JeDean X

15.8K 336 10
                                    

Napabalikwas si Jema ng bangon nang marinig ang boses ni Deanna sa kabilang linya, tsinek niya ang oras sa cellphone 11pm na, sumilip siya sa bintana para makasigurado kung totoo ngang nasa labas si Deanna, malakas ang ulan sa labas, iginala niya ang kanyang mata sa labas ng gate nang may napansin siyang nakatayong tao sa labas, dali dali siyan lumabas ng kwarto at patakbong bumaba ng hagdan at tumakbo palabas ng apartment

Pagkabukas niya ng gate ay agad siyang nagulat nang makita si Deanna na nakatayo sa harapan ng kanilang gate, nakalagay ang dalawang kamay nito sa bulsa ng suot suot niyang jacket na kulay blue, mukhang varsity jacket niya to.

"Deanna? oh my God! " agad niyang hinila ang babae papasok sa loob ng apartment

" sandali lang kukuha ako ng towel sa taas " iniwan niya sandali si Deanna sa salas para kumuha ng towel sa kanyang kwarto

Pagkababa niya ay agad niyang pinunasan ang ulo ni Deanna

"Ikaw tlagang bata ka, bat ka nagpaulan? nasa labas ka pa alam mo bang dis oras na ng gabi " sermon nito

Nangingiti naman si Deanna sa inasal ni Jema, para tuloy siyang nanay na pinapagalitan ang anak, patuloy pa rin sa pagpupunas si Jema sa basang ulo ni Deanna habang nanenermon nang biglang hawakan nito ang zipper ng jacket ni Deanna at akmang ibababa

"te-teka anong ginagawa mo?" tanong ni Deanna

"Huhubarin ko ang jacket mo basa na yan"

" Hindi na... ako na maghuhubad.." pagpigil ni Deanna sa kamay ni Jema

" wag ng matigas ang ulo bata, may kasalanan kpa nagpaulan ka " pagalit na wika ni Jema

Hindi na naka palag si Deanna ng tuluyan ng binaba ni Jema ang zipper ng jacket niya, napasinghap naman ang huli nang makita ang panloob na suot ni Deanna

" Like what you see?" nakanigisng tanong niya

Agad tinaas ni Jema ang zipper ng Jacket ni Deanna, at hinila siya papuntang banyo

" Dyan ka sa banyo magbihis heto towel, kukuhanan kita ng damit sa taas, " sabi ni Jema sabay sarado ng pinto

Napasandal si Jema sa pader

" bwiset tlagang bata na yun, aatakihin ata ako sa puso ng wala sa oras " pinakalma muna niya ang sarili bago ulit umaktyat sa taas para kumuha ng damit na susuotin ni Deanna

Kumatok siya sa labas ng banyo at ng pagbuksan siya ni Deanna ng pinto ay agad siyang umiwas ng tingin, pano ba naman kasi nakikita na naman niya ang suot na sportsbra ni Deanna, parang naulit lang yung kaninang nangyari sa salas.

" damit mo" inabot nito ang dalang damit kay Deanna, this time pumikit na siya para wala siyang makita

" may underwear ka? " rining niyang tanong ni Deanna

" ano ? " napamulat siya ng mata

Nakatingin lang si Deanna sa kanya

Napatingin naman si Jema sa sarili at naalala niya na wala pala siyang suot na bra

" bastos " at agad tinakpan ang dibdib niya

" what i mean  kung may underwear ka bang dala? kasi basa yung underwear ko palitan ko sana "

Namumula ang pisngi ni Jema sa hiya, akala niya binobosohan siya ng Bata

" Kukuha ako, maghintay ka " at mabilis na umakyat sa taas

Pagkabalik niya ay agad niyang binigay ito kay Deanna

" heto, bago yan. bilisan mo na magbihis dyan dahil mag uusap pa tayo " at agad umalis

---

Kalalabas lang banyo ni Deanna habang si Jema naman ay prenteng nakaupo sa sala at hinihintay siya

"Sabhin mo nga sakin bakit gabi na nasa galaan ka pa rin ha bata "

" Hindi mo lang ba ako papaupuin man lang? " nakalabing tanong ni Deanna

" ehh d umupo ka "

Pagkaupo ni Deanna ay nagtanong na naman ulit siya

" so Bat kba kasi pumunta dto gabi na at nagpaulan ka pa?"

" tinatawagan kita, d mo sinasagot tawag ko " nakangusong sabi ni Deanna

" dahil lang dun? eh sana naghintay ka na lang sa loob ng kotse mo para d kna nabasa ng ulan " pangaral ni Jema sa kanya

" nag commute lang po ako.. wala akong dalang car bawal na kasi lumabas ng dorm after 10 pag ginamit ko car ko baka mahuli ako ng guard. may curfew kasi sa dorm " plaiwanag naman ni Deanna

" ehhh kung ano mangyari sayo sa labas, ang bata mo tlaga mag isip " inis na wika ng babae

" bat kasi d kna nagreply sakin, tumatawag ako d mo rin sinasagot "

Biglang naalala ni Jema ang dahilan kung bakit d na siya nagreply sa message ni Deanna, " yan kasi pinairal kasi ang kahalayan sa utak " kausap nito sa sarili

" kita mo hindi ka nakasagot "

" ehh inantok na ako, ano magagawa ko? " palusot naman ni Jema

" defensive mo naman, let's go " at inabot ang kamay ng babae

" ipagpatuloy natin ang tulog mo, antok na rin ako eh.. " sabay humikab pa

" sinong may sabi na dto ka matutulog? "

" gabi na, wala akong dalang car at umuulan pa, wag mong sabihing pauuwuin mo pa ako " tanong ni Deanna sa kanya

Hindi na nakakibo si Jema ng tumayo na si Deanna at biglang niyakap sya sa bewang

" My Queen, let's sleep inaantok na tlaga ako " sabay siksik ng mukha niya sa leeg ni Jema

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Where stories live. Discover now