Ika-Labing Isang Kabanata

2.3K 112 13
                                    



2014

Last day na ng 3rd year ko sa Highschool ng umamin ako sa Crush ko na gusto ko siya..

"I like you Arvin, i do really like you.. Actually matagal na.. Since nagstart ang sem na to,.. Remember nung una tayong nagkakilala.. Seatmates tayo nun.. Nung una nga akala ko masungit ka pero di nagtagal.. naging super close tayo dahil madalas tayong magusap.. hindi ko ineexpect na magiging malapit ako sayo ng ganito.. hanggang sa sabay na tayo nag lulunch tapos magkasama sa library nag rereview at nagkopyahan ng assignment.. Naaalala mo ba ung time na nalasing ako nung acquaintance party natin.. Sinubukan kong sabihin sayo mahal kita pero sinabi kong joke lang yun.. Natawa ka nalang sakin nun kasi ang kulet ko palang malasing.. Hinatid mo pa nga ako nun sa bahay diba? Tapos.. dahil sa closeness natin nagkaroon nadin tayo ng tawagan.. Ikaw pa nga ang nag suggest ng tawagan natin na yun db?.. First time ko maramdamang espesyal ako sa isang lalaki at sayo ko naramdaman yun.. Hindi ko sinasadyang mahulog sayo pero nangyare, at dahil sa mga un minahal na kita.." tugon ko kay Arvin.. Halos maiyak na ko sa pag aming ginawa ko sa unang pagkakataon..

Natulala lang si Arvin sa sinabi ko..

He held my hand and looked at me straight into my eyes.. "Tin.. mahal din kita, alam mo yan.. pero hindi sa paraang gusto mo.. Mahal kita pero bilang Best friend lang.. Alam mo kung gaano ka kahalaga sakin, pero sorry dahil may mahal na akong iba,.." he said as he was about hug me..

Since then, naramdaman ko na ang unti unti niyang pag iwas at paglayo sakin.. I lost my bestfriend for the first time.. Sobrang sakit.. Yun din ung unang beses na nasaktan ako ng dahil sa pagibig.. Yung pakiramdam na nag assume ka kasi masyado kang naging attached saknya pero hindi pala mutual ung nararamdaman nio sa isa't isa.. Napaupo nalang ako sa kinatatayuan ko at umiyak..


Naalimpungantan ako ng maramdaman ko ang pagdaloy ng luha saking pisngi. Unti-unti ko ibinukas ang mga mata ko at halos lumabo ito dahil sa mga namuong luha sa mga mata ko. Bumangon ako at umupo habang lutang parin ang isip ko sa napanaginipan ko. Hindi ko maisip kung bakit makalipas ang ilang taon ay naaalala ko nanaman ang dahilan kung bakit nasaktan ako ng lubos noon. Yung dahilan kung bakit natauhan at nadala na kong umibig pang muli. Naalala ko na hindi pala patas o pantay ang pag-ibig.

Its been 4 years since nangyari sakin ang pag aming yoon, pero hanggang ngaun, ramdam ko padin ang sakit at pait ng pagkakareject sakin ng bestfriend ko. Minsan napapaisip ako, kung bakit ko nga ba nagawang umamin sa kaniya noon? Sana nilihim ko nalang, sana hindi ko nalang sinabi.

Napapunas ako kaagad sa luha ko ng marinig kong bumukas ang pinto. Napansin naman iyon ni Rosario kaya naman napalapit sakin ito "Ikaw ba'y lumuluha, Kristina?" nagaalalang wika niya habang nakatayo at pinagmamasdan ako.

"H-hindi, napuwing lamang ako.." sabay punas muli ng luhang patulo sa mata ko.

"Wag ka nang mag-sinungaling Kristina.. alam kong umiyak ka, ano ba ang dahilan ng iyong pag luha, maari mo itong sabhn sakin.?" Tugon ni Rosario. Halata sa mga mata ko ang pamumugto nito kaya naman kahit hindi ko aminin ay hindi ko maitatago ang naging pagluha ko saknya.

Muling nagbadya ang pagtulo saking mga pisngi kaya naman tumalikod na ko kaagad at pinunasan ang luha bago pa man ito tumulo saking pisngi.

"Ano ba naman puwing ito, hindi ko tuloy mapigilan maiyak sa hapdi?" palusot ko kay Rosario habang pinipilit matawa. Hinawakan ni Rosario ang baba ko at tsaka pinaharap ang mukha ko sa saknya. "Hindi mo kailangan itago ang dahilan kung bakit ka umiiyak, maari mo naman itong sabihin sakin upang lumuwag ang iyong kalooban, Kristina."

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon