Chapter 37 (Unedited)

7.2K 181 0
                                    

(Play The video: In The name of love by Bebe Rhexa and Martin Garrix)

MAWI

"Ingat kayo doon..." sabi sa amin ni Shane,  napailing nalamang ako.  "Opo... Bakit ayaw mo kasing sumama?" tanong ko sa kaniya at binuhat na si Bella mula sa passenger's seat pagkalabas ko. 

"I have an important thing to do." anito at kinindatan ako.  Napailing nalang ako at sinarado ang pinto ng kotse niya. 

"Alright,  Bye!" sabi ko at hinarap si Bella na kinukusot pa ang mata dahil kagigising lang. 

"Say bye to dada." bulong ko

"Bye Dada." sabi nito at niyakap ako, natawa naman ako.  "Sige na baka malate ka pa sa Important-thing-to-do mo. " sabi ko at nagtungo na sa hall kung saan gaganapin ang big event.  

Napasinghap siya nang hugutin ni Bella ang kuwintas na suot ko.  "Yellow Rose?" Mahinang sabi niya at pinaglaruan ang pendant ng kuwintas ko. 

Natahimik ako at napatitig din doon. Hanggang ngayon ay suot suot ko oarin ito, sa totoo lang ay wala akong balak na tanggalin ito.


Suot suot ko ngayon ang pulang off shoulder dress na binili ko kagabi lang, at ganoon din ang suot ni Bella...terno kami ng suot at ayos ng buhok. 

"Good Morning ma'am." bati sa akin ng guwardiya at tinanguan ko naman at binati pabalik saka nagpatuloy maglakad patungo sa puwesto ng aking amo na nakatayo sa dulo at pinapanood ang papatapos na mga dekorasyon.

Dalawang oras nalang at magsisimula na ang event. Kaya dapat lang talaga na matapos na ang lahat. 

"Hi sir." nakangiting bati ko at tinugnan ang mga na-hire kong taga disenyo ng lugar. 
Maayos naman ang gawa nila. 

"Hello Miss Cabradilla and Hi little Bella." nakangiting bati samin ni Sir Abraham at nakipag-apir kay Bella. 

"Hello Tito ham." bati ni Bella na nagpatawa sa amin. 

"Really?  Ham? Hanggang ngayon ba ay hindi ka parin nakakasalita ng diretso?" tanong ng amo ko at kinuha ito mula sa aking bisig. 

Hindi siya sinagot ni Bella at pinaglaruan ang suot nitong neck tie. "Can I borrow her for a while?" tanong nito sa akin. Tumango naman ako,  mapagkakatiwalaan naman itong amo ko kahit may saltik minsan. 

Pagkatangay ni Sir Abraham sa anak ko ay naiwan akong inaasikaso ang mga gagawin ng naiwang trabahador para maging maayos ang event. 

May ilang mga bisita na ang dumating at mabuti nalang ay tapos na ang lahat ng gagawin. 

"Oh Hi!" bati sa akin ni Jollan,  nanlaki ang mga mata ko at niyakap siya. 

" Long time no see. " sabi ko at kumalas sa yakap niya. 

"Omygosh,  nagbago ka na nga talaga. Gumanda ka ah..." sabi niya at natatawang tinapik ang balikat ko. 

"Ikaw rin naman, ilang months na? Balita ko ikinasal ka na. " sabi ko at tumingin sa umbok niyang tiyan

"5 months...kasama ko nga asawa ko." sabi niya at umupo kami sa isang upuan malapit sa Buffet table.

"Good,  Si Carol ba?" tanong ko

"Ahh,  Iyong bruhang iyon... Busy siya sa business nila sa Philippines. Sayang nga hindi siya makakadalo." malungkot na sabi niya.

Tumango nalang ako at nginutian siya "Okay lang iyan,  nakakachat ko naman iyon minsan." sabi ko 

"Ikaw ba?  Musta na?  Kailan ka uuwing Pilipinas?" sunod sunod niyang tanong na nakapagpatahimik sa akin. 

Uuwi? 

"Hindi ko alam..." sagot ko

Tumango lang ito,  "Sabagay, maayos na itong buhay mo rito. Buti nga nakasalita ka na ng maayos, and madalas ka ng nakangitim I'm happy that you're happy already..." sabi niya at hinawakan ako sa balikat "...are you?" tanong niya

Wala sa sariling tumango ako,  "Yes.. Of course I am happy." sagot ko

"Oh.. That's great.  Sige puntahan ko lang asawa ko, medyo matanpuhin oa naman iyon.  Nice to meet you again Mawi, chat chat ahh. Magchismisan nalang tayo sa susunod haha" sabi niya kaya nginitian ko siya. 

"Sige sige,  bye. Congratulations nga pala sa baby mo." sabi ko at nakipag beso sa kaniya bago ito umalis

"I hope I am..." I hope I am... Happy. 
Hinawakan ko ang dibdib ko at naramdaman ang kuwintas na binigay niya sa akin dati. 

Bumuntong hininga nalamang ako at tumayo para batiin ang mga bisitang bagong dating.

"M-miss Rhen?" gulat na sabi ko ng mamukhaan ko ang isang babae na nakangiting lumapit sa akin. 

"Omygosh,  Mawi!? " nakangiting sabi parin ito sa akin,  "Kamusta na?" sabi nito

Medyo nagmature ang hitsura nito per andoon parin ang ngiti niyang hindi mapalit palitan.  "Okay namana ko,  ikaw Ba?" sabi ko 

"Ohhh,  Nagsasalita ka na ng tuwid. That's nice! I'm great.  Sige may kakausapin lang ako. See you soon." sabi niya at nagamamdaling umalis dahil mukhang may importante itong kakausapin. 

Napailing nalang ako, kamusta na din kaya si Rhex? I'm sure malaki na iyong batang iyon.  

"Hey Baby..."

Para aking natulos sa kinakatayuan at hindi makalingon sa taong may ari ng boses na iyon. 
Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ako puwedeng magkamali.   

"It's been 3 years..." aniya at tumabi sa akin pero hindi ito nakaharap sa akin.  Seryoso itong nakatingin sa harapan.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang maamoy ang hindi nagbagong pabango nito. 

Humarap ito sa akin, walang emosyon ang mukha nito. Napalunok ako at napatingin sa mukha nitong napakaguwapo parin. Ang dati nitong may kahabaang buhok ay maikli na at kulay itim lalong bumagay sa kaniya. Medyo mahaba ang kaniyang balbas na nagpadagdag sa kaniyang appeal. At ang kaniyang mata... 

Ganoon na ganoon parin.  

Walang nagbago... 

"Are you satisfied?" tanong nito at iniwas ang tingin sa akin.

Hindi ako nakasagot kaagad sa tanong niya, "Are you happy that you hurt me?" tanong niya ulit kaya napatitig ako sa kaniya. 

"Damn... Can I sue you for making my life miserable?" anito

"Deo..." tawag ko at napasinghao nang hilahin niya ako palabas ng hall. 

"Saan mo ako dadalhin?" tanong ko pero hindi ito sumagot. 

"Get in." mariing sabi nito pero naalala ko si Bella... Baka kung mapaano pa iyon.

"Ayoko." sabi ko at hahakbang sana palikod pero pinangko niya ako at pinasok sa passenger's seat. 

"Ano ba!  Deo!" sigaw ko at lalabas na sana pero malaks nitong sinara ang pintuan at mabilis na nagtungo sa driver's seat at nagmaneho. 

.............
-EnEn

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن