Ika-Limang Kabanata

2.8K 132 27
                                    




"VIVA HENERAL DEL PILAR"

Yaan ang hiyawan na paulit-ulit mong maririnig mo sa mga taong nasa plaza.. Lahat sila'y nakatingala sa lalaking nakasuot pangHeneral, habang pumapaikot sa plaza lulan ng kanyang kabayo..

Habang nakamasid sa lalaking tinaguriang Bayani ng Bulacan, May tatlong dalagitang Bulakeña naman sumingit saking kinatatayuan. Halos himatayin ang tatlong Binibini sa presensiya ng Batang Heneral.. Dahil sa lapit ng mga ito sakin, hindi ko na naiwasang marinig ang kanilang paguusap. "Hindi ba't napakagwapo talaga ni Goyo?" Tugon ng babaeng nasa gitna.. Palihim naman akong napatingin sa mga dalagitang iyon..

"Oo nga, talagang kahit sino ay mapapa-ibig niya" pagsang-ayon naman ng babaeng nasa kanang bahagi ng babaeng nasa gitna..

"Nako magiingat lamang tayo sa lalaking iyan, ang balita ko'y kada bayang iniiwanan nyan ay may babae siyang iniiwang luhaan" tugon ng babaeng nasa kaliw..

Bahagyang napatingin naman sa lugar namin si Gregorio. Bago pa man siya makababa ng knyang kabayo, ay umakto naman na parang hihimatayin ang isa sa tatlong dalagita ng mapatingin si Goyo sa gawi namin.


Sinalubong naman siya ng buong galak ng Gobernadorcillo "Bienvenido, General Del Pilar. Bien, puede asistir a nuestra fiesta en la ciudad. Que también te gusten las cosas que nuestros compatriotas han preparado para ti. (Maligayang pagdating Heneral Del Pilar.. Mabuti naman at nakadalo ka sa pista ng ating bayan. Nawa'y nagustuhan mo ang pinaghandaan ng ating kababayan para sa iyong pag dating).." Magalak na bati ng Gobernadorcillo..


"No esperaba que esta gran fiesta estuviera preparada para mi época ... Pero realmente lo aprecio.. (Hindi ko inaasahang ganito kalaking piging ang inyong pinaghandaan para lamang sa aking pag dating .. Ngunit lubos ko po itong ikinalulugod..)" Sambit ni Gregorio..

"No importa lo que ese Señor General, Bien, veamos el espectáculo. (Walang ano man iyon Señor Heneral, Bueno, tayo na para manood ng pagtatanghal..)" tugon ng Gobernadorcillo.

Tumango lamang si Goyo at nagpalinga linga sa paligid. Kanina parin ako nakamasid saknya mula sa malayo habang pinagtatanto na siya pala ang misyon ko. Nanlaki naman ang mata ko magtama ang aming paningin. Agad naman siyang sa Gobernadorcillo, at natanaw kong papunta na siya sa lugar kung nasan ako. Halos masamid ako sa iniinom kong juice nang makita sna siyang papalapit..

Nataranta ako, kaya naman kaagad na kong nagpaalam kina Rosario at Crisanta.. "Ahh.. kailangan ko ata muling magtungo sa palikuran, maiwan ko muna kayo.", paalam ko sa kanila sabay karipas ng takbo sa lugar kung saan hindi ako maabutan at makikita ni Goyo.

Huminto ako at napahawak sa isang pader malapit sa may palikuran at huminga ng malalim. Hindi ko malaman ang gagawin ko at ang nais ko ay mawala at kainin nalamang lupa.. "Siguro naman hindi na niyanko makikita dito.." sambit ko sa sarili habang hinihingal padin.. "All this time siya pala si Goyo.. bakit hindi ko nga ba naisip yun? Ni hindi pumasok sa utak ko na baka siya si Goyo?" Sabay sapuyo sa noo. "Lord help meee naman, waaaahhh.."

"Binibini."
Napatalon naman ako na parang palaka sa gulat nang marinig ang tinig mula saking likuran.. Unti unti naman akong humarap sa lalaking kumalabit sakin. Halos tumigil ang mundo ko ng makitang ang lalaking pilit kong namang iniiwasan..

"Palaka? Sinong palaka? Mukha ba akong palaka sa iyong paningin, Binibini?" Tugon niya.. Umiling iling naman ako at di makapag salita dahil sa kanyang presensiya.. Naghahalo ang kaba at takot sa pakiramdam.

"N-nagkakamali ho kayo.. isa lamang po iyong expression. Aalis na po ako" Wika ko.. Nilagpasan ko siya at aalis na sana ngunit humabol pa ito at nag salita. "Napakagwapo ko naman palang palaka kung gayon, kahumahumaling na Palaka.." Sambit niya sabay ngisi.

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang