Ika-Pitong Kabanata

2.7K 111 15
                                    




"Pwede ko bang malaman kung saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko kay Goyo. Kasalukuyan kaming nakasakay lulan ng kanyang kabayo. Magbuhat kanina ay hindi padin ako makapaniwala sa pag-payag ni Madam Dolores imbitasyon sakin ni Goyo. Akala ko pa naman ay pagiisipan manlang niya iyon.

"Nais sana kitang dalhin sa burol na iyon.. Maganda ang tanawin doon at kita ang buong bayan. Maaliwalas at sariwa din ang hangin kaya't masarap magpalipas ng oras.." tugon naman ni Goyo. Napasin ko naman na ang ngiti sa kanyang labi na hindi maalis simula ng lisanin namin ang pamilihan sa bayan.

Wait lang?.. kinikilig ba to? tsss.. Hindi, Hindi, Hindi..  Wag kang assuming Kristina.. Malay mo naman masaya lang talaga siya.

Maya-Maya pa'y napaansin kong nakatitig naman siya sakin ngayon. Hindi ako sigurado pero yoon ang nakikita ng 'peripheral vision' ko.

Napapadalas din yata ang pag titig netong lalaking to sakin.. Ohmegerd!!! Anong gagawin koo.. Wait! may dumi ba ko sa mukha.. Ayoko naman humarap o tumingin sa kanya dahil mas lalo lang magiging awkward para sakin.. Lord what should I do?

Nanatili akong nakayuko hanggat sa makarating kami sa tuktok ng burol habang palakas namn ng palakas ng kabog ng dibdib ko. Pagkababa niya ng kabayo ay agad niya kong inalalayan para naman saking pag baba.. Tila may kung anong kuryente naman ang dumaloy saking katawan ng maglapat ang aming mga kamay. Hindi ko malaman kung saan nang galing ang enerhiyang iyon pero isa lang ang alam ko, kailangan kong bumitaw agad sa hawak na iyon.

Nag simula na kaming maglakad  patungo sa gitnang bahagi ng burol malapit sa may puno ng mangga.. Sa mga panahong iyon ay hindi padin kumakalas ang tingin ni Goyo sakin. Halos nakabibingi na rin ang katahimikan sa paligid kaya't napagdesisyunan kong magsalita nalang. "Napakaganda nga lugar na ito na ito. Tama ka rin, sariwa at maaliwalas ang hangin."

Pumikit ako upang damhin ang pagsampal ng malamig na hangin saking mga pisngi. Huminga narin ako ng malalim para makalanghap ako ng malinis at sariwang hangin mula sa bundok. Buti pa kasi sa panahong to, wala pang sasakyan, factory, at ano pa man na pwede maging source ng madumi o polluted air. Noon din kasi, kalesa lang ang source of transpo, so walang dahilan para madumihan ang hangin. Napaka-enviroment friendly din talaga ng panahon na to.


Natauhan naman ako sa pagtatanto ng maalalang kasama ko nga pala si Goyo. Dahan dahan napabukas ang mata ko at napatingin sa gawi kung nasan si Goyo. Agad naman nagtama ang mga mata namin ng makitang, nakatingin na pala siya sakin bago pa man ako mapalingon sa knya. Huli na para umiwas pa. "Sa wakas, nasilayan ko din muli ang ganda ng iyong mga mata.." tugon ni Goyo na halos mapa-palakpak ng magtama ang mga tingin namin.. "Akala ko'y di ko na masisilayan ang mga yan. Akala ko rin ay galit ka sakin, dahil magmula pa kanina ay mailap kang tumingin sakin." muling tugon ni Goyo..

Hindi ko naman malaman ang isasagot ko. Nako po? Ano ba ang dapat sabihin ko? Na, naiilang ako saknya kaya ganun? Na, nahihiya ako? Na, honeslty d ako komportable saknya?..

"H-hindi naman ho sa ganun Señor.. May hindi lang ho ako maintindihan.." tugon ko naman saknya.. Tama yan, Kristina. Hindi mo pwede ipakita na naiilang ako saknya, at hindi mo rin pwede ipaalam na kinakabahan ka ngayon.

"Goyo nalang Binibini... Masyado naman yatang pormal ang Señor. Higit pa roon, tayo'y magkaibigan na, hindi ba ? Kaya marapat lamang na tawagin mo nalamang ako saking palayaw.." paliwanag pa ni Goyo. Napaismid nalamang ako sa kanyang sinabi. "At ano ba ang iyong pinag aalinlangan? Ano ba ang iyong hindi maintindihan?" pahabol pa nia..

Paano ko ba ipapaliwanag? Paano ko ba sasabihin sakanya na alam kong palikero siya, kaya wag niya na ko subukan. hindi ko naman pwede sabihin ang mga yun dahil bawal.. Ayoko din naman mag assume na may gusto siya sakin.. kasi malinaw naman na nakikipagkaibigan lang siya.. Pero? Paano pag nahulog ako saknya. Hindi, hindi maaari, d ako magtatagumpay sa misyon at hindi na ko makakabalik sa present..

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Where stories live. Discover now