Ika-Anim na Kabanata

3.1K 108 24
                                    




"...pumapayag na ko makipagkaibigan, ngunit kaibigan lang ha.."


Magiilang araw narin ang nagdaan simula ng magkita muli kami ni Goyo sa pagdaraos sa Bulacan.. Hindi padin ako makapaniwalang simula pala nang mapunta ako sa panahong ito ay nagkita na kami ng misyong inatas sakin si Tatang. Pagkatapos ng super epic na pag uusap namin ay wala narin akong nagawa kundi ang tanggapin ang inaalok niyang pakikipagkaibigan sakin.. Ayoko na sanang magpahatid pa, ngunit sadyang mapilit talaga siya, kaya't wala narin akong nagawa. Ikinagulat naman nina Rosario at Crisnta ang mga susunod na nagyari.




Flashback

"Maraming salamat po sa paghatid Señor" sambit ko kay Goyo.. Napangiti naman siya sa sinabi ko. "Walang anuman Binibini, Sana ay hindi ito ang huli nating pakikita.." tugon naman niya habang napatingin naman siya kina Rosario at Crisanta.. "Bueno ako'y magpapaalam na.." ngumiti ito sa dalawa at ttuluyan ng lumiisan.

Napahawak naman magkabilag braso si Rosario at Crisanta. Ramdam mo sa kanilang dalawa ang kanilang kilig. "Totoo ba ang nakita kong iyon? Magkasama kayo ni Heneral Goyo? Pero, paano mo siya nakilala, Kristina?" Tugon ni Crisanta.

Taliwas naman ang reaksyon sa dalwang kasama ko ngayon. Kung sila ay kinikilig, ako naman nomal ang reaksyon. "Ah, nakilala ko siya sa Intramuros ng magtime trave--- ang ibig kong sabihin ay nung napadpad ako dun. Nagkabangga kami habang naglalakad ako pauwi samin." Tugon ko naman sa kanila. Mas lalo namang kinilig ang dalawa sa aking sinabi.

"Ika'y tunay na mapalad Kristina, Napakaraming binibini ang nais makausap at makilala si Gregorio. Ngunit ikaw?, nagawa pang makabangga siya. Sa katunayan maging ako'y naiingit ng makita kayong makasama.." sabi ni Crisanta na parang nalulungkot sa inggit..





Seriously? Naiingit sila sakin? Hindi ba sila aware na manloloko at palikero ang lalaking to? Hindi lang naman siguro siya ang gwapo sa panahong to diba? Isa pa, sa dami ng naloko at napaiyak niya kaya naman maging sa moderong panahon nadala ang pangalan niya. Paniguradong siya rin ang pangunahing ninuno ng mga babaero sa rami ng kababaihang na'goyo' sa karisma niya..


Pwes Sorry sa kanya, dahil ako? hindi-hindi nia madadala sa mga pagpapacute niya..

"HINDI TALAGAAA-----!!"

Naputol naman ang sinasabi ko ng biglang may kumatok sa pinto at tuloyan siyang pumasok ng silid. "Magandang umaga iha" bati niya. Lumibot naman ang mata ito sa kwarto at tila ba may hinahanap. Muli niyang ibinalik ang tingin niya sakin. 'May kausap ka ba iha?" Pagtataka nito. Napakamot naman ako saking batok at napapikit nalang. "Bueno, pinuntahan lamang kita dito upang atasan kang samahan ako sa pamamalengke ngaung umaga. Ubos na ang ating kasangkapan sa pag luto. Nais ko ring turuan ka kung paano mamalengke.. Nabanggit kasi sa akin ni Padre Fernando na wala ka raw alam sa gawaing bahay.." patuloy pa niya.

Okey, pati ba naman yun alam din ni Tatang.. Hanggang saan ba ang nalalaman niya. Napahinga ko ng malalim. Well, tama naman si Tatang. Buhay Señorita nga naman talaga ako sa bahay namin.. Wala akong alam gawin kundi ang iutos ang mga bagay dahil alam ko namang may katulong naman kami. I guess its about time for a change.

Tumango ako sa kaniya at ngumiti, "Sige po Nay, nais ko din pong matutunan ang mga bagay na hindi ko pa po nararanasan. Sandali lamang po at mabibihis lang ako.." Ngumiti si Madre Dolores, at bahagyang tumango.

Matapos lumabas ni Madam Dolores nang silid ay dali dali naman akong namili ng aking maaaring suotin sa pamamalengke.. Nakita ko naman ang isang kulay bughaw na Baro't saya. (As in parang kulay ulap na pagkabughaw neto.. light na light lang talaga pero hindi naman mukhang pinaglumaan)

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Where stories live. Discover now