Unang Kabanata

7.1K 173 62
                                    


Manila 2018


"Bes" sigaw ko nang makita ko ang bestfriend kong si Jomai sa Lovers Lane nang isang prestilyosong unibersidad sa Maynila.

Winagayway naman ni Jomai ang mga kamay niya para tawagin at palapitin niya ako sa pwesto niya. "Hulaan ko? 5 hours nanaman ulit break mo no?" agad niyang tanong sakin.

Ako nga pala si Maria Kristina Montealto, 19 years old. College student sa isang unibersidad sa Morayta. Management student na frustrated sa History. Bakit frustrated? Kasi kahit Management major ako, mas angat padin ang pagpapakadalubhasa ko sa History, I do love history, most especially the life and death of Andres Bonifacio. Sobrang nainspire talaga ko.

Isa din pala akong dakilang loner sa school ko. Well, obvious naman diba ? Kaya naman ugali kong dumayo pa dito sa University ni Jomai, para lang pamatay nang oras, para din hindi ko maramdaman ang haba ng break ko.

Minsan naman, pag wala talaga akong choice, lalo na pag tinamad makipagkita si Jomai sakin or may klase siya, umuuwi nalang ako sa bahay at babalik nalang sa school para umattend nang last subject ko. Napakastressful diba?

"As usual, haii, ang hirap talaga maging Irregular student bes, ang hirap magadjust nang oras lalo na ngayon.. Hindi ko malaman kung ano nanaman gagawin ko para patayin ang 5 hours break ko.." Sagot ko naman sa kanya. Maya maya nakaisip naman ako ng ideya kung pano magiging makabuluhan ang napakatagal kong break..

"Bes, Mamasyal kaya tayo? Tara punta tayo sa Intramuros, gusto ko kasi ulit marating yung San Agustin church at Cathedral" excited kong sabi kay Jomai.

Jomai was been my bestfriend since HS. Honestly, isa siya sa pinaka sarcastic at pilosopong tao na nakilala ko. We are now a 3rd year College student by the way.

Napakunot naman mga kilay niya sa sinabi ko, "Bakit all of a sudden dun mo gusto pumunta? eh, ang dami namang magangdang lugar dyan like mall, bakit dun pa talaga sa Historical place na un..?" reklamo niya. "Tsaka ayoko nga pumunta dun, napaka creepy ng lugar, Jusko, tsaka di ako old fashioned na tao gaya mo.. gusto mo ikaw nalang," dagdag pa niya.

Napanguso naman ako sa mga sinabi niya. Agad naman akong lumapit saknya sabay abrasyete sa braso niya napara bang naglalambing na pusa.. "Grabe ka naman bes, nakarating ka na ba sa intramuros? Baka nga di mo pa nalilibot ung lugar dun eh, tapos ayaw mo subukan puntahan. Cge na, tara na please," saad ko saknya ng may pagsusumamo.

Tila naawa naman siya sakin kaya naman napilitan nalang siya na pagbigyan ako. " K, fine, may choice pa ba ko." She said and rolled her eyes.

***********


Intramuros, Manila 2018

"Manong, para nalang po sa tabi,"usal ko sa driver nang marating namin ang harapang bahagi ng Manila Cathedral. Since isang sakay lang naman ang kailangan naming gawin para makarating sa intramuros, hindi na nagreklamo pa si Jomai. Bakas naman sa kanyang mukha ang pagkamangha matapos naming bumaba mula sa jeep.

"Wow bes, in fairness ah, tama ka, ang ganda nga dito sa Intra. To be honest, ngaun lang ako nakarating dito. And indeed, this place is awesome. Pero alam mo, although maganda dito, ang creepy padin aa pakiramdam, kasi naman sabi ung Lola ko andaming kwentong haka-haka dito, kesyo mahirap daw maligaw dito ng hating gabe. Pag daw kasi naligaw ka dito by 12 midnight, nag iiba daw ang lugar na to, at nadadala ka raw sa panahon ng mga espanyol. Meron pa nga ko nakita sa internet, captured ng isang banyaga, meron daw mga lost souls dito.. yiiiiih scary talagaa.. Hindi lang ako sure if legit yun or edited, pero kung totoo man. Grabe lang talaga." She said as she look scared.

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Where stories live. Discover now