Ika-Labing Siyam na Kabanata

1.8K 78 13
                                    





Nasa dulong bahagi ako ng barko at nilalasap ang malamig at sariwang hangin ng lapitan ako ni Madam Dolores. "Tinang" tawag nito sakin, napalingon naman ako sa tawag niyang yoon at bungad sakin ang maganda niyang ngiti..

Nginitian ko din naman ito pabalik.. "Magandang gabi po Nay Oreng, kayo po'y naiinip na sating silid, ano po?" Sambit ko sa matanda..

Ngumiti lang ito at tinapik ang aking balikat.. "Parang ganun na nga iha, maghapon na kasi akong nag babasa ng libro, sa katunayan ay kanina padin kita hinihintay sa kwarto para sana makipag kwentuhan, ngunit mukhang mas naliligayahan ka yatang nasa ilalim ng mga tala habang pinapanood ang mga ito." Tugon niya. "Nais mo bang kwentohan kita?" Pahabol pa niya..

Napatingala narin siya sa ulap at pinagmasdan narin ang ganda ng kalangitan. Nag simula narin itong magsalaysay.. "Kaedad mo lamang ako noong nagkaroon ako ng unang pagibig Kristina, ngunit sa kasawiang palad, parang nakasulat sa tadhanang hindi kami para sa isat isa.." Napatingin naman ako sa kanya. Napansin ko naman na tila biglang nanaig ang lumungkot mula sa kanyan mga mata..

Naintriga naman ako sa storya, kaya naman nagpatuloy ako sa pagtanong.. "Ano pong nangyare Nay Oreng?"

"Tulad ng sabi ko sayo noon, isa akong taga San Alfonso, galing lamang ako sa isang mahirap na pamilya, dalawanlamang kaming magkapatid ni Cristina. Dahil sa kahirapan, napagdesisyunan kong humingi ng tulong sa Gobernadorcillo para sa aming pamilya. Nang makausap ko ang Gobernador, iminungkahe niyang tumira nalamang daw ako saknila at maging isang tagasilbi sa kanila. Bilang kapalit noon ay pag aaralin niya ko upang makatapos.. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, nahulog ako sa bunsong anak nilang si Diego. Si Diego ay naging malapit kong kaibigan, at di kalaunan ay napaibig na ako saknya, gayon din siya sakin."pagsasalaysay niya..

Napatango tango nalang ako.. Pero ano kayang nangyari? Bakit d sila nagkatuluyan? Naiintriga talaga ko at dahil chismosa ko, di ko nanaman napigilang magtanong..

"Ano pong nanyare Nay, bakit hindi po kayo nagkatuluyan?" usisa kong muli.  Nagbuntong hininga naman ito at ipinagpatuloy ang kanyang kwento..


"Si Diego ay itinakda na ng kanyang mga magulang sa isang babaeng miyembro ng pricipales ang pamilya bago pa man kami magkakilala. Subalit kahit pa iniibig namin ang isat isa, alam kong hindi parin kami pwede dahil komplikado ang sitwasyon para saming dalawa.. Pinilit naming ipaglaban ngunit ang tadhana na mismo ang pumigil ng mabaril si Diego dahil napagkamalang tulisan ito noong araw na napagdesisyunan naming magtanan" patuloy pa niya sabay ngiti rin sa huli..


"Napaka tragic naman po pala ng lovestory niyo Nay.." saad ko saknya ng may malungkot na reaskyon.


"May mga bagay kasi sa mundo na ibibigay lang sayo ng panandalian. Hindi kalaunan, babawiin din sayo sa huli dahil iyon ang nararapat, yun bang papasiyahin ka lamang, ipapahiram lamang pala upang turuan ka ng leksyon, pero nakatakda kabpalang saktan sa huli." Sambit ni Madam Dolores sabay tingin ng deretso sa mga mata ko. Sa totoo lang hindi ko gaano maintindhan ang sinasabi niya, may pagka talinhaga sa totoo lang..


Pinutol niya ang tinginan na iyon at nag salita ng muli.. "Halika na iha, matulog na tayo, kita mo't lumalalim na ang gabi.." sambit ng matanda at nag simula ng maglakad papalayo..


Maglalakad na din sana ko, nang bigla naman namin nakita papunta din sa lugar na iyon si Crisanto.. Ikinagulat ko naman iyon, hindi rin kasi nabanggit ni Crisanta na kasabay pala namin ang kanyang kapatid sa paguwi.


"Magandang gabi sayo, Binibing Kristina, nandirito ka pala.." Pagbati niya sakin.


Napatingin naman ako kay Madam Dolores na hinihintay ako sa di kalayuan.. Tumango lang ito na para bang naiintinhan niyang gusto kong humingi ng pahintulot saknya.. Maya maya pa ay bumalik na siya sa palalakad at umalis na..


Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora