Ika-Labing Pitong Kabanata

1.5K 83 3
                                    





Naglalakad ako sa isang burol, nang makita kong may nakatalikod na lalaking nag lalakad doon, Sinusundan ko siya pero tila ayaw niyang lumingon.

"Sandali lang" tugon ko saknanya..

Patuloy padin ang paglakad nito, nakaputi siyang Tshirt at nakapantalon na may kaluwagan..


"Sandali" tugon ko muli saknya..


Huminto na ito sa paglalakad, at unti unting humarap.


Si Daddy..


"Daddy" tawag ko saknya at nagsimula na kong umiyak.. "Daddy, sobrang miss ko na po kayo.."

Maganda ang Aura ni Daddy, parang may liwanag din nang gagaling sa kinatatayuan niya.. Halos parang hindi nagkasakit si Daddy.

Ngumiti lang ito sakin, at sa wakas ay sumambit narin. "Kristina, Anak." Napatakbo naman ako at napayakap saknya..

Nagsimula na kong umiyak ng sobra..


"Masaya akong makita kang muli anak.."


Napahagulgol na ko dahil nakausap ko ulit si Daddy..

"Daddy, (T_T) ," sambit ko..


Yaan lang yung tanging nasasabi ko,


Niyakap ako ni Daddy, pagtapos ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tumingin ng deretso sa mata ko..


"Anak, Lagi mong tatandaan, Mahal na mahal ka ng Daddy, Kahit na wala na ko sa tabi niyo ng Mama mo, Hindi mawawala ang pag mamahal ko sainyo. Palagi ko padin kayo ginagabayan, patawarin mo ko dahil iniwan ko kayo agad ng maaga.. Walang may kagustuhan na maaga akong mawalay sainyo, pero lagi ka lang mananalig...

Lahat ng bagay, nangyayari ng may dahilan anak, Marahil sa ngayon ay hindi mo pa naiitindihan kung bakit nangyari iyon, pero tandaan mo, palaging may importanteng dahilan.. "

Binitawan ako ni Daddy at unti unti na siyang papalayo sakin..



***



THIRD PERSON



"Daddy!!" tugon ni Kristina habang lumuluha ng nakapikit..

Nagising si Crisanta sa mga tinig na ito. Dali-dali naman nito pinuntahan si Kristina at sinubukang gisingin ito.

"Daddy" Tugon muli ni Kristina ...

Marahang tinatapik ni Crisanta si Kristina upang magising na ito. Ngunit hindi talaga ito nagigising. Hinawakan ni Crisanta ang noo ni Kristina at napag alamang ito ay inaapoy sa lagnat.


"Rosario! Gising! Dali! Tawagin mo si Madam Dolores at Julieta, nagkukumbulsyon si Kristina, inaapoy siya ng lagnat.." pag-aalalang tugon ni Crisanta..

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon