Chapter 24 (Unedited)

8.2K 162 0
                                    

(Play The video: Hotline Bling covered by Billie Eilish)

MAWI

Nakatayo ako at nakahawak ang dalawang kamay sa railings nitong barko na sinasakyan namin, nandito kami sa top deck at kanina pa kami nagpapalaot sa dagat. Medyo malayo layo narin kami sa lupa, muli kong tinanaw si Deo na nasa control area nitong barko. Siya ang nagpapaandar nito, hindi ko alam na maruning para siyang mag paandar nito. Sabagay, hindi ko naman siya ganoon kakilala.

Sumulyap akong muli sa kaniya at nakutang nakatingin din ito sa akin, inihinto niya ang pagmamaneho saka pumunta sa puwesto ko. Hinawakan niya ang balikat ko at ipinaharap sa papalubog na araw.

"Do you know what's the greatest moment of all?" tanong nito at bahagyang tumawa, saka hinigpitan ang yakap saakin. Napalunok ako at tinignan siyang nakatingin sa papalubog na araw, mukha siyang seryoso kaya ay itinuon ko rin ang tingin doon.

"An-ano naman iyon?" kinakabahang tanong ko

"When you watch the twilight with the special person."

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng magandang tanawin, ang paglubog ng araw.

"I remembered when I was a kid, I thought that the sun was drowned under the ocean. But I still believed t'was a wonderful phenomena. " sabi nito at napangiti,
Natawa ako dahil doon, at napangiti ng malawak. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang reflection ng nakalubog na sinag ng araw sa dagat.

Ilang oras kaming nasa ganoong puwesto, naging payapa na ang dagat. Talagang nakakarelax.

Tumunog ang telepono nito, kinuha niya ito sa bulsa. Tinignan niya ang I.D caller at lumayo sa akin para sagutin ang tawag.

Nanatili nalang ako sa puwesto ko at yinakap ang mga braso. Tinutuon ko nalang ang pansin ko sa paligid.

Galito ba ang Date?
Naikuwento sa akin ni Carol noon na masaya daw, nakakakilig, maraming bagay na pinag uusapan, at nakikilala mo ng maigi ang kasama mo.

"Fuck." napalingon ako sa kaniya ng marinig ko itong mag mura at itinapon ang telepono sa dagat. Napalunok ako at nakaramdam ng takot dahil sa nakakatakot nitong aura.

Natigilan ito ng mahuli akong nakatingin sa kaniya, lumapit siya sa akin at hinila ako patungo sa control room.

Inakay niya akong hawakan ang manibela at ang parang clutch, para din lang itong sasakyan. Teka, bakit ako andito?

Agad ko siyang nilingon, hinawakan niya ang kamay ko sa may clutch at ginabayan iyon pati narin ang kamay kong nasa manibela.

"I'll teach you how to drive a boat." sabi niya at kinindatan ako.

"Se-seryoso?" tanong ko at tiningala siya na tumawa lang bilang sagot.

Halos mapatili ako nang binilisan niya ang pagmamaneha kaya sumiksik ako sa kaniya, hinawakan niya ng mahigpit ang dalawa kong kamay at ginaya niya ang mga ito para magmaneho.

hanggang sa makabalik kami malapit sa port, binagalan niya ang pagpapatakbo.

Natawa ako at napailing, napatingin ako sa kaniya na nakangiting nakatingin sa akin. Medyo natumba pa ako nang sinubukan kong humakbang pero agad niya naman ako nasalo.
Medyo nahilo ako doon, pakiramdam ko ay lumilipad kami kanina. Nababagay ang mainit na temperatura dito sa lugar at ang hangin na sumasalubong sa amin kaya ay nagiging presko.
Medyo nanlalagkit narin ako, kaya medyo nakakahiya kay Deo.

"Do you want to rest first?" tanong niya, kaya tumango ako.

Hinatid niya ako sa isang cabin, katulad ng cottage ay gawa sa salamin ang ding ding nito na natatakpan ng mga puting kurtina. Maayos ang loob at napakalinis tignan.

"Just call me if you need something, I'm at the next cabin." sabi nito at hinalikan ako sa noo. Napatango naman ako at ngumiti sa kaniya.

"S-sige sa-salamat." sabi ko at sinamahan siya hanggang sa makalabas siya ng cabin, isinarado ko ang pinto at napangiti ako.

Masaya.
Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng galitong tuwa.


Pumunta ako sa CR at nag shower, ibinalabal ko ang robe sa aking katawan at saka lumabas. Nakita ko sa ibabaw ng higaan ko na may nakapatong na damit kaya agad akong lumapit dito. Isa itong puting bestida na lagpas sa aking tuhod.
May underwears ding nakapatong... agad ko naman itong isinuot.

Pagkatapos kong magbihis ay pinatuyo ko ang buhok ko, hinawi ko ang kurtina malapit sa higaan ko at nakita ang mga ilaw na nagmumula sa labas. Napangiti ako at umupo sa higaan.

Nasa pinakataas kami ng Resort, tanaw na tanaw ko ang mga taong nasa baybayin ng dagat. May mga ilaw ding nakapalibot doon, halatang nag eenjoy sila. Naririnig din ang malakas na tugtog na nanggagaling sa party doon.

hihiga na sana ako nang may marinig akong magdoorbell, tumayo ako saka naglakad papunta sa pintuan para pagbuksan ng pinto ang taong nasa labas.

Sinilip ko ang taong iyon sa peephole ng pinto at nang makita ang isang babaeng staff na nakatayo doon ay hindi na ako nagdalawang isip na pagbuksan ito ng pinto.

"Hi, Ikaw po ba si Miss Mawi Danwiel Cabradilla?" tanong nito, tumango naman ako ng dahan dahan

"Halika po ma'am may pupuntahan po tayo saglit. Pasensiya na sa abala." sabi nito kaya napakunot ako ng noo

"Sa-saan po? " tanong ko, medyo kinakabahan na ako. Hindi naman sa mukhang kriminal si ate, pero hindi kasi ako pamilyar sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin, "Huwag po kayong mag alala ma'am. Sumama nalang po kayo sa akin." sabi niya

Sinilip ko ang kabilang cabin na sinabi sa akin ni Deo at tumingin kay ate. "Si-sige po." sabi ko

Bahagya siyang yumuko sa akin at tumalikod, sinundan ko naman siya hanggang sa makarating kami sa rooftop nitong Resort Building. Madilim.

"Mi-miss? Anong ga-gagawin natin d-dito?" tanong ko at inilibot ang tingin.

"M-miss?" tawag ko sa kaniya at pilit inaninag ang paligid, tanging ang ilaw sa ibaba ang nagbibigay liwanag pero wala akong maaninag na liwanag dito sa kinatatayuan ko.


.....
-EnEn

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt