Chapter 3 (Unedited)

12.4K 259 5
                                    

(play the video: In Too deep-Why don't we)

MAWI

Pagkalabas ko ng kotse nila ay agad kong binitbit ang mga bagahe ng alaga kong si Rhex. Inabot pa sa akin ng driver ang isang bag bago ito nagpaalam  para umalis, nauna siyang bumaba sa akin at tumakbo papasok sa isang bahay. Katulad lang ng mansion na napuntahan ko kanina ay malaki din ito ngunit hindi katulad kanina na maraming mga kasambahay o guwardiya na nakapalibot, dito ay parang walang katao tao dahil napakatahimik. Sa labas ay tanging ang bermuda grass at mga golden bush ang nakatanim sa paligid ng bakuran na tanaw dito sa napakalaking gate, at ang kulay ng bahay ay Itim na nahaluan ng puti at karamihan sa pader ay gawa sa salamin. 

"Can you walk faster? You look stupid." panlalait sa akin ng bata nang nakasimangot pero hindi ko nalang pinansin ang negatibong salita niya at sinunod nalamang ang utos niya. Kanina pa man siya salita ng salita ng masasakit na bagay ayon sa obserbasyon niya sa akin, pero sanay na ako doon pero siguro sasanayin ko nalamang ang sarili gaya ng nakagawian. 

"This is my arrogant Brother's House, but I still don't like it here.  He is a devil." sabi niya at siya na ang nag doorbell. 

Kusa itong bumukas kaya ay agad tumakbo si Rhex papasok at naabutan naming naka bukas na ang pinto ng bahay kaya pumasok na rin kami agad. 

"My room is up there!" Sigaw niya at agad nabtumakbo ulit patungo sa tinuturo niya. 

Hindi ko aakalaing may igaganda pa pala itong bahay na ito,  gaya ng nasalabas ay Itim at Puti ang kulay na tanging makikita sa paligid. Kahit Dingding, sahig na nababalutan ng kulay itim na carpet at maging ang ceiling. Pati ang mga paintings ay kulay itim at ang backgrounds nito ay puro puti, siguro ay mahilig mangolekta ng paintings itong kuya ni Rhex at mahilig din ito sa dull colors.  Hindi naman masakit sa mata ang paulit ulit na kulay ng paligid,  pero nakakaantok lang tignan. 

Hinigpitan ko ang hawak sa bag at maleta saka sinundan si Rhex sa pangalawang palapag. Naabutan ko siyang nakatayo sa tapat ng isang metal na pinto at pilit inaabot ang door knob. 

Nagtaka ako agad dahil napansin kong ang mga pinto dito ay matataas ang lokasyon ng doorknob,  talagang pinasadya na hindi maaabot ng mga bata.

Dahil sa nakita kong hinihingal na siya at kahit pa na ayaw niyang humingi ng tulong ay ako nalamang ang nagbukas.
Sinaan niya naman ako agad ng tingin at nagmartsang papasok. 

"Well I can do that on my own,  inunahan mo lang ako." agad na sabi niya kaya napatigil ako at nilapag ang bitbit sa sahig ng dahan dahan.

"M-ma... M-marunong kang mag-mag t-tagalog?" tanong ko

"Of coarse." sagot niya at agad na humiga sa kama.

Hindi halata, pero sabagay iyong ina niya nga marunobg magtagalog. Hindi lang kasi halata sa itsura nila, may lahi ata sila. Katulad ng ina niya ay ang mga mata niya ay kulay asul at ang buhok niya ay may pagkapula ang buhok at ang ilong nilang matangos.

"Fix my things, ugly nanny. " utos niya kaya wala na akong magawa at sundin ang sinabi niya.

Katulad ng nasalabas ay puro itim at puti ang makikitang kulay dito sa loob malawak din itong kuwarto siguro ay galito kalaki ang apartment ko, sabagay mayaman naman sila.  Nagtungo ako sa walk-in closet na nasa tabi ng pinto na pinasukan namin kanina. Nang maayos ko na ang mga damit niya ay nagtungo naman ako sa CR, agad akong napangiti dahil napakalinis at kintab ng mga tiles sa loob. Mga ilang minuto ko ding inayos ang gamit niya bago ako nagtungo pabalik sa higaan niya.

Napangiti ako at napailing nang makita siyang mahimbing ang tulig at nakayakap sa isang unan. Nagpakawala ako ng hininga at tinanggal ang sapatos niya at maingat na nilapag malapit sa higaan. Inabot ko din ang kumot at kinumutan siya.

Mukhang wala naman akong magiging problema sakaniya maliban sa pagsusungit, pagiging pala-utos at pala-asar. Agad akong napaigtad ng may tumikhim mula sa likod ko kaya agad ko itong hinarap. 

"Who are you? "

Napalunok ako at medyo napaatras dahil sa malalim at malamig na boses, at nanoot sa ilong ko ang mabangong amoy ng lemon.

Napaawang ang labi ko nang matitigan ang mata nito pagkaharap ko... Para akong naliligaw sa gitna ng kagubatan dahil sa lalim ng pagkaberde ng kaniyang mata, umangat ang tingin ko sa buhok niyang kulay abo na nakaayos katulad ng isang topknot.
Napunta ang tingin ko sa kilay niya na nakakunot ngunit kahit ganoon pa mab ay nababagay parin ito sa kaniya at matangos din ang kaniyang ilong, agad akong napalunok nang madako ang tingin ko sa kaniyang labi na mapula na para bang mas mapula sa aking labi. Agad kong kinagat ang ibaba kong labi,  bakit ko ba siya inilalarawan at pinagkukumpara pa sa akin? Maputla ang kulay nito na tila hindi masyadong nasisikatan ng araw pero hindi ito nabawas sa kagwapuhan niya.

Agad kong naramdaman ang kakaibang pakiramdam sa aking sarili, alam kong hindi ito takot dahil para bang natutuwa ang puso ko sa bilis ng pagtibok nito.  Siguro ay nadala lamang ako dito sa lugar at sa bagong trabaho ko. 

"A-ahh,  Ako p-po si M-mawi." sagot ko nang makita ang sama ng tingin niya sa akin dahil siguro ay naiinip na.
Hindi na siya umimik at sinilip nalamang ang batang nakahiga sa higaan at nakapamulsang naglakad paalis.

"Dumb. " malamig na sambit niya kaya dahandahan akong napalunok at muling napaatras,  hindi na rin siyang nagtagal at biglang nawala na din agad sa paningin ko.

Hindi ko napansin na para bang nawalan ako ng hininga nang maramdaman ko ang presensya niya,  sino ba naman ang hindi?  Nakaka-iyak na nakakatakot ang tingin niya. 

Agad pumasok muli sa isip ko ang itsura niya, matipuno ang pangangatawan niya dahil napansin ko ito sa suot niyang sinpleng t-shirt at jogging pants saka matangkad ito, siguro ay hanggang balikat lamang niya ako. Napaka guwapo nito pero parang napakasungit din kagaya ng kapatid niya.

Agad kong iniiling ang ulo ko at tinampal ang noo. Ipinalibot ko nalamang ulit ang tingin sa paligid at tinignan ang relo sa dingding.

7am palang naman pala, umupo ako sa isang sofa malapit sa higaan.  Naramdaman ko ang init na nagmumula sa sinag ng araw mula sa pinto na gawa sa salamin ng terrace kaya agad akong tumayo saka nagtungo sa labas at sinilip ang tanawin.

Agad tumama sa balat ko ang maginaw na hangin kasabay ng maligamgam na sikat ng araw.

Pine trees, napakabangong amuyin ang mga amoy ng mga pine trees sa paligid. Inilibot ko ang tingin at talagang pang mayaman ang tanawin,  pakiramdam ko
tuloy kailangan ko pang magbayad bago ako makasilip.  Sa hindi kalayuan sa likod ng bahay nila ay may natanas ako lawa, kimukinang ang tubig dahil sa araw na tila nagsasalamin dito. 

"Napakaganda." mahinang bulong ko at hindi maiwasang mapangiti. Siguro mahal talaga ang lupain dito, at ang magpatayo ng galitong kagandang bahay at bakuran na punong puno ng bermuda grass at mga bibihirang bulaklak na puro kulay puti. 

Ano bang meron sa puti at itim? 

....
-EnEn

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now