Ika-Bente Otso na Kabanata

1.4K 63 28
                                    

January 21, 1899

"Naghain ako ng isang protesta laban sa mga Amerikano para soberanya ng Pilipinas, ngunit sa kasawiang palad ay nais padin nilang panindigan ang kanilang pagkontrol sa ating bansa." sambit ni Presidente Aguinaldo. Nasa isang pag pupulong siya sa Malolos kung saan kasama niya ang kaniyang mga gabinete upang pagusapan ang namumuo at pausbong na labanan sa pagitan ng Pilipinas at Amerikano.

".. kaya naman naandito tayo upang lagdaan ang isang proklamasyon ng isang Kontitusyon. Konstitusyon kung saan nag dedeklara ng unang Republika ng Pilipinas bilang isang malayang bansa. Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino at tayo lamang ang dapat na makinabang sa bansang ito, Walang sinuman ang dapat na lumupig satin. Hindi ang Espanya at lalong hindi rin ang mga Amerikano" Pahabol pa ni Aguinaldo.

"Maghanda kayo para sa nalalapit na pakikipagdigmaan." Bantang pahabol ni Miong. Napukaw naman ni Goyo ang atensyon ni Miong dahil sa ito ay tila lutang at hindi malaman ang gagawin.

Nilapitan ni Miong si Goyo na bagamat nasa loob man ng pagpupulong ay tila malayo naman ang iniisip at kanina pa nakatulala sa hangin. " Goyo? may problema ba? Kanina ko pa napapansin na tila ika'y balisa. Nais ko lamang ipaalala na kung ano man ang iyong nasa isipan sa ngayon ay mas kailangan mo munang iisang tabi ito. Marami pa tayo ng kailangan isiping mas importanteng bagay. Sana ay naiintindihan mo ang ibig kong sabihin." Sambit ni Miong sabay hawak naman nito sa balikat ni Goyo bago pa man ito tuluyang lumisan. Nag alala naman si Vicente sa kanyang kaibigan kung kaya't pagkatapos makipagusap sa isang kolonel ay agad na nilapitan ang kaibigan at kinumusta.

"Goyo, ayos ka lamang ba? Napapansin ko rin nitong mga nakaraang araw na tila wala ka sa iyong sarili, may bumabagabag ba sa iyo kaibigan?" Tanong ni Vicente. Napatingin naman ni Goyo sa kanyang kaibiigan at nagpakawala lamang ito ng isang ngiti.

"Ayos lamang ako Vicente, nagaalala lamang ako, naaalala mo ba ang Binibini na aking palaging nakukwento sayo?" Ani ni Goyo..

"Si Kristina? Bakit ano ang tungkol saknya?" Sagot naman ni Vicente. Nagpakawala ng malalim na bugtong hininga si Goyo at sinimulan ng magkwento sa kaibigan.

"May isang linggo narin ang nakararaan simula ng mawala si Kristina. Maging ako ay nag aaalala na, kahit si Madre Dolores ay hindi din alam kung nasaan siya nagtungo. Tinanong ko na rin siya kina Crisanta at Rosario, ngunit maging sila ay hindi rin alam ang kinalalagyan ng kanilang kaibigan. May nakapagsabi sakin na namataan daw siya sa isang barrio sa Obando, ngunit nang mangaling ako roon ay wala naman daw nagngangalang Kristina ang nakatira doon. Hindi ko na malaman ang gagawin ko Vicente, ako'y nag aalala na talaga." Sambit ni Goyo sa kaibigan.

"Hindi kaya sinasadya na muna ni Kristina na hindi magpakita sa kung sino man ngayon? Baka naman maging siya ay marami ding gumugulo sa isip kaya naman mas ninanais niya munang mapag-isa. Sa tingin ko ay kailangan niya muna siguro ng distansya, Goyo. Makakabuti muna siguro kung hahayaan muna natin siya mapag-isa" ani naman ni Vicente. Napatango nalamang si Goyo.


********************


Magiisang linggo narin simula ng mapadpad ako sa lugar nila Miguel. Sa isang linggo kong pananatili sa kanilang lugar, masasabi kong busilak ang kalooban ng kanilang pamilya. Tinuturing nila kong isang kapamilya at tumutulong sila ng walang ano mang kapalit. Napagtanto ko rin na sa panahong ito, tunay na may ginituang puso ang mga tao dahil kahit mahirap lamang sila ay bukal sa kanilla ang tumulong sa kapwa kahit na ba hindi pa nila ganoon ka kilala ang isang tao.

"Gabriela, nais mo bang sumama muli sakin sa ilog? Maaari kang magtampisaw roon habang hinuhugasan ko ang mga pinaglutuan." paunlak na paanyaya ni Miguel.

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora