Chapter 5 (Unedited)

11.5K 271 3
                                    


MAWI

Pagkauwi ko mula sa pinagtrabahuhan ko ay inasikaso ko ang apartment at inayos ang susuotin ko bukas, nagluto na rin ako nang pangdinner at kumain mag isa. 

Habang hinihiwa ko ang lemon para gawing tsaa ay naalala ko ang nangyari kanina, hindi ko alam kung bakit pumasok siya sa isip ko. 
Napailing nalamang ako at tinapos ang tsaa para makapag ayos na ako para matulog.

Sinilip ko ang kalendaryo na nasa may pinto nang apartment ko September 15... Napailing ako at bumuntong hininga, malapit na pala. 

Napatingin ako sa cellphone ko nang magring ito kaya napakunot ako ng noo ko lalo na ng unregistered caller ang nakalagay. 

Hindi ko ito sinagot at pinatay na lang tawag, baka wrong number lamang iyon. 

Mga ilang minuto pa ay humiga na ako sa higaan para matulog dahil as usual ay maaga nanaman ako papasok bukas.

Ipipikit ko na sana ang mata ko nang magvibrate ang cellphone ko kaya agad ko iyong tinignan. 

Good night love.

Natigil ako sa nabasa kong text message na nareceive ko. 

"S-sino i-ito?"

Kinakabahang tanong ko sa sarili at nakitang unregistered Number ang nakalagay katulad ng number noong tumawag sakin kanina. 

Agad ko itong dinelete at i-block ko agad iyong number.
Nanginginig na inilayo ko sakin ang cellphone at pinilit ang sariling matulog. 

   ......

"Mawi?  Mawi? " tawag sa akin ni ate  habang inaayos niya ang pagkain namin sa hapagkainan. 

"Ba-bakit ate? " tanong ko at tinulumgan siya,  anim na taon lang ang agwat niya sa akin pero lahut ganoon ay parang siya na ang tumayong ina at ama sa akin simula nang mangyari ang isang insidente noong pitong taong gulang palang ako.

"Hindi ako makakauwi nang maaga mamayang gabi Mawi ah. May pupuntahan kasi ako para may makain tayo bukas at para mabayaran mo na iyong babayarin mo sa paaralan."  malungkot na sabi niya, tinitigan ko siya nang ilang minuto at ngumiti. 

"Ok-okay lang po,  b-basta po umu-umuwi din k-kayo ate ah." sagot ko kaya naman ay hinawakan niya ang kamay ko

"Sige,  uuwi din ako." aniya nang may ngiti sa labi kaya napanatag akong hindi niya ako iiwan.

Napamulat ako ng mata at naramdamang may tumulong luha doon, tinignan ko ang orasan sa cellphone ko at nang makitang alaskuwatro na ay bumangon ako.

Umupo ako sa higaan at tumitig sa kawalan. Dumiretso ako sa CR upang mag ayos at maligo bago nagtungo sa kusina para kumain. 
Galito lagi ang routine ko simula pa noong nagtatrabaho ako sa restaurant.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako ng aparent at siniguradong nakalock ito bago umalis. Ilang taon na rin akong nakatira dito,  mabuti nalamang at kahit magarbo at isa sa kilalang aparent ang tinitirhan ko ay sulit ito sa bayad at napakamura. Nadaanan ko ang isang elevator at nakita ko itong nakabukas. 

"Papasok ka ba ma'am." tanobg nang nag assist sa elevator. 

Agad akong umiling at ngumiti nalang,  nagtungo ako sa hagdan na katabi ng elevator at doon dumaan pababa mula 5th floor.

Mga sampung minuto ang tinagal ko sa paglalakad hanggang sa makasakay ako sa isang jeep patungo sa mansion.  Medyo madilim pa ang paligid pero marami na ang mga tao ang nagsisidagsa dito sa lungsod, kahit pa sarado pa ang mga stalls sa paligid.  
Dahil septyembre na ay lalo oang lumamig ang klima dito sa Baguio ngunit kasabay ng paglamig nang klima ay ang pagdalas ng pagbuhos ng ulan gaya ngayon. 

Inabot ko ang payong sa bag ko at nagbayad na sa jeep bago pumara at bumaba nang matanaw ko na ang entrada ng mansion at binuksan ang payong dahil lumakas ang ulan. 

Naglakad ako patungo doon at gaya kahalon ay kusa itong bumukas nang magdoorbell ako. Hinagod ko ang buhok paalis sa mukha nang mahangin ito at tinakpan ang paningin ko sa daan.

Pagkadating ko sa pinto nang mansion ay pinatay ko ang payong at tiniklop ng maayos bago inilagay sa tabi ng pintuan bago pumasok. 

Nakapatay ang mga ilaw sa sala ngunit sa pasilyo ng ikalawang palapag ay naka-on ang mga ilaw. Tanaw ko din ang kuwarto ni Rhex kaya agad akong naglakad patungo doon, marahil ay tulog pa iyon dahil pasado 5am palang. 

Ipipihit ko na sana ang doorknob pero hindi ko ito mabuksan, ayaw ko naman itong katukin dahil sa baka tulog pa ito at mapagalitan ako.

Ipinalibot ko ang tingin,  siguro ay hihingi nalamang ako ng extrang susi mamaya.  Inilagay ko ang mga kamay sa bulsa ng jacket ko at naglakad lakad sa pasilyo. 

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga paintings sa pader, nang may makita akong isang kakaibang painting ay agad akong tumigil at sinilip iyon.  

Nakita ko ang isang babaeng nakayuko habang  naka kadena ang kaniyang paa. Puro itim ang paligid pero ang kadena at ang babae lamang ang kulay puti, nabasa ko ang pangalan ng painting sa ibaba. 

Leiwnad

"A-ang galing." sabi ko at akmang hahawakan iyon pero nakarinig ako ng tunog ng piano na malumanay sa tenga. 

Napalingon ako sa paligid at tanging ang pinakadulong kuwarto lamang ang bahagyang nakabukas at sa tingin ko ay doon nanggagaling ang magandang musika.

Dahan dahan akong naglakad palapit para silipin kung sinuman ang tumutogtog. 
Agad na napakunot ang noo ko dahil bawat hakbang ko ay nagiiba naman ang pagtugtog.

Nanigas ako sa kinatatayuan nang maamoy ang lemon scent mula sa tapat ng pinto,  at tama nga ang hinala ko.  Nakita ko siyang nakatalikod sa puwesto ko at nilalaro ang piano, bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa nakita. Siguro ay kinakabahan lamang ako.

"Why? "

Napaigtad ako nang tumigil siya sa pagtugtog pero hindi ako nilingon, napalunok ako at aalis na sana...

"You like that painting?"

Lalong kumunot ang noo ko dahil sa pagbabago ng aura niya,  kung kahapon ay napakaseryoso at nakakatakot nito, ngayon ay napaka kalma at wirdo nito. 

"A-aling pa-painting po? " tanong ko at medyo umatras, tumayo siya at liningon ako.  Maaliwalas ang mukha nito pero blanko at walang emosyon, napatitig ako sa mata niyang napakaganda ng kulay, nakakarelax. Agad akong nagiwas ng tingin dahil may kakaiba akong nararamdaman habang tumatagal ang titig sa kulay berde niyang mata. 

"The one that caught your attention."  binulsa niya ang mga kamay at pinasadahan ako ng tingin. 

Agad akong napaisip,  iyon ba iyong...
"Leiwnad " sabi niya at lumabas ng kuwarto para lapitan ako.

Parang wala sa sariling tumango ako habang nakatingin sa kaniya. 
Pero... Paano niya nalamang gusto ko iyon? 

Hindi ko namalayang malapit ang mukha niya sa akin kaya napaatras ako, hanggang sa maramdaman ang ulo ko na mahinang tumama sa pader. 
Pilit kong ibinuka ang bibig pero walang lumalabas na salita mula dito, ramdam ko ang lakas na tibok ng puso ko habang nakatitig sa mata niya at ang unti unting kumakawalang luha sa mata ko.

"Fuck." bulong niya at naglakad paalis. 

....
-EnEn

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now