Ikatlong Kabanata

3.8K 126 2
                                    


"Tandaan mo ang mga napagusapan natin, Kristina. Walang maaaring malabag sa mga sinabi ko sa iyo, naiintindihan mo ba? Alam kong hindi madali ang magiging tungkulin mo sa panahong ito ngunit hangad ko ang tagumpay mo sa misyong ito." ani ni Padre Fernando.

"Hindi padin totally nasisink-in sakin ang lahat Tang, ang gulo padin po sakin nang lahat. Pero hayaan niyo po at sisikapin ko pong magawa lahat nang sinabi niyo sa akin at iwasang malabag ang kahit ano sa kasunduan." Sagot ko naman sa pari..

Nasa daan na kami ni Tatang upang ihatid niya ako sa Sta. Catalina.. Nasabi niya kasing may kakilala daw siyang isang Madre na taga-pangasiwa nang isang dormitoryong paaralan. Kinausap niya ang madreng nangangalang Dolores upang tanggapin ako sa dormitoryo upang makapag-aral.. Sa pag kakaalam ko kasi nasa intramuros dati ang lahat ng prestilyosong unibersidad at paaralan noon tulad ng Ateneo, Uste, Letran, Santa Isabel at maging ang iba pang maliliit na uri ng paaralang dormitoryo.

Nang makarating kami nang Sta Catalina, kumatok ng dalawang beses si Tatang. Agad naman itong nadinig dahil tahimik na ang kapaligiran. "Sino iyan?!" saad ng babaeng may katandaan narin ang boses.. Bumungad samin ang isang madreng nagbukas ng pinto at may hawak na lampara. "Oh, Magandang gabe sayo Fernan, may maipaglilingkod ba ako sayo,?" kaaya ayang sambit nang madre.

"Magandang gabe rin Dolor, nais ko lang sanang ihingi nang pahintulot kung maaari mo bang tanggapin ang aking pamangkin upang makapagaral sa iyong paaralan?" wika ni Tatang.

"Nako Fernan, nais ko man, ngunit sapat na ang aking mga estudyante, hanggang bente cinco lamang ang kapasidad ng aking paaralan. Ikinalulungkot ko." sagot naman ng madre. Tila nalungkot rin si Tatang sa saad ng madre..

"Ganoon ba? Oh siya sige, magbabakasali nalamang kami sa iba ni Kristina, Maraming salamat." Aalis na sana kami ni Tatang ng bigla namang naiba ng isip ang madre at agad kaming tinawag pabalik..

"Sandali lamang Fernan, Sige na, pumapayag na ko ako. Papasukin mo na siya rito, buti na lamang at kakaalis lang ng isa naming estudyante kanina
upang ituloy ang kanyang bokasyon sa norte.." wika ng Madre.. Napangiti naman si Tatang at ikinatuwa ang sinabi nito..

"Maraming Salamat Dolor.. Siya nga pala, ito si Kristina, ang pamangkin ko na tubong-San Antonio" hayag muli Pari.

Bago pa man kami maghiwalay ni Padre Fernando ay kinausap niya sandali si Madre Dolor upang maghabilin ng mga bagay patungkol sakin. Kinausap niya rin ako at nagbigay muna ito nang kanyang huling salita bago pa man siya tuluyan ng lumisan ng dormitoryo. "Magiingat ka dito iha, Alam kong hindi ka naman pababayaan ni Dolor, wag ka lang sana mahihiya magsabi sa kanya,"


Nakatingin lang ako kay Tatang habang pinagmamasdan ko naman ang pag alis nito. Tinawag na naman ako ni madre Dolor upang masamahan na niya ko patungo sa aking silid.

***

Nang mag-a-Alas Cinco na ng madaling araw, subalit nakadilat at tila buhay na buhay parin ang aking diwa dahil hindi pa padin ako dinadalaw ng antok.. Dahan dahan namang nagbukas ang pinto ng aking kwarto dahilan para mapabangon ako ng bahagya saking pagkakahiga. Nakita ko si Madam Dolores na bumungaw muna bago tuyang pumasok ng silid.. Agad naman akong napabangon at ngumiti sa kanya ..

"Magandang umaga sayo Binibini, kumusta ang iyong lagay, ikaw ba'y nakatulog ng maayos?" Pangungumusta niya sakin. Ngiti lamang ang aking naisagot saknya. Halata padin ang pagkahiya ko saknya. "Siya nga pala, nais kong humingi nang paumanhin kung hindi ko na nagawa magpakilala ng pormal kagabi, Ako nga pala si Madam Dolores, ang nangangasiwa ng Dormitoryong ito.." pakilala nang madre. Mukha namang mabait ang madreng ito dahil may maamo itong mukha. Kahit pa may katandaan na ito ay angat padin ang ganda nito dahil sa nangingibabaw na kastilang dugo nito.

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon