Ikalawang Kabanata

4.1K 150 41
                                    

Nasa bahay na ko at nakakulong lang saking kwarto. Inaya ako kumain nila Mama kanina pero hindi ko magawang kumain. Buhat nang dumating ako sa bahay ay mas pinili kong manatili lang muna sa kwarto. Nakatulala lang ako sa ceiling habang hindi naman alam kung bakit hindi ko magawang kalimutan ang pangalan na binangit ni Sir Gero sakin. Paulit ulit na ume-echo ang pangalan niya sa utak ko.



"I want you to research about the life of Gregorio Del Pilar."


".....Gregorio Del Pilar."


".....Gregorio Del Pilar."




Gregorio Del Pilar? Kung di ako nagkakamali, siya ang nabansagang Boy General diba? Siya yung pamangkin ni Marcelo Del Pilar na dati miyembro ng mga illustrado at isa ring propagandist na naging succesor ng La solidaridad. Halos napag aralan ko na ang karamihan sa mga bayani pero si Gregorio Del Pilar, parang hindi ko pa masyado nababasa ang talambuhay niya. Wala rin akong ibang alam tungkol sakanya bukod sa siya ang bayani ng TIRAD PASS o PASONG TIRAD sa Ilocos.

"Magandang araw hija, ipagpaumanhin mo Binibini, ngunit di ko sinasadyang marinig ang usapan nio ng iyong kaibigan. Tila interesado sa ating kasaysayan, lalo na sa panahon ng Kastila."


Muli ko nanaman naalala ang sinabi ng matandang kausap ko kanina. Muling sumakit ang ulo, sa tingin naalog ang braincells ko sa mga sinabi ng matandang iyon kanina.. Nastress din ako sa takot at pagkagitla sa mga pinag sasabi nito sakin.. May katotohanan kaya ang sinasabi nia? Totoo kaya ang mga haka-haka nila sa likod ng arkomg iyon sa Fort Santiago?

"Bweno, bibigyan kita nang pagkakataon na makamit ang iyonh kagustuhan na makarating sa nakaraan"

Napasabunot naman ako sa buhok ko, hindi ko mawari pero, bakit parang naniniwala ako sa matandang yun? Bakit parang may bumubulong sa utak ko na manalig at maniwala sa kanya?

"Ang arkong ito ay nakakapagtawid ng taong nasa kasalukuyan papunta sa nakaraan lalo na kapag sumasapit ang hating gabe. Batid kong hindi ka naniniwala sa akin at maaaring iniisip mong nasisiraan lamang ako ng bait, ngunit kung nais mo talagang mapatunayang nag sasabi ako ng katotohanan, hihintayin kita sa harap ng arkong ito mamayang hating gabi."


Napaupo naman ako mula saking pagkakahiga. Napalingon ako sa orasan at napatitig rito bg ilang segundo.

11pm.

Sobrang nacucurious talaga ko.. Hindinko namalayan na napatayo na pala saking kama at napagtantong nagbibihis na pala ako. Ilang sandali pa ay inayos ko narin ang mga dadalhin kong gamit. Tahimik naman akong lumabas ng kwarto at ng bahay namin. Sakto naman ang pag daan ng taxi sa kalye namin at pinara naman agad iyon.

"Saan po tayo mam?" Tanong ng taxi driver habang tinitignan ako mula sa salamin ng kotse sa harang bahagi.. "Manong, sa Intramuros po tayo, sa Fort Santiago po" sagot ko naman..

Napakunot ang noo ng driver at halata ang pagtataka dito, "Pero maam, delikado na po sa lugar na iyon ng ganitong oras. Isa pa, sarado narin po ang mga pasyalan doon." saad niya..

"Uhm, basta kuya, may naghihintay kasi sa akin dun, please pakihatid nalang ako." muli kong sagot. Napailing nalang ang mama at sinunod nalang ang aking utos. Mabilis lang kaming nakarating sa kamaynilaan gawa ng hating gabi na at wala ng traffic.

"Maam, hanggang dito nalang po kami, hindi na kami pwede pumasok dyan kasi wala na kami maiikutan, lakarin niyo nalang po. At magiingat kayo marami pa namang squatter dito" muling paalala nito. Tumango nalamang ako at nagpasalamat dito..

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Место, где живут истории. Откройте их для себя