Chapter 14 (Unedited)

9.6K 232 3
                                    

(Play the video: Paper Love by Allie X)

MAWI

"S-sir Rhett, ka-kailangan ko na pong b-bumalik. Baka h-hinahanap na ako n-ni Sir R-rhex." mahinang bulong ko habang nakaupo sa isang sofa at katabi siya.

Nakita ko ang pag iling niya at pagtingin sa orasan sa pader, "Let's eat."

Hindi ko alam kung anong trip niya at hinila ako pabalik sa bahay nila, kanina pa ako nagpupumilit na bumalik sa school nila Rhex dahil baka hinahanap na niya ako pero ayaw niya akong pabalikin.

"P-pero..." hindi niya ako pinakinggan at naglakad papunta sa kusina, ilang segundo akong nakatanaw sa may kusina dahil sa pagkalito nang makarinig ako ng pagkaluskos ng kaldero. Tatayo na sana ako para pumunta doon nang marinig ko siyang sumigaw.

"Stay there...damn it!" Malakas na sigaw nito kaya napaupo ako ulit, galit ba siya? anong problema nito?

Wala sa sariling tumayo ako sa sofa at dahan dahang pinuntahan siya. "S-sir?" mahinang tawag ko sa kaniya

"Fuck! Didn't I tell you to stay there!?... Shit."

Parang may sariling isip ang paa ko dahil agad ko siyang nilapitan at hinawakan ko ang kamay niyang puno ng hiwa.

"A-anong..." tatanungin ko pa sana siya pero hinila niya ang kamay niya at inilagay sa bulsa ng suot niya apron. Nakita ko din ang patatas sa chopping board na bangking bangking naman ang pagkakahiwa at parang hindi pa nabalatan lahat.

"Darn it." Narinig kong bulong niya, sabay kaming napatingin sa elevtric stove ng umusok ang niluluto niya at nangangamoy sunog.

"No.. No.. No... Crap." naasar na sabi niya at hinaplos ang buhok niya dahil sa pagkainis.

"Hahaha." hindi ko napigilan ang mapatawa dahil sa nakikita, pero agad akong natigilan ng tumingin siya sa akin.

"Damn this." sabi nito at pinatay ang electric stove at tinapon sa isang trashbin ang kawali na umaapoy pa pati narin ang hinawa niyang patatas.

Natigilan ako at napatitig sa kaniya habang paalis ito patungo sa sala, talaga bang tumawa ako kanina?
Napangiti ako dahil doon
"Thank you" bulong ko sa sarili

Thank you for making me laugh...

Umayos ako sa pagkakatayo at hinalungkat ang kusina niya, Ako nalang ang magluluto baka kasi nagugutom na talaga siya dahil nag effort pa itong magluto.

Mga ilang minuto pa akong nanatili sa kusina at pinag igihan ang pagluluto, tutal malaki ang utang na loob ko sa kaniya ngayong araw ay ito lamang ang paraan ko para makabawi kay Sir Rhett.

Pagkatapos kong magluto ay inihanda ko ang hapagkainan at pumunta sa sala para tawagin siya.

"S-sir? Ka-kain na po." sabi ko at nginitian sya.

He sighed then glared at me. "Your insulting me."

Natahimik ako sa simabi niya kaya napayuko, hindi ko siya maintindihan akala ko gutom na siya?
"S-sorry p-po sir, Ba-baka po kasi g-gutom na kay-kayo... K-kaya..."

Tumayo ito at lumapit sa akin ng may seryosong aura, "I-I, ahm, I Just wanted to cook something for you." bulong niya at inalis ang suot na apron saka hinala nanaman ako papasok sa kusina.

"A-ano p-po ulit iyon?" sabi ko dahil hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya dahil mahina.

Tumikhim ito at umiwas ng tingin, "Thank you." mabilis na sabi niya pero sapat lang para marinig ko.

"We-welcome po." nakangiting sabi ko at pinagsandukan siya ng pagkain.
Naramdaman ko ang pagtigil niya at tumitig sa bowl ng niluto kong ulam.

"ay-ayaw niyo po b-ba?" tanong ko

"Nope, Chicken curry is actually my favorite." sagot niya at nagsimula na siyang kumain. Pero maya maya pa ay tumingin ito sa akin ng may pagtataka.

"Why aren't you eating?" tanong naman nito sa akin, napakunot ang noo ko.
Kumuha siya ng plato at nilagyan ng kanin at ulam, "there, don't starve yourself."

Naramdaman ko ang paginit ng pisnge ko kaya yumuko ako at tumango, "O-okay po." pakiramdam ko ay nangyari na ito dati pero di ko lang maalala.

"Paano ng-nga po pa-pala si Sir R-rhex?" nagtatakang tanong ko at naiilang na sumubo.

"Someone will fetch him." sabi lang niya, "Do you usually talk like that?" tanong niya kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.

"O-opo." sagot ko at nahihiyang umiwas ng tingin, nakakahiya baka kung anong isipin niya.

"Okay, Do you have a boyfriend" natigilan ako sa tanong niya at wala sa sariling napatingin sa kaniya.
"I mean, Ahm you know..." hindi ko na siya pinatapos at agad inilingan.

"Wa-wala po. " sagot ko at tinapos na ang pagkain ko at kumuha ng maiinom na tubig.

"Sorry for barging." malamig na sabi niya at tumayo para lumapit sa akin, "I hate... sharing what's mine." bulong niya at mariiin akong tinignan, napalunok ako dahil sa kakaibang kislap ng kaniyang mata... kakaibang emosyon na ngayon ko lang nakita.

Napaiwas ako ng tingin at umiba ng direksyon, "I-ililigpit ko la-lang po ito." sabi ko saka inayos ang pinagkainan namin para makaiwas sa kaniya at matigil na itong puso ko sa pagbilis sa pagtibok.

...
-EnEn

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now