Ika-Labing Anim na Kabanata

2K 100 29
                                    



Pilit kong pinapatulog ang sarili ko. Ipikit ko man kasi ang mga mata ko, automatiko naman itong bumubukas sa tuwing makikita at maaalala ko ang mukha ni Goyo. Tila natala na ata siya sa isip ko simula ng bitiwan niya ang mga salitang sinabi niya sakin kanina.

Napabangon naman ako sa pag kakahiga ko. At dahil sa pag galaw na iyon, ay napukaw ko ang atensyon ni Rosario, dahilan para mapabangon din ito at kausapin ako..

"Sa tingin ko'y di ka makatulog Kristina, May bumabagabag ba sayong isipan..?" tugon nito.

OO Rosario, meron!!! Si Goyo...huhuhu  Naloloka na ata ako..

"Paumanhin kung naistorbo ko ang iyong pagtulog Rosario.." Tumayo si Rosario at lumapit sakin.. "Ano bang bumabagabag sayo? Nais mo bang ikwento ito?" tanong niya habang papaupo naman ito sa paanan ng aking kama.


Naisip ko naman na baka sakaling pag kwinento ko kay Rosario ang mga bagay na bumabagabag sakin ay makakatulog narin ako pag laon..

Tumingin ako saknya at nag simulang magtanong..

"Naranasan mo na bang umibig? Paano ba malalaman na nahuhulog ka na sa isang tao? Na umiibig ka na pala saknya,? Dahil ang totoo niyan hindi ko narin maalala kung paano." tugon ko naman saknya,.


Umupo na ito sa tabi ko at nagsimulang magsalita.. "Alam mo Kristina, isa yata ang Pag-ibig sa pinaka complikadong bagay sa mundo. Karaniwan kasi, sa hindi mo inaasahang pagkakataon, bigla nalang ito dumarating, walang tiyak na araw, oras o panahon. Maihahalintulad ito sa isang ulan" Sambit ni Rosario

Sa totoo lang, tama ang mga sinabi ni Rosario.. Minsan napaka unpreditable talaga ng Love.. Ni hindi nga sumagi sa isip ko na possibleng palang magkagusto sakin si Goyo. Sino ba naman ako sa panahong ito.

"Ngunit sa tingin mo, possible bang magmahalan ang dalawang taong nag mula sa magkaibang mundo,?" Tanong ko muli saknya..

"Alam mo sa pag-ibig, hindi importante kung saang mundo ka kabilang, o kung saang mundo man ang iyong pinangalingan.. Ang importante mahal niyo ang isat isa,.." Tugon niya muli..

Napataas naman ang kilay nito sa mga naitanong ko. "Sandali lamang, Ikaw ba'y umiibig na Kristina.?Meron na bang nagpapatibok ng iyong puso?" Sambit naman niya. "Siya ba ang dahilan ng pagtakas mo kanina?" Napakurap naman ako ng dalawang beses sa sinabi niya.


Paano niya nalaman na tumakas ako? Eh mas nauna pa nga akong nakabalik ng silid sa kanila. Ayon kasi sa kanila, napasarap daw ang kwentuhan nila sa iba pang estudyante sa dormitoryo kaya naman inabot na sila ng anong oras sa pagbalik ng silid. Mas nauna pa ko ng ilang minuto bago sila nakabalik. "Ano bang sinasabi mo, wala namang pagtakas na nangyari." natatawa kong tugon.

Umiling-iling lang si Rosario sabay hawak sa balikat ko. "Batid kong umalis ka pa kagabi, nakita ko ang kumot na iyong ginamit upang makapuslit. Marahil ay siya ang dahilan ng iyong pagtakas. Ang lalaking tinutukoy mo sa iyong mga katanungan."

Nakakamangha talaga magisip si Rosario, ang galing niya bumasa ng tao, kaya siya rin palagi ang nais kong kausap tungkol sa mga bagay na ganito. Kasi, hindi ko man sabihin ng diretso, alam na niya agad ang nais kong ipunto.


"O siya, hindi ko na hihilingin pang ikwento mo sakin ang tungkol dun. Batid kong personal mo ang bagay na iyan. Ngunit, tandaan mo sanang nandito lang ako kung nais mo ng kausap. Sige na, matulog ka na.." tugon ni Rosario at bumalik na ito sa kanyang kama at muli ng natulog..

Sinindihan ko naman ang lampara sa aking mesa at kinuha ang talaarawan upang magsulat. Bago ko pa man simulan at napabuntong hininga ako at napatingin sa kisame.

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Where stories live. Discover now