Ika-Labing Walong Kanabata

1.8K 79 24
                                    





"Handa ka na ba sa ating pag uwi? Hindi ko na pagilan ang aking nadaramang galak, Nais ko nang makapiling sina Ama at Ina.." wika ni Crisanta habang hindi naman mawari ang saya mula sa saknya.

Ngayon ang araw na ang aming pag alis patungo sa San Vicencio.. Ilang araw nadin kaming hindi nag kikita ni Goyo matapos akong magkasakit.. Hindi ko alam kung bakit hindi nalang siya bigla nagparamdam.. Ang huling naaalala ko lang ay yung nagkausap kami sa burol at nagtapat siya ng Pag-ibig sa akin.

Pagtapos umulan ng araw na yun ay inihatid na niya ko sa bahay at sinabing gagawin ang lahat para lamang makamit ang matamis kong 'OO'. Pero bakit ganun, parang bigla nag-iba ang ihip ng hangin..  Napagisip isip na siguro niya na hindi naman talaga siya seryoso at infatuation niya lang ako..

Naisip ko namang magsimba muna bago kami magtungo sa San Vicencio.. Nagpaalam ako kina Rosario at Crisanta at pumayag naman ang mga ito. Sabi nila ay saglitan ko lamang para maaga kmi makaalis dahil baka d namin maabutan ang huling byahe ng barko..


Nagpahatid ako kay Mang domeng sa simbahang hindi ko pa nararating. Sabi ko kasi skanya gusto ko malibot ang mga luma at malalaking simbahan dito sa Intramuros. Dinala naman niya ko sa isa ring lumang simbahan. Sabi ni Mang Domeng, Iglesia de la Inmaculada Concepción de María de San Agustín ang pangalan ng simbahang ito. Ayon sa kanya, isa daw ito sa pinakamatandang simbahan dito sa Intramuros.

Tinignan ko naman ang simbahan na yun. Hindi ako pwede magkamali, Sa tingin ko ito ung San Agustin Church na tinatawag ngayon, pero hindi pa ito tulad ng modernong simbahan ng San Agustin. Noon pa man pala, maganda na talaga ang simbahan na to.. Base on surveys isa daw ang San Agustin sa favorite weddings spots..

Nagpasalamat ako kay Mang domeng at sinabing balikan na lamang niya ako kaya naman umalis muna ito upang mamasyal na rin doon.. Nagpatuloy na ko sa paglalakad upang tuntunin ang pasukang bahagi ng simbahan. Habang nag lalakad ako, may nakita akong Binatang naka pang tipikal na damit. May kasama itong Dalagang nakasuot ng magandang klase ng baro't saya..


Nang matitigan ang dalawang iyon, agad naman akong natigilan at may kung anong bumara sa dibdib ko at nahirapan ako sa paghinga.. Kahawig kasi ni Goyo ang lalaking iyon.. Pero kung si Goyo man ang lalaking yun, Sino yung babaeng kasama niya?

Humanap ako ng lugar kung saan maaari ako makalapit sa kanila ng di nila napapansin.. Nakakita naman ako ng matabang puno malapit sa kinatatayuan nila. Naisipan ko namang duon magtago at pakinggan ang bawat paguusapan ng dalawang iyon.. Nakatitiyak naman akong imposible nila akong makita doon dahil bukod sa mataba ang puno na yun ay madami din itong sanga na kaya talaga akong itago mula sa kanila..



Nang makalapit ako sa lugar, nakumpirma ko ngang di ako nag kamali..



Si Gregorio nga iyon..



At dahil chimosa ko, naoverheard ko naman yung mga pinag uusapan nila..



"Hindi ka na nadadalaw samin Goyo,?" Tugon ng dalaga na may lungkot sa mga mata nito..


Dalaw? May iba pa palang dinadalaw si Goyo bukod sakin? Hahaha WOW!! ..



"Pasensiya na, Felicidad, madami lamang akong inaasikaso sa ngayon kaya naman bihira na kong makadalaw sainyo." tugon naman ni Goyo.



Madaming inaasekaso? Eh diba lately lagi tayong magkasama? Ako ba yung tinutukoy mo Goyo?


"Matagal ka nang hinahanap sakin ni Kuya, May nais siyang pagdiskusyunan niyo.." tugon ng dalagang iyon..



Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Where stories live. Discover now