Ika-Bente Cinco na Kabanata

1.6K 54 19
                                    




Balisa at tila lutang ang isip ko ng maabutan ako ni Crisanta sa aming silid.. Iniisip ko padin kung saan ko ba naipatong ang aking talaarawan.. Mag-iisang linggo narin simula ng mawala ito.. Hinalughog ko na ang buong silid namin ngunit hindi ko padin ito mahanap..

"Magandang araw Kristina," bati sakin ni Crisanta pagkapasok ng kwarto, patuloy padin ang aking pag hahanap sa aking mga kagamitan kaya naman napatanong muli si Crisanta sa akin, "O, bakit ika'y problemado? Hindi mo padin ba nahahanap ang iyong talaarawan?" aniya.

Tumayo ako at nagtungo sa tukador ko at muling naghanap rito.. "Hindi pa nga eh, hindi ko na malaman kung saan pa bang lupalop ko hahanapin yoon. Ang huling kong natatandaan, ipinatong ko lamang iyon dito sa lamesang ito.. Hindi ko pwedeng magkamali." tugon ko naman saknya,.

"Sigurado ka bang hindi mo ito naiwan kung saan? Sino naman kaya ang kukuha ng bagay na iyon.? Bakit niya naman pag iinteresan ang keadernong iyon?" wika ni Crisanta sabay hawak nito sa baba. "AH!!, Teka, naitanong mo na ba kay Rosario kung napansin niya iyon? Baka naman naitabi niya ito.." ani niyang muli..

Napaisip naman ako, hindi ko pa nga natatanong si Rosario sa pagkawala ng talaarawan ko.. Kasabay ng pag iisip ko na yon ay siya namang pag pasok ni Rosario sa silid.

Napatingin naman kaming dalawa ni Crisanta sa kanya, at nagbigay naman ito ng gitla at pagtataka sa dalaga. "Bakit ganyan kayong makatingin? Tila parang nakakita kayo ng multo.. May problema ba?" tanong nito.

"Ito kasing si Kristina, nawawala daw ang kanyang talaarawan.. Nakita mo ba ito?" Sambit ni Crisanta..

Nagkibit balikat lang si Rosario.. "Hindi ko napansin ang kwadernong iyon. Bakit? Ako ba ang inyong pinag sususpetsyahan na kumuha kaya ganyan nalamang kayo makatingin sakin..?" ani ng dalaga sabay irap naman nito..

Nitong mga nakaraang araw ay daig pa ni Rosario ang may PMS.. Napansin ko kasing nagiging mainitin ang ulo nia, at kadalasan, sakin.. Hindi ko rin naman mawari kung may nagawa ba kong di kaaya-aya saknya, natatakot din naman kong magtanong..

Naglakad na ito papunta sa kanyang mesa upang kunin ang librong kailangan niya at pagkabukas nito  sa isa sa mga silidan ng kanyang mesa ay bumungad dito ang talaarawang hinahanap ko.. "O, ito pala ang talaarawang hinahanap mo, nandito sa aparador ng mesa ko.. Paano napunta yaan dito? Pakalat kalat kasi ang gamit mo kaya naliligaw sa ibang lalagyan.." masungit na ani nito..

Iniabot naman niya ito sakin at agad ko naman itong kinuha at tinignan ang nasa loob nito.. "Pero papaanong napunta ito sa mga kagamitan mo? Palagi lang naman itong nasa mesa ko.." tanong ko naman saknya.

Lumapit ito sakin at tinaasan ako ng kilay.. "Pinagbibintangan mo bang ako ang lumuha ng iyong kwaderno? Wala sa aking ugali ang maki-alam ng mga bagay na hindi sa akin kaya naman wala kang ano mang karapatan para pagbintangan ako, sa tagal namin ni Crisanta sa silid na ito ay ngayon lamang may naligaw na hindi ko gamit saking aparador.." Pagtaray na sagot naman niya.

Hindi nalamang ako kumibo, wala ako sa wisyo para makipagtalo o makipag away pa sa kanya.. Ang importante ay nasakin na muli ang talaarawan ko at ito ang mahalaga. Bumalik na si Rosario sa kanyang tokadar at kinuha lamang  ang isang aklat na kanyang kailangan at lumisan rin kaagad ng kwarto. Napailing nalamang si Crisanta sa mga pangyayari habang nagtutupi ng kanyang mga damit.

Agad ko namang binuksan muli ang talaarawan ko at bigla naman napaisip. 'Kung galing ito sa aparador ni Rosario, hindi kaya may nabasa na siya sa mga ito? Ngunit ikinagitla niya ng makita ang talaarawan ko sa kanyang lalagyan.' bulong ko sa sarili. Habang seryoso ako sa pag iisip at pangangamba ay nakuha naman ni Crisanta ang atensyon ko ng bigla siyang magsalita..

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Where stories live. Discover now