Ika-Bente Syete na Kabanata

1.7K 72 23
                                    





"Osiya sige, magusap na muna kayo at ihahanda ko lamang ang ating agahan sa hapag upang makakain na tayo." Sambit ni Aling Rosa bago pa man siya lumisan ng silid.. Naiwan kami ni Miguel sa silid. Tila di naman niya alam ang kanyang gagawin.

"Magandang araw sayo Miguel, Lubos akong nagpapasalamat sa iyong pagtulong sakin, utang ko sayo ang aking buhay, pangako at makakabawi din ako sayo, sainyo." May ngiting ani ko sa binata .. 

Natauhan naman siya sa pagkakastatwa saking harap. "A-ayos lamang iyon Binibini, walang anu man, bukal saking kalooban ang pagtulong sa nangangailangan, kaya naman wag ka nang mag abala pa ,ang importante ay bumubuti ka na." tugon niya..

Makailang minuto rin ang kinain ng katahimikan sa pagitan naming dalawa pagkatapos ng usapang iyon. Bakas na may hiya paring nananalaytay sa mga tingin nito, ngunit gayon pa man nakuha padin ako nitong kamustahin. "kumusta na nga pala ang mga sugat mo, makirot padin ba?"tanong ng binita.

"Ayos na naman ako, malaki ang naitulong ng mga halamang gamot na inyong tinapal upang madaling gumaling ang mga sugat ko at matanggal ang mga kirot nito." sagot ko naman sakanya.. Sa totoo lang nakabuti din sa pakiramdam ko ang haba ng naitulog ko. Pakiramdam ko ngaun ay kumpleto ako sa pahinga sa kabila ng mga sugat at pasakit na naidulot sakin.

Tumango tango nalamang si Miguel, "Siya nga pala Binibining Gabriela, kung di niyo mamasamain, maaari ko bang malaman kung bakit may nais na magtangka sa iyong buhay? Sa tingin ko ay isa ka namang mabuting tao." pahabol pa ni Miguel. Napayuko nalang ako sa kanyang katanungan. Maging ako ay hindi rin alam ang dahilan kung bakit ako nais ipapatay ng babaeng iyon. Itinuring ko pa man din siyang isang kaibigan ngunit hindi ko lubos maisip kung bakit ba niya ko napagtangakaan ng ganito, hindi ko rin mawari kung ano ba ang naging atraso ko saknya.

"Sa totoo lang ay wala din akong ideya dyan, Miguel. Hindi ko rin batid kung ano ba ang kasalanan ko sa kanya at kung bakit niya ko ---" naputol naman ang usapan namin ni Miguel dahil tinawag na kami ni Aling Rosa. "Nakahain na ang hapag, tara na at kumain na tayo, Miguel anak, ayain mo na rin si Gabriela,"

"Nariyan na po Ina" agad na sagot naman ni Miguel.. "Binibini, mauna ka na sa hapag, susunod nalamang ako, may kukunin lamang ako." usal ni Miguel..

Tumango naman ako at tuluyan ng lumabas nang silid.. Pagkalabas ko ay una kong nakita ang hapag kainan nila na gawa sa kawayan. Tunay nga na isang munting tahanan lamang ang meron sina Aling Rosa. Muli kong inikot ang aking mata at napagtantong meron lamang silang dalawa na maliliit na silid na halos kalapit lang din ng kanila salas.

Naputol ang paglilibot ng aking mata ng madinig ko ang pagbati ng isang boses ng isang matandang Ginoo.. "Magandang umaga sayo iha, batid naming gutom ka na.. Heto at may hinanda kaming isdang tilapya at kamatis, iyan ay sariwa pa saming palaisdaan at hardin, sana ay magustuhan mo ang mga ito, pasensiya ka na, yaan lang ang mayroon kami." ani ng matandang ginoo.. Kung di ako nag kakamali sa malamang ay siya si Mang Rigor, ang asawa ni Aling Rosa.. Namangha naman ako sa sinabi nito na nangaling pa sa kanilang palaisdaan ang kanilang hinain..

"Talaga ho? May palaisdaan kayo? Marami po kayong tilapya? Nako hindi pa po ako nakakakita ng isang palaisdaan, tiyak akong masasarap ang mga iyan dahil sariwa pa ang nga ito" magana kong sambit..

Natawa naman ang mag asawang si Aling Rosa at Mang Rigor.. "Hahaha, nako iha, nakakatuwa ka naman, tila manghang mangha ka sa isang palaisdaan lamang, samantalang ito ay normal nalamang sa amin. Sa tingin ko ay isa kang anak mayaman, tama ba ko Binibini?" ani ni Mang Rigor..

"Ahh-- ehh-- hindi ho, nagkakamali po kayo dyan.. hindi po kami mayaman, sadyang ngayon lamang po talaga ko makakakita ng isang palaisdaan, sa pinagalingan ko ho kasi puro building na, hahaha!!" Paliwanag ko.. Huli na ng maaalala ko na nasa panahon nga pala ako ng nakaraan, napatakip naman ako saking bibig.. Kasabay naman nito ang pagkakaroon ng di maipaliwanag na mukha..

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Where stories live. Discover now