Ika-Bente Tres na Kabanata

1.7K 81 34
                                    




"Kristina anak?" Tawag sakin ng isang marahang tinig. Unti unti akong nagkamalay at nakitang nakaupo sa tabi ko si Madam Dolores habang bakas naman sa mukha nito ang pagaalala sakin. Bumangon ako habang napahawak naman ako sa noo ko. Inilibot ko ang aking paningin at nakitang nandun din si Crisanta. Nakatayo ito habang nakadungaw sa may bintana.

"Ano pong nangyare?" Tanong ko.. Wala akong maalala, ang huli ko lang naaalala ay nakikinig lang ako sa paguusap nila Crisanto at Rosario.. Pagtapos ng mga yun, wala na kong matandaan pa..

"Kanina lamang ay nagusap pa tayo bago ko magtungo ng silid. Ngunit ng balikan kita, nakita ko nalamang na nakahandusay na sa sahig malapit sa may bintana." wika ni Crisanta. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niyang iyon.

Nawalan ako nanaman pala ako ng malay? Tulad ng sinabi ni Crisanta, napansin ko nga ding madalas akong himatayin at mawalan ng malay.. Hindi ko maintindihan, nagsimula ito noong nasa barko kami pagtapos kong makita si Padre Tatang.. May kaugnayan ba ito sa mga taong nakakaalam na ng sekreto ko?

"Awa ng Diyos at nagising ka na." wika naman ni Madam sabay haplos ng aking buhok. "Kumusta ang pakiramdam mo iha?" pangugumusta pa nito.

"Maayos naman po ang pakiramdam ko, medyo mabigat lang po ang aking ulo. Hindi ko lang po lubos maintindihan kung bakit po ako nawalan ng malay. Hindi naman po masama ang aking pakiramdam." saad ko naman sa kanila.

"Paano yan? Mamaya pa naman ang piging, Kristina." saad muli ni Crisanta.

"Makabubuti siguro kung hindi na nalamang muna siya dumalo sa piging. Hindi pa natin tiyak ag tunay na nangyayari kung bakit siya nawawalan ng malay." Sambit naman ni Madam Dolores. Napansin ko naman biglang napahawak si Crisanta sa kanyang bibig ng may gulat na reaksyon. "Hindi po kaya---" saad ni Crisanta ngunit hindi na niya ito natapos ng ayain na ito ni Madam Dolores. "Mabuti pa'y hayaan muna natin magpahinga si Kristina." saad ni Madam Dolores. Sunod noon ay inaya narin nito si Crisanta upang umalis na.

"Cge po Madre, Ako'y susunod narin po, may katanungan lamang po ko kay Kristina.." sambit naman ni Crisanta.. Nauna nang lumabas si Madam Dolores. Makailang saglit pa ay nakahanap na ng tsempo si Crisanta upang magtanong. Lumapit ito sakin at tinignan ako ng mata sa mata, seryoso ito at may pang uusisa sa mga tingin niya.. "Magsabi ka nga ng totoo Kristina. Ikaw ba'y nag dadalang tao?" Napakurap ng dalawang beses ang mata ko sa sinabi na iyon ni Crisanta. "Madalas kang mawalan ng malay at naging mahihiluhin ka rin nitong mga nagdaang araw.. Sa mga simtomas na iyong pinapakita, maihahalintulad ito karamdaman ng pag dadalang tao. Sabihin mo, may nakakuha na ba ng iyong pagka babae? Sino ang Ginoong iyon, ha? Kailangan ka niyang panagutan.." sambit ni Crisanta.

Natawa naman ako sa sinabi niya habang siya naman ay seryoso at napatabingi ang mata sa reaskyon ko, "Ano ka ba Crisanta, huminahon ka. Hindi ako nagdadalang tao, at impossibleng mangyari iyon. Hindi ko rin maintindhan, ngunit nakakasiguro akong hindi ito dahil sa pagbubuntis.." paliwanag ko pa saknya. Napatango tango naman ito at mukhang kumbensido naman sa mga sinabi ko. Una sa lahat hindi pa naman niya ko nakikitang may kasamang lalaki. Nagkikita man kami ni Goyo, lagi naman kaming nasa mataong lugar. Kadalasan naman, palihim kami magkita, kaya walang sinu mang nakakaalam maliban kay Madam Dolores.

"Kung gayon ay ipapatawag ko nalamang si Kuya upang ating malaman kung ano ba talaga ang dahilan ng iyong madalas na pagkakahimatay.." Tugon niya.. Tumalikod ito at papalabas na sana ng silid ng tawagin ko siyang muli..

"Crisanta. Mas maigi pa sigurong, wag mo nlamang ipaalam ang bagay na ito sakanya, ayokong magalala pa sakin si Crisanto. Ayos lang naman ako, itutulog ko nalamang ito." saad ko sa kanya. Tumango lang ito at tuluyan ng lumabas ng silid.

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora