Ika-Tatlumpu't Dalawang Kabanata

1.2K 49 15
                                    



Mamumugto na ang mga mata ko, tulala at halos humiwalay na ang kaluluwa sa katawan ko. Halos wala narin akong maaalala sa mga nangyari kung di ang paulit ulit na tunog nang putok ng baril at pagbulagta nang isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko sa panahong ito. Si Madam Dolores.



"May mga buhay na maaaring maging kapalit sa iyong pananatili sa panahong ito, iha. Hindi na ako tiyak kung kaninong buhay ang maaaring malagas, ngunit ito ang maaaring maging kabayaran sa pag distino mo rito."



Muling sumariwa sakin ang mga sinabi ni Tatang. Talaga bang kailangan may kapalit? Kailangan may buhay na mawala? Diyos ko! Ano bang kaparusahan ito? Hindi ko lubos maisip na ganito kabilis ang magiging kapalit nang pagpili kong manatili sa panahong ito. Hindi sumagi sa isip ko na maaaring isa pala doon si Madam Dolores..

Naramdaman ko naman ang pag haplos ni Crisanta saking likuran. Maging siya ay umiiyak din sa mga nangyaring namataan. "Nararamdaman ko ang iyong pagdadalamhati Kristina, maging sakin ay masakit din ang lahat. Ngunit wala tayong magagawa kung ito na ang nakatakda." Napalingon ako sa mga sinabing iyon ni Crisanta, napahawak nalang din ako sa kamay niyang, ngayon ay nakapatong na sa balikat ko.

Ngumiti ako sakanya ang kaunti upang mabigyan din siya nang lakas at hindi na malumbay sa lahat nang naranasan namin noong gabi.

"Hindi ko lamang matanggap ang lahat, Crisanta. Hindi ko naisip na sa ganitong paraan mawawala sa atin si Madam Dolores. Sobrang laki nang kanyang naiambag upang matuto ako sa buhay. Napakasakit lang isipin  na wala na siya ngayon, ang tinuring kong Ina" ani ko, sabay tulo nanaman ang namuong luha saking mata.

Nasa kalagitnaan na kami ngaun nang aming paglalakbay patungo sa Nueva Ecija. Sa lahat nang aking nasaksihan, hindi ko narin alam kung papaano ko pang matatanggap kung sakaling may isa pa sa mga mahahalagang tao para sakin ang mawawala.

Napabuntong hininga nalamang ako at napabulong aking sarili. "Hindi ko na hahayaan pang may mawala sa mga mahahalagang tao para sakin, handa kong kalabanin ang tadhana wag lamang silang mawala sakin."

Napansin ko naman ang lagkit nang tingin sakin ni Rosario habang halata naman dito ang pag pipigil nang iyak nito. Nang magtama ang aming paningin, agad akong napaluha, gayon narin siya.

Napaupo ako sa tabi nito at nagyakap kaming dalawa. "Nais kong humingi nang tawad sayo Kristina, Alam kong naging sakim ako, naging sakim ako upang isipin na maaari mong agawin sakin si Crisanto, patawad.." Sambit ni Rosario.

"May kanya kanya tayong kamalian Rosario, ngunit bilang kaibigan mo, may respeto ako sa nararamdaman mo, sa una palang ay alam ko nang mahal mo padin si Crisanto kaya naman hindi ko kayang gawin na agawin siya mula sayo, isa pa, may iba akong iniibig." Sagot ko naman saknya sabay punas nang aking luha.

Natawa naman nang kaunti si Rosario, "Si Gregorio?"sambit nito. Napatango naman ako saknya. Sabay naman kaming natawa muli.

"Napakatanga ko talaga upang kamuntikan nang masira ang ating pagkakaibigan nang dahil lamang sa isang lalaki, yaan mo't hindi na ito muling mangyayari.." hayag muli nito..

Tinawag naman ako ni Miguel upang itanong kung saan ba sa Nueva ecija ang lugar nang magiging tagpuan namin ni Gregorio.

"Ang pagkakaalala ko ay sa San Isidro, Nueva Ecija ito, Miguel." Tugon ko naman sa kanya..

"Papasok na tayo sa Bulakan, Kristina, ngunit kailangan nating magingat sa lugar na ito, hindi ko tiyak na ligtas tayo rito, may mga nakita na akong bandila nang mga amerikano, at sa tingin ko'y nasakop na rin nila ang San Jose." Ani niya.

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Where stories live. Discover now