Ika-Labing Dalawang Kabanata

2.1K 106 4
                                    



Tulala akong naglalakad ngayon pabalik ng dormitoryo, halos di ko na napapansin ang mga taong nakakasalubong ko sa daan, madilim narin ang paligid dahil tapos na ang takipsilim.. Paulit ulit sa isip ko ang salitang binitiwan ni Goyo,

"Gusto kita Kristina, batid kong mabilis ang mga pangyayari ngunit simula ng makilala kita, ay hindi ka na mawala saking isipan.. Nais kong lagi kang nakikita at nasisilayan.."


Habang naglalakad ako ay may nakasalubong akong dalawang kalalakihan na halos wala sa sarili.. Sa itsura at amoy ng mga ito, walang duda na nakainom ang mga ito.

"Kutis porselana ang babaing iyon, mukhang hindi purong pilipina.." tugon ng isang lalaking may kadungisan ang pananamit..

"Sa tingin ko nga, mukhang may lahing kastila.." tugon naman ng isa..

Nanatili padin akong kalmado sa kabila ng mga narinig ko. Hindi ko pwedeng ipahalatang natatakot ako dahil for sure, mas sasaktan nila ko.

Naramdaman ko namang sa mga oras na iyon ay sumusunod na sila sakin. Binilisan ko ng kaunti ang lakad ko upang hindi nila ko maabutan. "Pagkakataon na natin ito upang makaganti sa mga kastilang iyan na umalipin sa atin ng mahabang panahon.." bulyaw ng isa pang lasing sa kasama niya.

Napansin naman nila ang pag bilis ng aking lakad kaya naman lumaki narin ang mga hakbang ng mga ito, dahilan para maghabol nila ko. "Teka lamang, Binibini.. Bakit ka nag iisa, Nais mo bang samahan ka nalamang namin sa iyong paglalakad.." sigaw ng lalaking madungis habang mahinahon pa ang pagsunod ng mga ito sakin.

"Oo nga Binibini, delekado kung ika'y mag lalakad pang mag isa, mabuti pa'y sumabay ka nalamang saamin.."

Napaisip ako, kahit pala sa panahong ito ay may mga manyakis ng lalaki tulad nila.. Walang pinagkaiba sa modernong panahon, ang pinagkaiba lang, Mas adik ang mga tao sa panahong pinangalingan ko..

Hinarang na ko ng dalawang kalalakihan at akmang yayapusin na sana nung isang lalaki.. Agad naman akong napaiwas at nakatakbo ng mabilis.

"Tulong.. tulungan niyo ako" pagsusumamo ko. Pabilis ng pabilis ang takbo mula saaming tatlo. Patuloy padin ako sa pag sigaw ngunit tila walang tao sa kapaligiran, wala ring sino man ang naroon para matulungan ako..

Nagsimula na kong umiyak at makaramdam ng matinding takot.. Pag naabutan ako ng dalawang iyon, siguradong hindi maganda ang mangyayari sakin.. Siguradong hindi na ko aabutan pa ng araw dito.

"Walang sino man ang makakarinig sayong sigaw mula sa lugar na ito Binibini, ito'y liblib na lugar na.. Kaya't kung ako sayo, sumama ka nalamang saamin ng matiwasay upang di ka na masaktan pa.." tugon ng isang lalaki..

"Siya nga.. Isa pa'y nais naming makatikim ng isang mestiza, hindi ba kaibigan." Sabay naman silang natawa sa huling bagay na sinabi ng kasama niyang lalaki.

Nagpatuloy padin ako sa pag takbo kahit na ramdam na ramdam ko na ang hingal at pagod. Kung saan saan din ako tumakbo upang mapagtaguan lamang sila. Pag dating sa isang maliit na kalsada, nakita ko namang sarado ang dulong bahagi nito. Tumakbo parin ako doon upang gumawa ng paraan para makalusot ako, ngunit nasawi akong makalusot dahilan para macorner ako nang dalawang manyakis na iyon.

"Utang na loob, Tulungan niyo ko.." muli kong sigaw habang humahagulgol na sa pag iyak. Walang humpay na ang luha ko habang nakamasid na sa mga lalaking papalapit na sakin ngayon. "P-pleasee!! T-tulungan niyo na kooo."

Rinig naman sa dalawang lalaki ang saya ng malaman na nacorner na nila ko sa eskimitang iyon. "Ilang beses ko ba kailangan sabihin sayo na walang iba pang makakadinig sigaw mo dito, Binibini, Bakit ba napaka kulit mo.." Napaupo nalang ako sa sahig at payakap saking sarili. Ipinatong ko nalang rin ang ulo ko sa braso ko para hindi matanaw ang lalaking nanlilisik na ang mata sa akin. Nang maabutan nila ako, agad akong hinila sa braso ng lalaking unang nagsalita kanina.

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora