Ika-Tatlumpu't Limang Kabanata

3.6K 116 152
                                    




"Noong isang araw lamang ay kasama ko pa ang magiting na si Heneral Luna sa pakikipagdigma, ngunit ngayon.... Wala na siya. Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat pero isa lang ang alam ko, nawalan kami ng isang magaling, magiting at tapat na Heneral."



Napamulat ang mga mata ko sa panaginip na iyon kasabay ng malakas na kabog sa dibdib ko. Tila isang masamang panitain na bumubulabog naman sa isip ko. Anong araw na ba ngayon? Kelan nga ba namatay si Antonio Luna!

Sa pag iisip kong iyon ay nakarinig naman ako ng ingay na nagmumula sa takbo ng mga kabayo, lahat sila ay nagmamadali at para bang may mahalagang kailangan iparating sa pupuntahan nito. Dali dali akong napadungaw sa binata kung saan ako naroroon. Sinundan ko naman ng tingin kung saan paparoon ang mga lulan ng mga kabayong iyon. Natanaw kong patungo ang mga ito sa lugar kung nasaan ang Presidente. Agad akong napaayos ng sarili at sinundan ang kinaroroonan ng brigadang dumating. Sa di naman kalayuan, nakita ko ang pag pasok ng isang lalaking kababa lamang sa kanyang kabayo na pumasok sa opisina ni Miong. Tahimik akong sumunod rito at nagtago sa isang parte ng lugar kung saan maaari kong marinig ang hatid na balita ng kawal na iyon.

Nakita kong tumayo muna ang lalaking iyon sa harap ni Aguinaldo sabay saludo rito. "Anong balita Janolino?" rinig kong sabi ni Aguinaldo. Nanlaki ang mata ko sa pagkasambit nito ng pangalang iyon.

Janolino? Isang beses ko lang napanood ang Heneral Luna ngunit hindi ko maaaring makalimutan ang pangalan na iyon. Iyon ang pangalan ng isang traydor na puno ng poot na mula sa pamumuno ng isang ring traydor. Siya ang pumatay kay Heneral Luna, Si Pedro Janolino.

Sumama naman ang tingin ko sa lalaking iyon at patuloy na pinakinggan ang usapan ng mga ito. "Wala na po ang aroganteng Heneral, Presidente." wika ng lalaking si Janolino habang may kakarampot nanngiti sa kanyang mukha.

Whaaaaaat?

Para naman akong naistatwa sa masamang balitang aking narinig. Di ko na rin namalayan ang pagtulo ng luha ko sa pisngi dahil sa balitang iyon.

"Nasaan ang kanyang mga labi?" walang emosyong tugon muli ni Aguinaldo.

"Nasa Cabanatuan pa po ang mga labi nito, Señor." wika naman ni Janolino.

Tila tumigil naman ang mundo ko sa sinabi niyang iyon. Halang talaga ang kaluluwa ni Aguinaldo. Sa kanya narin nangaling, na si Luna ang pinakamagaling niyang Heneral, pero paano niya nakuhang ipapatay padin ito. Tama nga ang nakasaad sa pelikula. Bagamat hindi pa napapatunayan na siya ang nagpapatay kay Andres Bonifacio, Siya rin pala talaga ang nagpapatay kay Antonio Luna.

Patuloy akong nakinig sa usapan ng dalawa. At mas lalo akong naiyak sa mga aking napag-alaman.

"Matibay si Luna, Senor. Mamatay na lamang po siya ay nanatili padin itong lumalaban. Mas lalo naman niyang napainit ang ulo ng aking mga kawal kaya naman po nagtamo siya nang ilan-pung saksak mula sa amin." wika ni Janolino. Bahagya namang napaismid si Aguinaldo.

"Ang mga tapat na opisyales ni Luna, Nadakip ba sila?" sambit muli ni Aguinaldo.

"Nadakip po namin si Rusca at Roman. Ngunit si Bernal ho, nakatakas. Napagalaman ko pong naninirahan daw po ito kay Don Mariano."

Sa pagkakataong iyon ay napatakip na ako saking bibig kasabay ng walang humpay na pagbuhos ng aking luha sa mga narinig. Namunbalik saking isip ang mga pangyayari mula sa pelikula ni Heneral Luna at kung paano walang awang pinatay ang dakilang Heneral. Napapunas ako kaagad ng luha ko sa tatlong pangalang nabanggit.

Kilala ko sila. Kilala ko ang tinutukoy ng Janolino na yun. Sila Eduardo Rusca, Paco Roman at Manuel Bernal, sila ang mga alagad ni Luna sa kanyang brigada. Nasaan sila? Kailangan ko silang mailigtas bago pa man sila matunton ni Aguinaldo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Where stories live. Discover now