Ika-Bente Sais na Kabanata

1.3K 75 26
                                    





Hindi padin ako makapaniwala sa aking nakita. Napapaisip padin ako sa tuwing naaalala ko ang mukha ng babaing nagpadakip sakin. Papaanong niya nagawa sakin ang mga bagay na ito, hindi ko talaga lubos maisip na magagawa niya sakin ang bagay na ito. Itinuring ko pa man din siyang isang kaibigan.

Makailang oras nadin ang nakararaan ng lumisan na ang babaeng nagtatangka saking buhay.. Wala akong ibang nadidinig kung di ang tunog ng mga kuligkilig sa paligid. Maya maya pa ay nakadinig ako ng malakas na pag bukas ng pintuan at mga hakbang na papalapit sakin.. Tinanggal niya ang pagkakagapos saking mga kamay at ako'y sinibukan na niyang gisingin..

"Binibini, gumising ka na riyan.. Kumain ka na dahil sa tingin ko ay ito na ang huling hapunan na iyong magagawa.." Ani nito.

Hindi ako kumibo sa mga sinasabi ng lalaki. Ang tanging tumatakbo lamang sa isipan ko ay kung papaano ako makakatakas lugar na ito.. Nais ko mang umiyak, ngunit alam kong walang magagawa ang pagpapakaduwag sa sitwasyong ito.. Ang kailangan kong pairalin ay ang tapang ng loob at diskarte kung saan ako maaaring dumaan upang nakatakas dito..

Kinalabit akong muli ng lalaking iyon upang magising niya ako.. Ngunit nanatili padin akong nakapikit. "Ikaw ang bahala kung di mo talaga nais na kumain, kung sa bagay, kumain ka man o hindi ay mamamatay ka padin, kaya't wala naring silbi kung kakain ka pa" muling sambit nito at humalakhak.. Tumayo na ito at agad na lumabas na ng pinto.. Nadinig ko din ang mga kalansing ng mga kadena kung kaya't sa malamang ay muling ikinandado ng lalaking iyon ang pinto para wala talaga akong pagkakataong makatakas pa sa kanila.

Agad akong bumangon at marahang naglibot sa silid na iyon.. May kalakihan ang silid ngunit kita narin ang pagiging luma nito. Nagmistulan narin itong bodega dahil sa mga nagkalat at magulong kagamitan, nabalutan nadin ng makakapal na alikabok ang silid.. Mukha na rin itong abandonadong bahay sapagkat ang istraktura nito ay naluluma na, makikita ring and mga bintana nitong gawa sa capis ay butas butas na.

Sinubukan kong buksan ito ngunit tulad ng inaaasahan ko ay nakakandado ito.. Patuloy muli ako sa paghahanap ng lagusan ng bigla naman akong mapatid dahil sa isang naka-uwang na kahoy sa may sahigan. Lalagpasan ko na sana ito ngunit napansin kong may kakaiba sa parte ng sahig na iyon..

Napaupo ako at hinawi ang mga makakapal na alikabok na sumasapaw sa sahig na un. Laking gulat ko ng makitang isa itong maliit na pintuan.. Binuksan ko ang pintong iyon at bumungad sakin ang hagdang nakatago rito.. Agad kong kinuha ang gasera sa mesa upang makumpirma kung talaga bang hagdan ang aking nakita.. Inilawan ko ito at nakitang may 10 baitang na lalim ang hagdan ng lagusang iyon, Binaybay ko ito hanggang sa marating ko ang dulong bahagi ng lagusan at muling bumungad sakin ang isang pinto..

Binuksan ko iyon at hindi naman ako nabigo dahil bukas ito at ang lagusang ito ay papalabas pala sa isang hardin.. Nang tuluyan akong makalabas ay hindi na ko nag atubiling kumaripas ng takbo patungo sa gubat upang makalayo sa lugar na iyon..

Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Ang tanging nasa isip ko lamang sa mga panahong ito ay makaligtas sa kapahamakan, hindi nila ko maaaring mapatay.. May pamilya pa akong naiwan sa hinaharap at kailangan ko silang mabalikan. Kung hahayaan kong magtagumpay sila sa pag paslang sakin ay hindi ko magagawa pang makita ang aking magulang at kapatid..

Halos maligaw na ko sa gubat kakatakbo upang mahanap lamang ang naturang daanan papalayo sa lumang bahay na iyon. Tila nawawalan narin ako ng pag asa dahil hindi ko rin alam kung saan ba ang dulo ng gubat na ito at kung sino ang maaaring tumulong sakin. Pumasok naman sa isip ko si Goyo, alam kong kung narito lamang siya ay hindi niya hahayaang mangyari sakin ang mga bagay na ito..

Patuloy padin ako saking pagtakbo ng namataan ko na ang dulo ng gubat.. Kumaripas pa lalo ang takbo ko at sa wakas ay natunton ko na ang mismong daanan.. Naghanap ako ng mga taong maaaring makatulong sakin ngunit nabigo ako dahil wala ng dumadaang mga tao rito.. Nagsimula nanaman akong matakot. Pag hindi ako nakahanap ng maaaring tumulong sakin, tiyak akong maaari padin akong mahabol ng mga taong nagtatangka sa buhay ko..

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Where stories live. Discover now