Ika-Tatlumpu't tatlong Kabanata

1.5K 50 25
                                    



Pebrero 1899



"Ngunit Heneral, ang sabi po nila ay digmaan po ang inyong hanap, bakit hindi niyo po subukan ang makipagcompromiso.." Tugon nang binatilyong nasa harapan nang Heneral.. Napatayo sa kanyang kinauupuan si Luna at lumapit ito sa likuran nang binatilyo at tsaka huminga nang malalim.

"Sinusuka ko ang pakikidigma iho." sambit ni Luna.. "Ngunit ang kompromiso? wala ba tayong karapatang mabuhay nang malaya? Nang may sariling buhay at republika?" malungkot na tanong nang Heneral..

Nanatiling tahimik ang binatilyo habang nakatitig naman ito sa malulungkot na mata nang Heneral Luna.. "Alam mo iho, hanggat may mga taong kalahi natin ang sakim sa kapangyarihan at iniisip lamang ang pansariling kapakanan, kailanman ay hinding-hindi makakalaya sa bisig nang mananakop ang ating bansa." makabuluhang tugon nang nito..

"Marapat din nilang malaman na hindi nakakamit ang kalayaan sa pag-aaruga sa ating mahal sa buhay, kailangan nilang magbayad, dugo at pawis, kailangan nilang tumalon sa kawalan." pahabol pa nitong tugon.

Matapos ang sandaling iyon ay agad namang may kumatok sa pinto ang silid nang Heneral. "Heneral, pinapatawag po kayo para sa isang pag pupulong ni Presidente Aguinaldo. Nais po niya kayong makausap kasama narin po ang iba pang opisyales." hayag ni Rusca. Napatango nalang ang Heneral at agad namang nagpaaalam at lumisan nang silid si Rusca.

"Sige ho, Heneral, batid kong kailangan niyo nang magpahinga, Salamat po sa inyong oras, ako po'y aalis na." Sambit ng binatilyo.

"Salamat din, Joven. Makakaalis ka na" walang emosyong tugon naman saknya nang heneral. Nanatiling tahimik si Luna sa kanyang silid hanggang sa malakabas naman ang binatilyo.





Huli na nang makarating sa pagpupulong ang magiting na si Heneral Luna. Bagamat huli man sa pag dating, taas noo parin itong pumasok nang silid. Animo'y may dumaan namang anghel sa harapan nang mga gabinete sa kanyang pagdating, dahil nagsi-tahimik ang mga opisyales sa kanilang pag-uusap nang siya'y madatnan nang mga ito. Nasa likod naman nito ang isa sa kanyang tapat na opisyal na si Heneral Jose Alejandrino.

"Pasensiya na at ako'y nahuli." paumanhin nito. Naupo na ito sa gitnang bahagi nang parihabang mesa, umupo naman sa kanyang kanan si Jose Alejandrino.

Nang magpatuloy ang pagpupulong nang mga gabinete ay hindi na nagustuhan ng Heneral ang unang parte nang pananayam sa isa't isa sapagkat sabay sabay ang pagnanalita ng mga miyembro nito at nagmistula palengke ang silid sa ingay na dulot nito.. Dahil sa inis ng Heneral ay hindi na nito napigilan pa ang sarili kaya naman ipinalo na nito ang kamay sa mesa na siya namang ikinatahimik muli nang lahat.

"Señor Presidente, walang pupuntahang ang usapang ito, habang sabay sabay tayong nagtatalo rito, ay sayang pag lakas naman ng pwersa nang mga amerikano." mainit na ulong tugon ng Heneral.

Napatingin naman muli saknya ang lahat pati narin ang Presidente na nasa kanyang harapan. "Mano pa'y nilulusob na natin ang mga hukbo nang mga amerikano habang kakaunti palang ang mga ito, tiyak pang maaari tayong manalo, kahit man malagas ang iba sa atin." mariin saad nito.

"May pag-asa tayong sila'y mapalayas at muling mapa-satin ang Intramuros." pahabol pa nito.

Muling umalingawngaw ang ingay sa silid at sabay sabay muling nagbigay ng opinyon ang bawat opisyales. " Hawak natin ang mga karatig bayan, meron tayong apat na pung libong katao upang lumaban." dagdag pa ni Alejandrino.

"Naipadala ko na si Arguelles at Buencamino, nandoon sila upang makipagusap pang-kapayapaan kay Heneral Otis." Bwelta naman ni Aguinaldo.

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Where stories live. Discover now