Chapter 6 (Unedited)

11.1K 260 6
                                    

EnEn: Guys! Kung nalilito man kayo kung bakit may mga sumisingit na eksena na naka- Italic ang words.  That only means na isa iyong flashback.  Thank you!

MAWI


" What's your favorite color?"

Mula sa labas ng bintana at mahigpit na pagkakapit sa seatbelt na nakakabit sa akin ay itinuon ko ang pansin kay Rhex na nakaupo sa passenger's seat na parang balewala lang ang nangyayari habang ang kuya niya ay nasa driver's seat at mabilis na nagmamaneho. 

"Y-yellow."

Napalunok ako at lalong humigpit ang hawak sa seatbelt nang kumaliwa ang sasakyan pero hindi parin nababawasan ang bilis nito. 

"That's weird,  most females prefer girlish stuff." sabi ni Rhex na panay ang kalikot sa cellphone nito pero hindi iniimik ang kuya niya at tanging ako at cellphone ang inaabala. 
"Mine's Green." aniya

Tumango nalamang ako, ramdam kong nawawalan ng dugo ang buong katawan ko at pag hindi pa kami hihinto ay malamang mawawalan ako ng ulirat.

Mga ilang segundo pa ay huminto na kami kaya napahinga ako ng malalim at tahimik na nagpasalamat. 

napansin ko na ako nalang pala ang nasa loob ng kotse kaya dali dali akong lumabas at sinundan si Rhex. Nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng kuya niya kaya napalunok akong lumipat sa kabilang side ni Rhex para tabihan siya at hindi na makatabi ang kuya niya. 

Naglakad lang ako at sinundan sila, habang naglalakad ay ramdam ko ang  kakaibang tingin ng mga taong nadadaanan namin kaya ay napayuko para ma-iwas ang tingin ko sa kanila. 

"Sir buti nalang po andito na kayo,  may meeting po kayo ngayon.  Kanina pa po sila naghihinta--"

Hindi natapos ng babae ang kaniyang sasabihin dahil nilagpasan lamang siya ng kuya ni Rhex. Sabay kaming  tumapat sa isang elevator na kulay gold ang pinto...

...hindi. 

"A-ahh,  m-mag hahagdan nal-nalang po ak-ako sir." sabi ko kay Rhex kaya kinunutan niya ako ng noo. 

"My brother don't have any stairs from here to his office, meron mang stairs pero para lang iyon sa ibang staff at hindi ito nakakonekta sa kaniyang opisina." Sabi niya at tinuon ang pansin sa cellphone niya.

".. Don't worry,  the elevator is a hundred percent safe. Mga ilang minuto lang naman ang itatagal natin mula dito sa first floor hanggang  30th floor." bulong niya sa akin at tinulak ako papasok. 

30th floor? 

Ipinikit ko nalamang ang mata ko ng tumama ang likod ko sa isang railings at naramdaman ang pag akyat ng elevator dahil sa para akong lumulutang.
Napalunok ako at humawak ng mahigpit sa laylayan ng damit ko.

"M-matagal pa p-po b-ba? " mahinang tanong ko kay Rhex at yumuko para matakpan ng buhok ko ang mukha ko, ayokong makita niya ang pamumutla ng mukha ko dahil sa takot. Parang gusto kong maduwal dahil sa pagkahilo at sa pananakit ng tiyan ko.

"15th." aniya

Naamoy ko ang isang pamilyar na pabango dahil sa tingin ko ay tumatak na uto sa pang amoy ko nitong nakaraang araw na lalong nakapagpa sakit ng aking tiyan. 

Lemon... Oo nga ata mabango ito pero hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakakaamoy ako nito ay nagbibigay ito ng kahinaan sa katawan ko,  siguro ay nakuha ko ito simula pagkabata ko.
Hindi ko sinasadyang imulat ang mata kaya tumambad sa akin ang repleksyon ko dahil sa gawa sa salamin ang mga sulok ng elevator.

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now