Chapter 11 (Unedited)

10.5K 247 2
                                    

(Play the video: High by Dua Lipa)

MAWI

  "Don't talk..." bulong nito sa akin kaya itinikom ko ng mahigpit ang mga labi ko at umiwas ng tingin. "...like you are  nothing." anito at lumayo sa akin ng kaunti. 

"I'm Rhett, not Sir." he said while walking near the mini table and get his phone then texted someone. Napakunot ako ng noo at nagtataka siyang tinignan.

Pinanood ko na lamang ang mga hakbang na ginagawa niya dahil palagay ko ay isang maling galaw ko ay mapuputol ko na ang kanina niya pang pinipigilang galit. Ramdam ko iyon sa bawat diin ng kilos niya.

  Papaano naman ang trabaho ko? Si Rhex? Baka masisante ako dahil dito. 

"Someone's taking care of that kiddo." sabi nito na para bang nabasa ang laman ng aking utak.

   Tahimik lang ako at yumuko hanggang sa makarinig ako ng may nagdoorbell. Napalunok ako ng maramdamang lumapit siya sa puwesto ko para lumabas ng kuwarto. Dahil sa kuryosidad ay sumunod ako hanggang sa may main door ng parang condominium-hotel. 

  Huli na ng mabalik ako sa katinuan para umalis sa likod niya dahil nabuksan na nito ang pinto dahilan para makita ako ng lalaking singkit ang mata at katulad ng nasaharapan ko ay guwapo ito. 

  "Heto na iyong--holy shit!" mukha itong nasorpresa dahil sa medyo naging bilog ang mata nito nang makita ako na nasalikod ni Rhett. Napalunok ako at umatras ng paunti unti dahil kumunot ang noo nito at tila napapantastikuhang inilipat lipat ang tingin sa amin ni Rhett. 

"Who is she? Man, kaya papa nawala ka kagabi. It's a firs--" hindi nito natapos ang sasabihin dahil sinarafuhan agad siya ni Rhett matapos kunin ang dalawang paper bag. Humarap ito at naglakad nanaman habang sinisilip ang dalawang paper bag saka marahang ihinagis sa puwesto ko ang isang paper bag,  mabuti nalamang at hindi masakit ang pagkakabato nito. 

"Wear that." anito at nagtungo sa kuwarto kanina. Tinignan ko naman ang laan ng paper bag at nakita kong isang jeans, T-shirt and a pair of undergarments.

  Hindi na ako nagdalawang isip na isinuot iyon dahil nakakahiya kung itong polo ang isusuot ko palabas.
Saktong sakto naman sa akin ang undergarments na para bang sukat na sukat talaga iyong measurements. Ipinagkibit balikat ko nalamang ang ideyang iyon at inayos ang salamin ko sa mata dahil sa nahuhulog nanaman ito, simula kasi noong bata pa ako ay malabo na talaga ang mata ko. Siguro ay namana ko ito sa magulang ko. 

  Napalingon ako kay Rhett nang bumaba na ito ng kuwarto at lumapit sa akin. Gaya ng suot ko ay naka jeans din ito at simpleng white t-shirt na malaki sa kaniya. Napasinghap ako nang lumapat ang kamay niya sa beywang ko at inakay na ako palabas ng hotel papunta ata sa parking lot. Kahit na ramdam ko ang sakit sa gitnang bahagi ng katawan ko maging ng ibang kasukasuhan ko ay mas nangibabaw ang kaba na nararamdaman ko sa init na binibigay niya sa katawan ko dahil sa pag hawak nito sa beywang ko, pinagtitinginan din kami ng mga taong nadadaanan namin lalo na ng ibang kababaihan na ang sama ng tingin sa akin.  Gusto ko sanang lumayo at kalasin ang pagkakayapos nito sa akin ngunit tuwing binabalak kong alisin ay lalo nitong hinihigpitan ang kapit sa akin.

  "Stay still." bulong nito sa mababang boses at inalalayan akong pumasok sa asul na kotse niya na satingin ko ay isa sa pinaka sikat na estilo, hindi ko lang alam kung ano ang tawag dahil wala naman akong hilig sa mga kotse.

  Napalunok ako nang dumampi naman ang kamay niya sa may bandang tiyan ko ng ikinabit nito ang seatbelt ko. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko hindi ko na nga alam kung dahil ba sa takot, kaba o sa tensyon na bigay niya sa akin kasi naalala ko ang mabilis nitong pagamaneho noong una akong sumakay sa kaniyang kotse para kasing may alaalang bumabalik na nangyari na sa akin dati pero hindi ko matandaan kung ano iyon.

  Ipinikit ko ang mga mata ko ng mariin ng sinimulan niya nang magmaneho, mas gugustuhin ko pang maglakad kahit mahapdi pa ang akin basta huwag lang akong mamatay dahil sa car accident.

  Dahan dahan kong idinilat ang mata para silipin siya at ang dinadaanan namin saka pasimpleng nagpakawala ng hangin. Mabuti nalamang at mukhang nakaramdam ito at normal na bilis ang pagpapatakbo niya sa kotse. 
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, o kung saan niya balak pumunta gusto ko man siyang tanungin pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko dahil parang may kung anong bumabara nanaman sa lalamunan ko. 

Nang maipit kami sa traffic ay napasandal ito sa headrest ng inuupuan niya at inabot ang screen monitor ng dashboard at in-on ang audio player.

  Ipinikit ko nalamang ulit ang aking mata at umidlip sandali dahil medyo inaantok pa ako.  

....

  "Omygosh! Mawi!" agad na sumalubong sa akin ang nag aalalang mukha nila Carol at Jollan ng pagbuksan ko sila ng pinto, nginitian ko lang sila at pinapasok sa aking apartment. Hinawi ko ang buhok ko at hinaplos ng dalawa kong kamay ang magkabilaang mata dahil kagigising ko lamang.

  Hindi ko na naabutan si Rhett dito sa bahay pagkagising ko pero alam kung siya ang nagbuhat sa akin para makadating ako dito. Sana lang ay ginising niya ako para hindi ko na siya naabala, nakakahiya. 

"Saan ka ba nagsususuot kagabi? Alam mo bang nilibot namin ang bawat sulok ng club na iyon dahil akala namin naliligaw ka na? Baka may nangyari na sayong masama!" sigaw ni Carol

"Right! I'm sorry kung iniwan ka namin. Saan ka ba galing? " tanong ni Jollan kaya ay napalunok ako.

"A-ah,  U-umuwi lang ak-ako." sabi ko at umiwas ng tingin dahil sa nangyari kagabi. Kinagat ko ang ibabang labi ko at ipinilig ang ulo para alisin ang mga pangyayari kagabi na pumasok nanaman sa isip ko. 

"Sigurado ka?" sabay na tanong nila kaya ay nakangiting tinanguan ko sila, hindi sa gusto kong magsinungaling sa kanila pero alam kung di sila titigil sa pagtatanong kung umamin ako sa totoong nangyari. Gusto ko nang kalimutan iyon at magkunwaring walang nangyari, mas madali akong makakakilos kung ganoon lalo pa at makikita ko nanaman siya sa susunod na araw. 

  Umalis din sila paglaraan ng ilang minuto dahil bisy ang mga ito sa kaniya kaniyang trabaho.  Tinignan ko abg orasan sa wall clock at bumalik sa kuwarto upang magpahinga ulit. 

  "Happy Birthday..." sabi niya at inabot ang aking pisnge para pahirin ang luhang tumutulo,  "I'm sorry" hingi niya ng paumanhin kahit nahihirapan na itong huminga dahil nagsisimula na siyang sumuka ng dugo. "N-no.. " pilit kong tinanggal paa kong naipit sa dahsboard dahil gusto ko siyang lapitan pero lalo lang akong nanghina, 
"I love you." rinig kong bulong nito bago ako mawalan ng malay, kasabay ng isang napakalakas na pagsalpak ng sinasakyang kotse namin,

Pagkamulat ng mata ko ay tumambad sa akin ang puting kisame at amoy ng alcohol.

" Doc. Gising na ang pasyente" sabi ng isang babae at naramdaman ko na may hawak sa aking pulsuhan.

Na-nasaan ako? 

Sinubukan kong umupo ngunit hindi ko magawa, hindi ko maigalaw ang katawan ko at ramdam kong may nakakabit na kung anong suporta sa leeg ko.

"Doc, Hindi na nakayanan noong kasama niyang isinugod." rinig ko ang isa pang boses.

   Ano-anong nangyayari?

Huminga ako ng malalim dahil biglang sumakit sa bandang puso ko at dahan dahang pagtulo ng luha ko. 

____

"Beep! Beep!  Beep!"

Idinilat ko ang mata ko at pinahid ang luhang tumulo, nangyayari nanaman.
Hinigpitan ko ang kapit sa bedsheet at pinatay ang alarm clock. 

  "Happy Birthday to me."

  Malungkot kong bulong sa sarili at nagbuga ng hangin. 

......

-EnEn

THE BABYSITTER (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon