Ika-Apat na Kabanata

3.1K 166 56
                                    

Kasalukuyan kaming nasa karawehe patungo nang Bulacan. Haalos mag-iisang oras narin kaming bumabyahe.. Lumingon ako kila Rosario at Crisanta, ngunit pareho silang himbing sa pagtulog.. Napatingin naman din ako kay Madam Dolores, nakadungaw lamang din ito sa bintana habang malalim ang kanyang iniisip.. ako?.. eto bored na bored..

Pag may byahe kaming ganito ka layo nila mommy, lalo na pag nag-a-Out of town kami, ugali kong magsuot nang earphones at nagsasoundtrip lang buong byahe, pero ngaun? Wala, as in, walang cellphon, walang music, wala kahit ano manlang, talagang nakakabagot.. Ngayon ko lang din narealize na anlayo pala nang byahe nang mga sinaunang tao sa Bulacan. Sa panahon ko kasi, isang FX lang yan, wala pang isang oras nasa Bulacan ka na.

"Bakit hindi ka muna matulog, May gumugulo ba sa iyong isipan Tinang?" Napalingon ako sa mga sinabing iyon ni Madam Dolores.. Napalinga linga naman din ako sa paligid at nagtataka kung ako nga ba talaga ang kausap nia..

"A-ako ho ba ang kausap nio Madam Dolores?" Tanong ko saknya habang napaturo ako sa sarili ko.. Bigla ko namang naalala na 4 nga lang pala kami sa karawahe.. Tulog pa yung dalawa, kaya for sure ako nga ang kausap niya.

What the heck, napakastupid na tanong Kristina.. malamang ikaw ang kausap.. Ikaw lang ang gising db ?

"Ah Madam, ipagpaumanhin niyo ngunit hindi po iyon ang aking palayaw" tugon ko naman saknya.

Tumango siya ng dalawang beses "Pasensiya ka na iha, naalala ko lamang ang aking bunsong kapatid sayo. Cristina rin kasi ang kanyang pangalan.. Ngunit Tinang' ang kanyang palayaw." tugon ni Madam Dolores ng may lungkot sa kanyang mga mata sabay sulyap muli sa bintana.

Napatango nalang ako sa paliliwanag nito.. Sinumpong naman ako ng magiging chismosa ko kaya naman inusisa ko pa ng husto ang tungkol kay Cristina. "Mawalang galang na po, pero maaari ko po bang malaman Madre, kung nasan na po si Cristina,?" Chismosa kong tanong. Alam mo kasi hindi ako papatahimikin ng chismosa conscience ko pag hindi ko naitanong mga katanungan sa utang ko..

Muli niyang binaling ang attensyon sakin at nagsimula nang mag kwento. "Si Cristina ay nakababata kong kapatid, dalawa lamang kami. Siya ay isang masayahing Binibini, Siya rin ay matalino at maganda.. Ngunit binawian xa ng buhay sa murang edad pa lamang.. Sa edad na dise-otso." malungkot na saad nito. " Hindi ko makakalimutan ang araw na yoon. Ika-29 ng Pebrero taon ng 1892, kakalabas pa lang namin ng Simbahan ng San Alfonso ng biglang nagkagulo sa bayan. Nakarinig kami ng putukan at sigawan ng mga kalalakihan. Napagalaman namin na yun na pala ang unang pag-aaklas ng katipunan laban sa sa pamahalaan ng kastila. Papatakbo na sana kami ni Cristina ng bigla syang natumba, nagulat nalamang ako ng may dumadanak nang dugo sa kinalalagyan nia.. Hindi ko inaasahan na yoon na pala ang huli naming pag-sasama.." pagpapatuloy pa ni Madam Dolores na akmang napapaluha na.. Hindi ko malaman pero parang kumirot naman ang puso ko sa mga kwentong iyon nang madre.

"Ikinalulungkot ko po ang sinapit ng iyong mahal na kapatid, Madre Dolores" Tugon ko sabay hawak sa kanyang mga kamay niya. Napatingin ito sakin at hinawakan din ang aking kamay, ngumiti ito at muling pinagpatuloy ang kanyang kwento.

"Sa katunayan niyan.. Nang dalhin ka ni Fernan ng gabing iyon, ay nag atubili akong tanggapin ka sa kadahilanang may kapasidad lamang ang paaralan. Nasa Bente cincong estudyante lamang dapat ngunit umabot ito ng ika-Bente sais, at ikaw iyon. Ngunit pagtapos ka niyang ipakilala sakin at mapag-alamang Kristina rin ang iyong ngalan, may kung ano akong naramdaman at hindi ko napigilang tanggapin ka" tugon ni Madam Dolores ng nakangiti ..

"Maraming salamat po at tinanggap niyo padin ako sa inyong Dormitory Madam Dolores" sambit ko at napangiti narin saknya .. "Nay Oreng nalamang Kristina" sambit nia ng may kaunting sigla na aa kanyang mukha. Sandaling naputol ang aming paguusap ng patigilin na ni Mang Domeng ng karawahe..

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Where stories live. Discover now