanging ang mga labi nga lang ni Bella ang nakuha sa akin.  

"I love you Bella" bulong ko at pinangko na siya patungo sa CR. 

"Now, Brush your teeth and I'll clean you up." sabi ko

  And I thank him for giving me this precious gift...

..........
-EnEn

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now