Ika-Labing Tatlong Kabanata

1.9K 92 19
                                    



"Kaibigan lamang ba tlaga? O Ka-i-bigan na?" natatawang sambit ni Julian..


Siniko naman ni Goyo si Julian upang patahimikin. Hiyang hiya naman itong napatingin sakin at halos hindi rin maipinta ang mukha dahil sa pang-aasar na sinapit. Bakas sa kanya ang pagkagitla, halos na mumula narin ang mga pisngi ng Heneral.. Napansin naman iyon ng kanilang Ina kaya naman inawat na si Julian sa pang aasar nito sa kanyang kapatid.



"Julian, Tigilan mo nga ang iyong pang-aasar kay Goyo, mabuti pa't pumarito ka naat kumain nalang.." tugon ng kanilang Ina. Lumapit at umupo na si Julian malapit sa kinauupuan ng kanilang ina habang si Goyo naman ay halos naistatwa na sa kanyang kinatatayuan dahil sa pagkahiya sa mga nasabi ng kanyang kapatid na si Julian.


"Maganda Gabi sayo iha, ako nga pala si Felipa.. Ang ina ni Goyo.." wika niya habang nakangiti ng buong galak. "Ikaw ba'y kumain na? Mabuti pa't saluhan mo kami sa pagkain." wika niyang muli habang nakalahad ang kanyang kamay sa bakanteng upuan.

Ngumiti ako at umupo sa tabi ng binatilyong mukhang mas bata kay Goyo, sa tingin ko ay siya ang sinasabi ni Goyo na nakababata niyang kapatid na lalaki na si Jacinto..

Napangiti naman ito sakin ng mapasulyap ako sakanya. Sumunod na umupo naman si Goyo.. Nakaharap siya sakin ngayon sa hapag, katabi naman siya ni Julian at ang isang pwesto ay bakante naman..

"Asan si Ate Maria, Ina..?" Tugon naman ni Goyo. Si Maria ang nakakatandang kapatid ni Goyo. Isa rin ito sa pinaka-malapit sa kanya bukod kay Julian.

"Ako ba ang hinahanap mo, Goyo?" Tugon ng babaeng kakalabas pa lamang sa kusina.

"Ate Maria." magalak na wika nito. Agad na tumayo si Goyo upang alalayan ang kapatid na noo'y kakatapos pa lamang sa pagluluto.. "Ang bango naman ng mga ito"

"Ang Ate Maria niyo ang nag presintang magluto ng ating hapunan ngayon, kaya naman hinayaan ko siyang lutuin ang kanyang espesyal na putahe" tugon ng knyang ina.

"Mukhang nagsasanay ka na para sa buhay may asawa, Ate Maria.." sambit ni Goyo. Natawa naman ang kanyang ate sa kanyang sinabi..

"May balak na ba kayong magpakasal ni Teodoro, ate?" saad ni Julian. "Sa tingin ko'y nasa tamang edad ka na naman upang makipag-isang dibdib."

"Wala pa naman sa ngaun.. Ngunit napag-uusapan na namin ni Teo ang mga bagay na iyan.." tugon ni Ate Maria.. Nabaling naman nito ang tingin sakin at bumalik ang kanyang tingin kay Goyo..

"Goyo, Hindi mo yata nabanggit sa akin na ikaw pala'y may kasintahan na.." tugon muli nito. Lumapit ito sakin sabay lahad ng kanyang kamay. "Magandang Gabi, Binibini. Ako nga pala si Maria, ang nakatatandang kapatid ni Goyo, kinagagalak kitang makilala."

Bigla naman akong nasamid sa tubig na iniinom ko.. Ito na nga ba ung sinasabi ko eh.. Aakalain talaga nilang lahat kasintahan ko si Goyo dahil sinama nia ko dto..

"Nagkakamali po kayo, mag-----." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang sumabat si Goyo sa sinasabi ko.

"Hindi pa opisyal ate, dahil ako'y kasalukuyang nanliligaw pa lamang, ngunit handa akong patunayan na ako'y seryoso at malinis ang aking hangarin sa knya.." sambit ni Goyo sabay nakangiting tumingin saakin..

Nakaramdaman ko namang naginit ang pisngi ko sa mga binitiwan salita ni Goyo.. Para ding may mga paru parung nag liliparan kalamnan ko.. Tama ba tong nararamdaman ko, Kinikilig ba ko?


....pero keshe nemen, nakekekeleg nemen telege..

"Mukhang natamaan na nga ng kupido si Gregorio Del Pilar.." pang aasar naman na tugon ni Julian kay Goyo..



Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Where stories live. Discover now