Chapter 28 (Unedited)

7.8K 191 2
                                    

(play the video: Now or Never by Halsey)

MAWI


"Why aren't you guys eating?" nakakunot ang noo na tanong sa amin ni Miss Rhen at tumigil sa pagsubo.
"Ayaw niyo ba?" nakataas kilay na dagdag niya at uminom ng tubig.

"Pabibo." rinig kong bulong ni Sir Rhex at sinamaan ng tingin si Miss Rhen.
"At least hindi bobo." sagot naman nito sa kaniya.

"Yeah right, coming from a person with 90 IQ ha-ha. Now I know why your boyfriend left you." nakangising ganti ni Sir Rhex na nagpatahimik sa kapatid niyang babae.

"Ako naman ang Paboritong anak ni Mommy."

"Ahuh, I doubt that."

"Enough." sabat sa kanila ni Deo na seryosong nakatingin sa dalawa, napatingin naman ako sa kaniya. Napangiti nalang ako sa inaasal ng tatlong magkakapatid na ito.

Natahimik naman ang dalawa ngunit andoon parin ang masamang tingin nila sa isa't isa.

"So ahm, Mawi... Sige lang kumain ka na. Ako pumili ng pagkain mo, Masarap iyan." nakangiting sabi sa akin ni Miss Rhen

Napangiti naman ako sa kaniya at tumingin sa inorder niyang pagkain ko.
Mukha nga siyang masarap.
"S-salamat." sabi ko sa kaniya at sinimulang kumain.

"Totoo bang nililigawan ka na ni kuya?"

Napaubo ako at muntik ng mailuwa ang mga kinain ko. Inabutan naman ako ng tubig ni Deo na agad kong tinanggap para inumin.

"Fvck, Can't you just eat yourself Rhen?" sarkastikong sabi ni Deo sa kapatid niya
habang mahinang tinatapik ang likod ko. 

"Oh It's ok. Don't need to answer, halata naman na." nakangiting sabi ni Miss Rhen sa akin at tinawanan ang kaniyang kapatid. "Kung ako sa iyo di ko siya sasagutin.  Mas pipiliin ko iyong lalaking masayahin, kaysa sa ubod ng seryoso tapos workaholic."

"Rhen." binigyan ni Deo ng seryosong tingin ang kapatid "You're rousing my ire. " iritadong sabi nito. 

Ngumuso lang si Miss Rhen,  "Sorry po." sagot lang nito pero nandoon parin ang tono ng panunukso. 

Bumalik nalang ulit kami sa pagkain, mabuti nalamang at walang katao tao sa puwesto namin. Kami lang. 

"Kidding Aside,  I hope makapag bonding ulit tayo. " bulong niya sa kin

Natahimik ako sa sinabi niya at napatingin sa kaniya ng may pagtataka.  Ulit?  Nagkita ba kami dati o nagkasama? 

   Pero ngumiti lang siya sa akin at nagoatuliy sa pagkain kaya isinawalang bahala ko nalang iyon. Baka namali lamang siya ng sabi. 

"I want thus appetizer." singit ni si Rhex at tinuro ang menu kaya napatango naman ako at oorder na sana ngunit pinigilan ako ni Deo at bigla itong nagtungo sa counter na agad namang inasikaso ng mga staff doon. 

"He Loves you." sabi ni Miss Rhen kaya napatingin ako at agad pumalakpak ang tenga ko sa narinig.  Nakaramdam ako ng kiliti at pakiramdam ko ay pinamumulahan ako ng mukha.  Pero...

"Hindi na-naman s-siguro." umiiling iling na sabi ko at tumungin kay Deo na nakapamulsa habang nakatayo sa tapat ng counter. 

"Huh?  Alam mo Mawi na mahal ka niya,  hindi naman ganyan si Kuya.  He even sacrificed his time for you,  he's working 24-7 kulang na nga patayin niya iyang sarili niya sa trabaho.  Being a Lawyer is not a joke,  their time is precious. Plus he is also a busineeman.  Simula noong mawala ka iyan na ang naging bisyo niya."

  "Mi-miss Rhen, A-anong ibigsa-sabihin mo?" agad siyang umiling at ngumiti sa akin. Agad naman siyang siniko ng bunsi niyang kapatid.

Agad namang bumalik si Deo kasabay ng isang waiter. Inilapag nito ang inorder ni Sir Rhex at umalis na. Kasabay ng pag alis nito ang pagtahimik naming apat.

....................

     Agad akong humiga sa higaan dahil sa pagod. Bukas, huling pasok ko na bilang tagapagbantay sa Bunsong anak ng Jovovich.  Pero kung tutuusin para wala akong ginawa, parang pumunta lang ako doon at huminga tapos wala na. Hindi ko alam kung iyon ang dahilan ng pagka disappointed ko o baka dahil hindi ko na siya makikita. Pero hindi ba dapat sanay akong wala siya?  Nakaya ko naman dati pero bakit... Parang hindi ko kayang mawalay sa kaniya? 

  Nakarinig ako ng doorbell, huminga ako ng malalim at tumayo saka binuksan ang pinto. 
Napakunot ako ng noo dahil wala namang tao,  siguro maling pindot. 

Isasara ko nasana nang may makuta aking malaking kahon na parihaba sa paanan ko, agad ko iyong kinuha at sinarado ang pinto. 

  Inilapag ko slamesa sa kitchen ang box at hinanap kung kanino ito galing pero walang nakalagay na pangalan. 

Napailing nalamang ako at binuksan ang kahon. 

"Omy--" agad kong tinakpan ang bibig ko..

  Isang Painting. 
  Hinawakan ko ang frame ng painting at napangiti ng maalala ito. 

"Leiwnad."

    Talagang ibinigay niya ito sa akin. 
Binuhat ko ito ng dahan dahan at naglakad papunta sa kuwarto para isabit ito sa isang sabitan ng painting sa dingding na kung saan ay bakante. 

Nang maisabit ko na ay tinitigan ko lamabg ito nang biglang may naramdmaan ako,  napahawak ako sa ulo ko at nanghihinang napaupo sa kama, bigla itong kumirot.  Akala ko ay titigil ito agad sa pagpintig at pagsakit pero nagkamali ako. 

"A-aray." hinawakan ko ang ulo ko ng dalawang kamay. Ipinikit ko ang mata pero hindi ko na kaya ang sakit.
"Ahhh!"

  

-EnEn

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz