Ika-Labing Apat na Kabanata

1.9K 125 22
                                    





Nandito ako ngayon saming silid at nagbabasa ng isang nobela ng magbukas ang pinto at makitang kumakaripas ng takbo si Crisanta papunta sa direksyon ko. May hawak itong 3 bulaklak habang halata naman sa kanyang mukha ang pagkakilig.

"Kristina, Tignan mo ang mga ito," sabik niyang tugon sakin sabay lahad ng kanyang kamay na may mga hawak na rosas.. "Napakaganda hindi ba? Ang mga bulaklak na ito ay para sa iyo,?" habol pa niya at ini-abot sakin ang 3 tangkay ng rosas.


Ang sweet naman ni Crisanta, na touch naman ako at napangiti dahil sa knyang ibinigay. Nagpasalamat ako saknya at kinuha ang tatlong rosas na iyon.. "Napaka ganda nga ng mga ito, at mabango rin, talaga bang para sakin ang mga ito? Maraming salamat Crisanta, nakakahiya at nagabala ka pa" tugon ko saknya..


Kumot ang noo nito at umiling sakin.. "Nako Kristina nagkakamali ka, Hindi sa akin nangaling ang mga iyan, pinabibigay sayo yan ni Kuya Crisanto, sa katunayan niyan ay naghihintay siya sayo sa ibaba.. nais ka daw sana niyang yayaing mamasyal." Nakangiti nitong tugon. Sinagi naman nito ang balikat ko sa kilig.


Nagulat naman ako sa sinabi niya. Agad akong nag ayos upang bumaba at personal na magpasalamat kay Crisanto. Hinintay naman ako ni Crisanta nang sa ganun ay sabay na kaming bumaba at puntahan ang kanyang kapatid na naghihintay.


Pagbaba namin ay nakita ko ngang nakaupo sa salas ng dormitory si Crisanto. Unti unti naman akong lumapit l para batiin ito. Nakasuot siya ngayon ng polo na puti at slocks. "Maganda Umaga Ginoo." bungad ko saknya.. Sumilay naman ang ngiti sa mukha nito ng makita ako at tumayo upang mag bigay galang rin.. "Nais ko nga palang magpasalamat sa bigay mong mga rosas.. Napaka-ganda at napakahalimuyak ng mga ito" tugon ko sa kanya.


"Masaya ako at nagustuhan mo ito. Galing yaan sa hardin ng mga Del Pilar.. Napansin kong malalagu at namumulaklak na ang mga bulaklak sa kanilang hardin kaya naman naisipan kong pumitas ng ilan para ibigay sayo.." nakangiti niyang sambit. Sa totoo lang, sino bang hindi mahuhulog sa lalaking tulad ni Crisanto, bukod sa gwapo na, may sense of sweetness pa sa katawan. Hindi tulad ni Goyo, sa ngiti at tindig lang nakukuha ang mga babae.


Tumingin naman ng parang nambubuyo si Crisanta. "Mukhang desidido ka sa aking kaibigan kuya, Hindi masyadong halata.." tugon naman nito habang tumawa..


Nahiya naman si Crisanto sa pambubuyo ng kanyang kapatid kaya naman nagsimula nang mamula ang mga pisngi nito. Ang cute niya magblush.. mas nakikita at nahahalata ang pagiging mestizo niya.


"O sya, maiwan ko na kayo kuya, ingat nalamang kayo sa inyong pamamamasyal" wika ni Crisanta. Bago pa man umalis si Crisanta ay nagiwan muna ito ng nakakalokong ngiti dahilan para ako'y mapahampas ng abaniko sa kanya ng bahagya. Natatawa naman kaming iniwan ni Crisanta sa ginawa kong iyon.

Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya naman nanatili nalamang akong tahimik. Maya maya pa ay nagtama ang mga mata namin ni Crisanto dahilan para mabasag niya ang katahimikang iyon mula sa aming dalawa.. "Uhm, sa tingin ko'y kailangan na nating humayo para hindi tayo gabihin." wika ni Crisanto.


Napatango naman ako sa sinabi niyang iyon. "Ah, Oo, tara?" sambit ko naman saknya..


***



Napagdisisyunan namin ni Crisanto na sa bayan nalang kami mamasyal. Bukod sa parke at tugtugan sa plaza, malapit rin ito sa mga pamilihan. Habang naglalakad kami malapit sa pamilihan, may babaeng nasa tindahan ang tumawag kay Crisanto..


"Señor Crisanto" tawag ng babaing naka dirty white na barot saya. Sa pananamit nito, makikitang kabilang ito sa mababang antas ng mga pilipino o tinatawag ngaung mahirap..


Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Where stories live. Discover now