Ika-tatlumpu't Apat na Kabanata

1.5K 50 13
                                    





Ang init sa pakiramdam.

Sa bawat halik na ibinibigay sakin ni Gregorio, ay siya namang pagtindi ng alab na aking nararamdaman sa aking puso. Mga halik na kasing init na ngayon ng aming mga katawan na tila nagsasabi kung gaano kami nasabik sa isa't isa.

Unti-unti kaming kumalas sa init nang mga halik na iyon at nagyakapang muli. Nagtama muli ang aming mga mata at sabay na napangiti sa isa't isa.

"Akala ko'y hindi na kita makikita pang muli, Kristina." Sambit nito. Nakatingin lamang ako ng diretso sa mga mata nito habang ibinibigay naman ng kanyang mga mata ang explinasyon ng na nadarama ng kanyang puso.

"Nanganib ang aking buhay sa labanan, nagkaroon kami nang engkwentro sa mga amerikano sa kasagsagan ng laban namin sa Bulacan. Sa pagkakatanda ko, kakaunti nalamang at tatama na sana sa akin ang balang pinakawala ng amerikanong iyon. Buti nalamang at gabi ng araw na iyon, kaya hindi ako natamaan nito." pahabol pa niya.

Gumuhit naman ng pag-aalala sa akin ang sinabi niyang iyon. Napahawak ako sa mukha nito at agad na tinignan kung may natamo ba itong sugat o ano pa mang galos. "Ayos ka lang ba? May naging tama ka ba?" nagaalala kong tanong.

Ikinatuwa naman nito ang aking sinabi, kinuha niya ang mga kamay kong nakahawak sa kanyang mga pisngi at hinawakan ito ng mahigpit, "Ayos na ako, Mahal ko, Hindi mo na kailangan pang mag-alala sakin. Galos lang naman din ang natamo ko noon, wag mo na itong ikabahala." sambit niya.

Naputol ang usapang iyon nang may kumatok at magbukas ang pinto ng silid.

"Heneral, mawalang galang na po, ngunit nagpadala po ng mensahe ang mga taga-pampanga. Ikinalulungkot ko pong ipabatid na ang Ang San Fernando at Santo Tomas ay kasalukuyan na pong napasailalim ng pwersa ng mga amerikano. Kaninang madaling araw lamang daw po naganap ang pagsalakay at madali naman pong napabagsak ang Pampanga dahil kakaunti nalamang po ang kanilang hukbo. Sa tingin ko po, malapit narin po marating ng mga Amerkano ang lugar na ito."

Nabahala naman si Gregorio sa balitang iyon at ngayon ay may pangamba na sa kanyang mga mata. Hindi man niya iparamdam ang kanyang takot, ngunit halata at dama mo naman ito sa kaniyang kilos.

"Nasaan ang Señor Presidente?" tanong nito sa kanyang kasamahan sa hukbo.

"Kasalukuyan po niyang kausap ang iba pang pinuno mg hukbo sa kanyang opisina, Heneral." sagot naman nito.

Nagkatinginan kaming dalawa at tila ba nagusap sa isip. Naintindihan ko naman kaagad ang nais iparating ng kanyang mga tingin kaya naman tumango nalamang ako at hinayaan na siyang pansamantalang umalis..

Hindi ko rin maintindihan ngunit, unti-unti namang lumakas ang kabog ng dibdib ko para takot ko kay Goyo.

Dumungaw ako sa bintana at sinundan ang kanyang pag-alis patungo sa presidente. Bago pa man nito ipagpatuloy ang kanyang pag-alis ay nakita ko namang sumulyap rin muna siya sa kinatatayuan ko, nagbigay ito ng walang emosyong mukha at tsaka palang muling naglakad.

Nanikip naman ang dibdib ko sa takot, hindi ko tiyak kung hanggang kailan kami ligtas ngunit kailangan kong malaman ang mga susunod na mangyayari..

Agad akong napatanong saking sarili kung anong araw na ba ngayon. Kailangan kong malaman ang araw para makadaloy at maintindihan ako ang mga nangyayari.

Agad kong hinanap sina Miguel upang ipagtanong kung nalalaman ba nila kung ano ang eksaktong araw na ito. Hindi narin naman ako nahirapan sapagkat maliit lamang ang komunidad ng San Isidro.

Napagalaman kong ang araw pala ngayon ay May 16, 1899. Pilit kong pinipiga ang utak ko upang alalahamin ang naging kaganapan sa araw na ito..

Nabasa ko to, hindi ako pwedeng magkamali, pero ano nga ba ang nakalahad sa araw na to??? Por Diyos, pakiusap sana may maalala ko sa mga nabasa at napag-aralan ko noon..

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Where stories live. Discover now